Episode 31

1K 30 2
                                        

Ramdam na ramdam ko ang paghiwa ng matalim na yelo sa mga palad ko. Halos sumagad sa aking buto. Pero nanatili akong nakatayo at nagkukunwaring hindi nasasaktan. Ni sa mukha ko ay hindi ko ipinapakita na nasasaktan ako. Ikinuyom ko ang mga palad ko para mabawasan ang sakit ng dahan-dahan niyang pagsadyang paghiwa sa mga kamay ko. Halos hindi kami kumukurap sa pagkakatitig sa isat-isa. Pareho kaming ayaw sumuko. Akala niya ba, mapapabagsak niya ako ng ganun lang? Hindi na ngayon! Sisiguraduhin kong ako ang siyang magtatagumpay ngayon.

Kinontrol ko ang hangin para mas mapadali ko ang pagtanggal sa kaniya dun sa yelo.

Pero kinontrol niya naman ang yelo. Biglang nagkaroon ng yelo sa kanyang baywang na tila ba niyakap siya mula sa likuran.

Napahinto ako sa pagkontrol sa hangin. Mapuputol ang katawan ko kapag itinuloy ko yun. Matalim ang yelong ginawa sinadyang lagyan ng talim yun para mapahinto ako.Hindi ko pa kayang kontrolin ang tubig ngayon. Nakakainis! Ibig sabihin hihintayin ko lang na kusang alisin ni Ayessaha ang sarili dun? Pero ano pa ang binabalak niya bago umalis dun?

Maya-maya'y naramdaman ko naman ang paghiwa sa kaliwang hita ko. Oo nga pala. Natusok yun kanina ng matulis na yelo. At balak niya yun tanggalin ng dahan-dahan.

Pinilit ko lang tumayo. Kahit sobrang sakit. Ramdam ko ang dahan-dahang paghiwa ng yelo sa hita ko. Malalim. Nararamdaman kong sumasadsad yun sa aking buto. Pinilit kong maging matibay pero ang sakit. Sakit na gusto ko ng sumigaw. Ano bang dapat ko pang gawin?

Napaluhod ako sa tindi ng sakit. Hinawakan ko ang hita ko. Kahit na hindi naman ako talaga ang nahihiwa pero dahil katawan ko yun.....parang ako talaga ang naroon at ako ang siyang nasasaktan.

Tiningnan ko siya ng matalim. Pero nakangiti siya. Ngiting nagsasabing.....kaya mo pa ba?

Sa tingin mo ba susuko na lang ako ng ganun?! Hindi na ulit! Ayoko na!!!!

Tumakbo ako at tapos ay nilipad ko siya. Sa mismong kinaroroonan niya. Dumampot pa ako ng isang letrang nasa ere habang lumilipad akong palapit sa kanya at ginawa ko yung isang espada at mabilis kong itinarak yun sa kanyang tiyan.

Nabasag yung yelong tila nakayakap sa kanya at tumusok yung spiritual sword na gawa ko. At dahil spiritual yun.....hindi naman talaga masusugatan ang katawan ko.....inaasahan kong siya ang masasaktan.

"Ah!......................" halos mamilipit siya habang sumisigaw.

Hindi ako nagkamali. Kapag spiritual ang gamit ko, masasaktan ko siya.

Paulit-ulit ko yung ibinaon sa kanya. Sa tindi ng galit ko, lumalabas yun sa mata ko. Panay ang sigaw niya habang paulit-ulit ko yun ginagawa. Halos ayaw ko ng tigilan pa. Hindi ko na mapigil ang galit, parang unti-unti akong nilalamon ng galit ko. Wala na akong ibang maramdaman. Ang gusto ko na lang ngayon ay mapahirapan siya.

Itinulak niya ako gamit ang hangin at bumagsak ako sa lupa. Nakita ko rin siyang halos gumapang sa lupa dahil sa tindi ng sakit na ibinigay ko sa kanya.

Kumuha pa ako ng isang letra at ginawa ulit yun espada. Mabilis akong lumapit sa kanya. Pumwesto ako sa likuran niya at mabilis na itinarak yun sa kanya. "Nagkamali ka sa pagbigay mo ng spell na ito. At nagkamali ka pa rin dahil mas ginawa mo itong kapaki-pakinabang para sa akin." galit na galit kong sabi habang paulit-ulit ko yun iniuunday sa likod niya.

Panay ang sigaw niya. Hindi ko alam kung gaano yun kasakit para sa kanya. Pero may natitira pa rin siyang lakas. Nagawa niya akong itumba at nagawa niyang pumaibabaw sa akin. "GUSTO MO BANG MALAMAN KUNG GAANO KASAKIT ANG GINAWA MONG BWISIT KA?!!!" galit niyang sigaw.

Gumawa din siya ng isang espada gamit din ang isang letra. At ginawa niya sa akin ang pinaranas ko sa kanya kanina. Paulit-ulit niya yun isinaksak sa akin. Naninilisik ang mga mata niya at wala na siyang pakialam kung saan saan yun tumatama sa akin.

Napapahiyaw din ako sa sakit. Ganun pala yun kasakit. Kung may katawan ako, putol-putol na ang buto ko ngayon.

Isang angat pa niya sa espada at nakakuha ako ng pagkakataong mahawakan ang kamay niya.

Huh?! Nahahawakan ko na siya?!

Mas pabor ito sa akin.

Pinilit ko yung itapat sa kanya. Nagtatagisan kami ng lakas. Pareho kaming ayaw magpatalo. Alam kong mas lamang siya pagdating sa lakas at kapangyarihan pero hindi ako papayag na matalo.

Medyo pinagaan ko ang paghawak ko sa kamay niya na parang nawalan ako ng lakas para mas lumakas ang kumpyansa niyang sa akin niya yun magagawang isaksak pero nung malapit na yun tumapat sa akin saka ako bumawi. Mabilis kong itinulak ang kamay niyang hawak yung espada at itinarak ko sa dibdib niya sa tapat ng puso.

Mukhang malakas ng tama nun para sa kanya. Hindi siya nakasigaw. Parang naubusan siya ng hangin sa nangyari. Napahawak siya sa kanyang dibdib at bumagsak sa lupa. Namilipit siya sa sobrang sakit. Kitang-kita ko ang pagsuntok-suntok niya sa dibdib na parang hindi makahinga. Halos mamaluktot din siya dahil sa sakit.

Pagkakataon ko na!

Katulad ng sinabi ni Jullienne, kapag naghihina na siya pwede kong itulak ang ispiritu niya palabas ng aking katawan at pwede na akong bumalik.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya.

Pero bago ko pa maisagawa ang plano ko, naunahan naman niya ako. Humarap siya sa akin at tinitigan ako gamit ang sarili kong mga mata.

Napahinto ako sa nakita ko.

Yung mga mata ko.....

Nakita ko yung nagliliwanag. Sa kauna-unahang pagkakataon. Nakita ko ito ng harapan ng ganito kaganda. Yung liwanag na taglay niya, hindi masakit sa mata,hindi nakakasilaw. Kundi nakakaakit ito. Nakakamangha. Nakakatulala.

Tumayo siya.

At hinayaan ko lang. Nakatitig lang ako sa matang yun. Ganito pala ang pakiramdam na makakita ng ganitong mata. Kaya pala nahuhumaling siya. Sa mata palang yun.....ramdam na ang kapangyarihan. Malakas. Kapangyarihang hindi masukat. Ako ba talaga ang siyang nagmamay-ari nun?

"Tama na. Pinagbigyan na kita. Tapos na ang partida mo. At ngayon,ako naman. Ngayon titiyakin kong hindi ka na mabibilang sa mundong ito!" punong-puno ng kapangyarihan ang tinig niya. Nakakapangilabot. Alam kong ang kapangyarihang yun, sa mga mata ko galing at hindi sa kanya. Pero balak niyang gamitin sa akin ang sarili kong kapangyarihan.

KapangyaRihan kong kahit ako'y hindi ko alam kung paano gamitin.

***********

vote then, proceed.........

MATA (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon