Episode 21

1.1K 27 6
                                        

Author's Note:

   Magmula ngayon ay ihihinto ko na....

Ang paglalagay ng author's note. Kala nyo kung ano na! Kasi feeling ko, nasisira nito ang mgandang flow ng story...yun eh kung maganda nga. May mga ilang bilin lang ako mga apo. Una, wag ninyong kalimutang mag-iwan ng ilang comment ha. Mas maganda sana kung bawat chapter para malaman ko ang feedback nyo sa bawat chapter. Yun lang naman ang kaligayahan ko eh. Ibigay nyo na sa akin yun para maging masaya ako ahahaha. Hindi na ako hihingi ng vote/s kasi pangit yung namimilit di ba. Alam ko naman na kapag nagustuhan ninyo ibibigay nyo pa rin ang matamis nyong boto na mula sa puso nyo. Lastly salamat talaga sa lahat ng nagbabasa. Sana pati yung silent readers magcomment din.

Sige,mula ngayon, tuloy tuloy na tayo mga apo. Feeling ko kasi masarap itong basahin ng tuloy tuloy at walang sagabal. O baka feeling ko lang yun.

Gusto ko na itong mai-end agad.

Yun nga lang, parang wala pa ata s kalahatian ng istorya eh. Eh kung epilouge na kaya agad? hahaha may magagalit kaya?

Geh na nga tama na ang kadal-dalan ko. Last na ito. Pagbigyan nyo na.

Have a nice reading...mga apo.

Kung may mga tanong nga pala kayo,wag kayong mahiya. Geh lang tanong nyo lang sa akin. Basta wag lang subject sa school hindi ako palaaral. Hindi ko nga alam kung may natutunan ako sa school eh. Sige salamat ulit.

Proceed......


Episode 21


Hinayaan ko lang siyang umiyak para mabawasan ang bigat ng nararamdaman niya. Parang naaawa tuloy ako sa kanya. Ang bata pa niya para maranasan ang mga ganitong problema. Ano bang magagawa kong tulong sa kanya?

Ilang sandali pa'y nag-angat na siya ng mukha. Tapos na siyang umiyak.
"Okey ka na ba?" tanong ko.


Tumango lang siya.


"Alam nyo po ba, pag malungkot ako....dito ako tumatakbo para umiyak. Nasanay na po ako mula kasi nung bata pa ako, alam kong wala ng makakaunawa sa akin kaya nasanay na akong mag-isa. Si mama, minsan, tinatago ko sa kanya ang nararamdaman ko kasi ayokong mag-alala siya o kaya ayokong gumawa siya ng mga bagay na magpapahamak sa kanya. Si lola, minsan nagtatanong siya.....sinubukan kong mag-open sa kanya pero natatakot siya kaya inihinto ko na. Nasanay na akong solohin ang lahat. Kaya natuwa ako nung ginawa ni mama ang mundong to. Dito nailalabas ko ang nararamdaman ko."

"Emilee......sorry ha....wala akong magawa." napayuko ako. Nahihiya ako. Sa murang edad niya, ganun na siya mag-isip pero ako....sa edad kong ito, wala pa akong naiisip. Hindi pa rin ako marunong magpasya. Hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Daig pa ako ng isang bata.

"Hindi po.....ang totoo, ang anlaki po ng naitulong niyo sa akin, yung nandiyan po kayo at hinayaan nyo lang ako, malaking bagay na po yun." napangiti ako sa mga sinabi niya. Nakatulong ba talaga ako? Feeling ko wala naman eh.

"ah.....g-gusto ko sana maging close tayo...pwede kang mag-open sa akin ng kahit ano. Kahit man lang sa pakikinig, makatulong ako."

Tumingin siya sa akin at ngumiti. Feeling ko, nagkakasundo na kami. Hindi na siya yung Emilee na isang estranghero para sa akin dati, ngayon masasabi kong close na kami. Ah....I think we're in the stage of getting to know each other na.

Pagkatapos nun, nanahimik ulit siya. Pareho lang kaming nakatingin sa batis. At sa mga paru-parong umaaligid. Nagpapakiramdaman, siguro. Ang dami kong gustong itanong pero parang hindi bagay kung ngayon ko bubuksan. Curious kasi ako sa kahiwagaan niya. Tulad nung, bakit nagliliwanag yung bear niya, pati yung bracelet may pagkakataong nagliliwanag din. Ano ang nangyari sa kanya nung huminto yung oras, alam ko bigla siyang tumilapon dahil dun sa mahiwagang ispiritu pero nung magising ako, parang okey naman siya. Gusto kong malaman kung gaano pa siya kahiwaga. Ano pa ang mga matutuklasan ko mula sa kanya. Pakiramdam ko napakarami pa niyang itinatago. Pero alam kong hindi ito ang panahon para dun. Darating din ang oras at kusa yun mabubuksan.

MATA (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon