in my extraordinary eyes BOOK 3 IS FROM HAERONHERC's BOOK OF WITCH HAZEL YARROW
ALL RIGTH RESERVED 2014
COPYRIGHT OF LOLA SHINANG FROM HER ORIGINAL BOOK OF STORIESAuthor's Note
Ang mga Mata ay ang salamin ng ating kaluluwa.
Ito rin ang bintana ng ating mga emosyon.
At ito rin ang nagiging dahilan upang maniwala tayo sa mga bagay bagay.
Sabi nga: To see is to believe.
Pero pa'no kung isang araw ay malaman mo ang napakaganda mo palang mga mata ay hindi isang ordinaryong mata lamang na tulad ng sa iba.
Ang mata na na siya mong unang nakikita o unang tinitingnan sa tuwing haharap ka sa salamin,
at una mong ibubukas sa iyong paggising upang masilayan ang ganda ng umaga,
ay ang isang bahagi ng iyong katawan na hindi mo pala orihinal na pag-aari.
Paano ka mamumuhay sa araw-araw kung nalaman mong may isang bahagi ng iyong katawan na pag-aari pala ng iba?
at hindi lang ito isang mata lang na ibinigay upang ikaw ay makakita,
kundi upang mabuhay siya sa mundo na kasama ka.
Ang matang ito na inakala mong sa iyo at isang ordinaryo lamang ay malalaman mong bigla na pag-aari pala ng iba at may bonus pang kasama.
Makikita mo ang mga bagay na hindi mo inaakalang totoo pala!
Nakahanda ka na ba?
Sa isa na namang obra ni Lola Shinang?
Rate. Comment. Vote. And be a Fan.
Prolouge
Ako si Arah.
27 years old.
Isang ordinaryong babae lang ako dati.
At hindi ako naniniwala sa mga multo, elemento at kung anu-ano pa na hindi nakikita ng aking mga mata.
Hanggang sa mapadpad ako sa isang malayong probinsya nang dahil sa aking trabaho at dun nagsimulang gumulo ang aking mundo nang tumira ako sa attic.
At ngayon, naninirahan ako sa mundo at alam kong hindi ako nag-iisa.
Mas madalas kong kasama at kausap ang mga hindi nakikita na para bang normal na lang sila sa akin.
Nasanay na ako mula nang mangyari ang lahat ng mga bagay sa aking nakaraan.
At ngayon, tulad ng mga ordinaryong mga tao, nagpapatuloy ako sa aking buhay. Katulad ng mundo na patuloy na umiikot sa araw.
How i wish na wala na sanang mangyaring katulad nung dati.
O dapat ko pa bang i-expect yun?
Alam kong hindi ako nag-iisa.
May mga katulad din akong may third eye o sixth sense.
At karamihan sa amin ay gustong mamuhay nang normal. Madalas kaming tahimik at mapag-isa. At iilan lang ang pinagkakatiwalaan. Iilan lang ang pinagsasabihan ng tungkol sa aming mga nakikita.
As if naman kasi may maniniwala?
Yung iba, nakikinig lang.
Pero madalas sinasabing to see is to believe.
But I'm really thankful na may isang taong naniniwala sa akin.
Tumulong at tutulong pa.
Umunawa at uunawa pa.
At sana.............
sana,
Siya na nga.
Si Norman ang nagbibigay ng kulay sa mundo ko.
Bago kami magkakilala.
Isa akong bungisngis at palabiro.
Pero mula nung nalaman kong hindi pala ako normal,
nagsimula akong maging seryoso na para bang namumuhay akong kakaiba.
Pero andiyan siya.
Na laging nagpapaalalang.............
"tao ka, tulad ko at tulad nila. Nabubuhay na di iba. Gifted lang."
I love him. Di lang halata.
He's my first love, first boyfriend.
And hoping that he could be the one.
My destiny.

BINABASA MO ANG
MATA (completed)
Korkuin my extraordinary eyes BOOK 3 What if isang araw ay malaman mong ang matang taglay mo ay hindi pala sa'yo? Na ito'y ipinagkaloob ng isang taong hindi mo pa nakikilala? At magmula nang mapasa iyo ang mga matang iyon ay nakikita mo na mga bagay na d...