Seryosong naupo si Norman sa sofa. Mukhang nagalit ko ata talaga siya.
"Galit ka ba?'' nagawa ko pang tanungin siya halata naman. Tiningnan niya lang ako.
Mga ilang minuto muna siyang nanahimik bago nagsalita. "masyado na akong matanda para magalit" aniya.
"oo nga pala....senior citizen kana" pabirong banat ko.
Tumingin pa siya ng seryoso....di man lang natawa kahit pilit....yun ang masakit sa isang babae ang di man bumenta ang corning joke sa dyowa niya. "naghihintay pa rin ako ng paliwanag"
Wah! Hindi pa pala niya nakakalimutan yun! Nangangalahati na yung gatas na iniinom ko....at mahigit ala una na...naghihinatay pa rin siya ng sasabihin ko? "wala ka bang balak na matulog?"
"Hindi pa ako dinadalaw ng antok...." sagot niya "matapos mo akong takutin." pahabol niyang bulong. Na narinig ko pa rin.
Habang dumadaan ang mga araw lalong nag-iimprove ang mga senses ko. Napansin ko yung pandinig ko lumalakas, yung paningin ko parang lumilinaw in the way na nakakaaninag ako ng mga bulto-bultong usok na hugis tao tas biglang mawawala. Yung pandama ko tumatalas na rin.
Feeling ko yung taste ko na lang ang di nagbabago kasi si Norman pa rin ang gusto ko.....bakit kaya? ahahahaha.
"Sige na nga magkukwento na ako...magtampo ka pa...pakiramdam ko nagiging moody ka this last few days...umamin ka nga....nagmi-menopause ka na ba?" my another trying hard joke na hindi na naman bumenta sa kanya. Para namang wala siyang kiliti sa katawan....kainis. "alin ba dun ang gusto mong malaman.?"
"Mag-umpisa ka sa kanina mula dun pagpunta natin dun sa..."
"Babaeng magandang nakahubad?" ako na ang siyang nagtuloy sa sasabihin niya.
"Nakahubad?!"
"Yun naman kasi ang tingin mo sa kanya eh....nakahubad....pwede naman kasing opisina ng NAOA....babae talaga,syempre yun na yung kasunod nun." napatingin siya akin. Magkatapat kasi yung upuang ginagamit namin. Nakapahiga siya sa sofa at ako naman ay nakaupo sa couch.
"nagsiselos ka?!" nakangiti niyang tanong. bakit ba ang mga lalaki natutuwa kapag nagsiselos ang syota nila?
"Ano naman ang ipagsiselos ko dun?....eh sa mata ko pa lang naakit ka na....dun pa lang lamang na ako,wala siyang panaman sken....isa lang siyang buhay na labanos."
"Hmmm.....geh na nga. Sige magkwento ka na." bumalik siya sa posisyon niya kanina nakapatong ang ulo niya sa dalawang brasong nakapaekis. Para siyang batang naghihintay kwentuhan ng fairytale story para makatulog lang.
Naisip ko tuloy ang mga pinagsasabi ni Jullienne. At hindi ko alam kung paniniwalaan ko yun. "nainis lang ako kanina sa mga sinabi ni Jullienne....hindi daw sken ang mga mata ko. Ewan ko, di ko maintindihan pero dahil dun hindi daw pwedeng isara ang third eye ko kasi iba daw ang nagmamay-ari nito. Hindi ko maintindihan....sabi pa niya balikan ko daw ang nakaraan ko para malaman ko ang history ng mata ko." napahinto ako sa pagkukwento ko nang maalala ko ang sinabi niyang ang dapat kong balikan ay yung buhay ko hanggang nung mag-dise otso ako.
"O tapos..." paghihingi pa niya ng kasunod sa kwento.
"wala akong maalala.....wala akong matandaan....." nasambit ko bigla.
"ha?!" ikinagulat niya yung sinabi ko.
"ah...eh...." bakit ko ba biglang nasabi yung nasa isip ko? "ah...sabi niya....balikan ko daw mga pangyayari nung bata pa ako hanggang sa pagsapit ko ng eighteen dun ko daw mahahanap ang sagot....p-pero...yung mga panahong yun....yun yung mga alaalang nakalimutan ko na....wala akong matandaan kahit konti....parang nagsimula lang ang buhay ko noong mag-eighteen na ako...."
![](https://img.wattpad.com/cover/11463552-288-k501090.jpg)
BINABASA MO ANG
MATA (completed)
Hororin my extraordinary eyes BOOK 3 What if isang araw ay malaman mong ang matang taglay mo ay hindi pala sa'yo? Na ito'y ipinagkaloob ng isang taong hindi mo pa nakikilala? At magmula nang mapasa iyo ang mga matang iyon ay nakikita mo na mga bagay na d...