Episode 33

1.1K 33 6
                                    

Hindi?

Ayoko!

Ilayo mo sa akin yan!

Ayoko!..........

Panay ang atras ko habang palapit naman siya sa akin. Parang may kung anong takot akong hindi ko matakasan. Parang bangungot na matagal ko ng iniwan sa nakaraan. Binaon ko na. Pero bakit pa niya hinukay?!

"Natatakot ka? Nakalimot ka di ba? Hayaan mong ipaalala ko sayo ang lahat."

Yung kalawit na yun. May mahabang hawakan na aabot sa anim na talampakan. Kulay ginto. Makinang na kulay ginto. At talim nun matalas. Na kapag inisip mong hawakan ay agad kang masusugat.

Ayoko niyan! Ilayo mo sa akin yan!

Napaupo ako dahil sa matinding takot. Lalong tumindi ang panginginig ko na halos hindi na ako makatayo. Gusto kong umiyak.

"AHHH!..........." tinakpan ko ang mga tenga ko ng dalawang palad ko. May mga boses akong naririnig. Paulit-ulit na pagmamakaawa. Paghingi ng tulong. Mga tinig na gusto kong takasan. "Ayoko! AYOKO!......."

Narinig ko ang pagtusok ni Ayessha ng dulo ng hawakan ng kalawit sa nagyeyelong lupa. Dinig na dinig ko. Napahalukipkip ako sa matinding takot sa tunog na yun. Yung tunog na yun.....tunog na may buhay na namang mawawala.

Ayoko na! Ayoko naaaa!...........

ILAYO MO YAN SA AKIN!........

Biglang nahati ang nagyeyelong lupa. Umiwas ako dahil tatamaan ako at mahuhulog sa biyak nito. Pero nabiyak din yung sa kabilang side ko. Nasa maliit na bahagi na lang ako. Takot na takot. Wala na akong magawa kundi umiyak. Niyakap ko ang sarili ko habang umiiyak. Tulad ng dati. Nasa isang sulok lang ako at humahagulgol noon. Walang nakakaalam ng lahat. Ako lang mag-isa. Wala akong mahingan ng tulong. Wala akong mapagsabihan dahil walang maniniwala.

Bia...............

Huh?! Yung tinig na yun! Siya na naman.

Tumayo ka! Hindi ka nag-iisa. Kahit kailan hindi ka nag-iisa. Tumayo ka at lumaban. Labanan mo ang takot mo. Labanan mo,Bia!

Labanan mo........

Hindi ako nag-iisa? Pero mula sa simula mag-isa na ako. Binalak nila akong patayin! Gusto nila akong patayin. Dahil isinumpa daw ako! Pinatapon nila ako sa malayong isla at dun nila isasagawa ang pagpatay sa akin! Takot na takot ako! At wala man lang tumulong! Kahit isa! Iniwan nila ako! Kahit ang sarili kong mga magulang.......pinabayaan nila ako sa mga kamay ng mga taong malulupit! Iniwan nila ako!

Patayin mo sila Bia.......at gumanti ka! Gumanti ka! Gumanti ka!

Gumanti?!

Lalo akong natakot.

"Pinatay mo sila,Arah!.......di ba?" tinig ni Ayessha. Palapit siya sa akin. "Dahil sa takot mo sa kanila, dahil binalak nilang patayin ka noon, inunahan mo sila......Pinatay mo silang lahat. Natatandaan mo na ba? Ito ang ginamit mo di ba? Ang sandatang ito ang siyang ginamit mo para hatulan silang mamatay......"

"Hindi totoo yan! Hindi totoo!.....Hindi ko sinasadya! Hindi ko sinasadya!......Hindi ko sila pinatay!" hindi ko na mapigil ang mga luha ko. Yung mga luhang ito......tulad din ng dati, iyak din ako ng iyak noon habang nakahandusay sa harapan ko ang mga bangkay ng mga taong pinatay ko. Bumabalik sa alaala ko ang lahat. Ang bangungot na yun. Kahit ang mga magulang ko ay walang awa kong pinatay. Wala akong itinira. Lahat pinatay ko. Bata, matanda, lalaki at babae, kahit yung bagong silang. Natakot ako. Na baka pag may iniwan akong isa, kamuhian ako at ulitin ang binalak ng iba na patayin ako kaya pinatay ko silang lahat......lahat sila!

MATA (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon