Episode 6

1.7K 39 22
                                        

Maaga akong nagising kahit na late na ako nakatulog kagabi. ganito talaga ako pag natulog sa ibang bahay. Namamahay kasi ako e. At dahil maaga pa, mukhang ako pa lang ang gising. Kahit si nanay Lourdes ay tulog pa ata, hindi ko siya nakita sa kusina. Kumuha ako ng tubig sa ref, gusto ko kasi ay malamig ang iniinom ko pagkagising ko sa umaga.

Mula sa bintana ay napansin kong may garden pala sa likod ng bahay. Binuksan ko yung pintuan pagkainom ko para mas makita ko ito ng mas malapit. Nakita ko ang mga gulay at ilang mga halamang nakatanim. Mahilig pa lang magtanim ng mga halaman si nanay Lourdes. nakakapagpagaan ng pakiramdam sa umaga. May malaki ring puno ng mangga at malago ang dahon nito.

At napansin kong may duyan na nakasabit sa sanga niyon. Hindi masyadong makita dahil sa natatakpan ng malaking katawan ng puno ng mangga ang duyan. Mas naakit akong lumapit nang dahil sa duyan na iyon. Bumalik tuloy sa alaala ko ang pagkukulitan, paghahabulan at pag-aagawan sa duyan kasama yung mga kapatid ko. Nakakakatuwa lang alalahanin ang mga bagay na nakakapagpasaya na hindi matutumbasan ng pera.

Lumapit pa ako para mas makita ko ang duyan at malaman ko kung pwede akong sumakay doon, o baka hindi rin ata parang kay Emilee lang ata yun. Habang papalapit ako'y naaaninag ko na gawa ito sa gulong ng malaking trak. Katulad na katulad din nung sa amin dati. Napapangiti tuloy ako at nai-excite na malapitan ito.

Mga ilang hakbang na lang at malapit ko na itong makita nang mapansin kong marahan itong umuugoy. pero hindi naman ako nakaramdam ng takot. Wala naman akong nararamdamang kung ano. Marahil ay iniihipan ito ng hangin kaya itoy gumagalaw. Nagpatuloy ako sa paglapit. Napahawak pa ako sa puno ng mangga nang ako'y makarating dito. 

Hinahangin nga lang ang duyan tulad ng aking iniisip. Napatingala muna ako sa puno ng mangga para sipatin kung may bunga na ito. Ay wala pa. Kinuha ng duyan ang aking atensyon nang maramdaman kong bahagya lumakas ang pag-ugoy nito gayong hindi nagbabago ang ihip ng hangin. Nagtataka akong tiningnan ang duyan. Pero wala pa rin namang pagbabago dito. wala pa rin akong naramdamang kakaiba.

Tiningnan ko muna ang lalakaran ko bago ako humakbang at narinig kong lumangitngit ang sanaga ng mangga kung saan nakatali ang lubid ng duyan na para bang may sumakay dito. kinakabahan ako pero wala pa rin akong maramdamang kung ano. Sinulyapan ko ang duyan kung may nakasakay ba dito.

Napaatras ako nang makita kong may nakasakay na nga ditong isang bata. Nakatalikod siya. Mahaba ang buhok na nakatali ng pa-lollipop na tulad ng kay Emilee. Black ang dress na suot niya at may mga white flowers na nakadesign sa laylayan nito. Napansin ko rin ang black shoes na suot niya dahil sa paa niyang kumukuyakoy pa sa hangin na parang ginagawa niya iyon upang mas lalong bumilis ang paggalaw ng duyan.

Kamukhang-kamukha niya si Emilee kahit na nakatalikod. pero hindi pwede dahil tulog pa siya. Dahan-dahan akong lumapit palakad sa harapan niya para makita ko ang mukha niya. Hindi ko masasabing isa siyang multo dahil hindi. May katawan siyang tulad ng sa buhay. Ang multo kasi ay parang usok lang na malabo kaya't mapapansin mo ang kaibahan nila sa totoong nabubuhay pa.

"Hanggang diyan ka lang at wag kang lalapit sa akin" sabi niya sa akin. Naramdaman niya ang paglakad ko kahit pa para akong pusang humahakbang. Napaatras ako nung marinig ko yung boses niya na tulad ng kay Emilee.

Hindi! Hindi pwede! Tulog pa siya! at isa pa, sarado ang pintuan kaya imposibleng makalabas siya ng hindi binubuksan iyon. "Sino ka?" tanong ko. Hindi siya sumagot. Sa halip ay ipinagpatuloy niya lang ang pagkuyakoy ng kanyang paa.

Lumapit pa ako, at humawak sa tali ng duyan. "hindi naman ikaw si emilee, 'di ba?"  tanong ko ulit. Pahakbang na ako papunta sa harapin niya ng bigla na lang siyang lumingon sa akin at sumigaw siya ng pagkalakas-lakas sa matinis na boses.

MATA (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon