Episode 15

1.4K 30 11
                                    

"Aray."

Ang sakit naman ng pagkakabagsak ko.

Buti na lang hindi ako nabalian ng buto.

Pero paika-ika pa rin ako sa pagtayo at paglakad.

Nasaan na yung babaeng yun? Don't tell me nagtago ka na naman....babaeng succubus.... succubus nga eh. E di babae syempre....telege nemen....

Pagkatayo ko palinga-linga ako sa paligid para hanapin siya. Nagulat ako sa nakita ko. Ibang-iba ang paligid. Oo nga pala! Bakit ko naman kailangan pang magulat. Sa gabi nga pala nag-iiba ang itsura ng paligid dahil sa aura na parang usok na bumabalot sa buong bahay. Parang napupunta sa ibang dimensiyon ang paligid, nagiging gubat nga pala ito.

Maya-maya pa'y lumabas na siya. Tumagos siya sa pader. Ano pa ba ang dapat kong isipin sa isang multo eh wala naman silang katawan.

Lumalapit siya sa akin na parang model kung lumakad. In fairness, pinakita na niya ang itsura niya. At ang nakakainis sa mga ganitong sitwasyon alam nilang maganda siya, nagmamaganda pa!

Napansin ko lang bakit lahat ng multong nakikita ko magaganda? Maling-mali sa inaakala ng maraming nakakatakot ang itsura. Kapag ganito ang mga multong makikita mo malamang maging proud ka  sa third eye mo at mang-iinggit ka pa....at baka lahat ng kalalakihan sa mundo magpabukas na ng third eye. Mabuti na rin yung hindi nila alam at manatili na lang ang mga normal sa kung ano sila kundi kawawa mga babae hahahaha baka hindi na magpakasal ang mga lalaki at mahibang na sa mga katulad nitong multong 'to......

Ano ba kasi siya? Multo ba o succubus?

Sa tingin ko bata pa siya....parang hindi kami nagkakalayo ng edad...20's....

Huminto siya pagkatapos niyang nakalapit sa akin. Mga tatlo o apat na dipa na lang ang pagitan naming dalawa.

"Una sa lahat....hindi ako succubus.....pangalawa....sadyang maganda lang ako talaga since birth 'to at huli.....galit ako sa'yo.....as in sobrang galit ako sa'yo!!!"

Iniunat niya yung braso at tumilapon uli ako.

Kainis di man lang ako nakaiwas!

Ayoko na!

Sobra na siya.

Kailangan ko nang lumaban....

"Sa totoo lang.....pinagbigyan lang kita kanina para malaman ko kung gaano ka kalakas...." sabi ko habang tumatayo ako. "at sa tingin ko hanggang diyan na lang ang lakas mo.....mahinang klase ka lang pala."

Gusto ko nang matapos ang labang ito....nararamdaman kong madali lang siyang talunin....ni hindi nga ako natatakot sa aura niya. Kung si Jullienne pa sana yan...o si Emilee? Mas malakas pa kasi yung dalawa sa kanya.

Ayoko na itong paabutin pa ng umaga.

Mula sa kinaroroonan ko....tiningnan ko siyang mabuti ay saka ko inisip ang gusto kong mangyari sa kanya.

Teka nga.....

E,ano ba ang gagawin ko sa kanya?!

Hindi ko naman siya mapapatay kasi patay na siya!

Ano nga ba?!

Habang nag-iisip ako bigla siyang nagsalita. "baguhan!"

Nakaramdam ako ng pagkainis sa sinabi niya. Baguhan pala ha! Sa inis ko tiningnan ko siya ng matalim para takutin at ipakitang hindi ako baguhan.

"Ah!......." sigaw niya na parangvmay kung anong nangyayari sa kanya.

At napansin kong bumibilis ang hangin at umiikot ito sa kanya. Natatangay ang mga dahon sa puno at kasabay na umiikot sa hangin na nabuo ng ipu-ipo. Hinigop siya at napagitna. At tumilapon sa kung saan. Kasunod nun ang mabilis ding pagtigil ng hangin na parang nagdahilan lang.

MATA (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon