Tumulong ako sa pagliligpit ng pinagkainan namin. Ako ang siyang naglagay ng mga plato sa lababo at nagpunas ng lamesa, si Nanay Lourdes na ang siyang nagprisintang maghugas. Nakikiramdam pa rin ako sa kanya, inaalam ko kasi kung may galit siya sa akin. Pero parang wala naman ata. "Nay, pasensya na po kayo kung nasira ko yung mga tanim nyo ha, di bale aayusin ko na lang po ulit. Itatanim ko na lang po ulit yung mga nasira ko." sabi ko.
"Hah?! anong bang pinagsasasabi mo? Kanina ko pa nga iniisip kung talagang nadapa ka lang ba o nabuwal kasi sa dami ng gasgas mo ay parang hindi ka nadapa dahil sa dami ng gasgas mo at talagang imposible dahil sa halos puro sa likod yung naging pinsala mo. Pero yung sinasabi mong mga nasirang halaman dun ako mas nagtaka. Nagpunta ako dun sa likod kanina para tingnan kung saang parte ka ba nadapa pero wala namang nasira o kahit natabig."
Nagulat ako sa mga sinabi niya, alam kung mayroon akong mga nasira. Halos nadurog ko pa nga yung iba dahil sa pagkakadagan ko. Kaya mabilis akong nagpunta sa likod para muling tingnan yun. At nakita ko sa mismong mga mata ko na talagang wala nga! Wala ngang pinagbago ang mga halamang nandoon. iniisip ko tuloy na baka iniisip sken ngayon ni Nanay Lourdes na baka nagdadahilan lang ako.?
"pasensya na po ako ulit. "nahihiya kong sabi. "Lalabas lang po ako para tingnan si Emilee" dugtong ko pa. Gusto ko rin makausap si Emilee habang naliligo pa si Norman. Napag-usapan kasi naming ngayon na kami pupunta sa expert na sinasabi niya kasi bukas may trabaho na naman siya, hindi niya ako masasamahan. At saka, hindi ko pa nakakausap ng sarilinan si Emilee. tumango lang si Nanay Lourdes sken.
Paglabas ko, nakita kong nakaupo lang si Emilee sa isang bato na tama lang ang sukat para sa kanyang laki. Nag-iisa siya habang naglalaro yung ibang mga bata. Mukha talaga siyang hindi friendly. Hinahaplos-haplos niya lang yung stuffed toy na hawak niya. "Emilee" tawag ko sa kanya ng nakangiti. Sumulyap siya saglit sken at tapos ay muling ibinaling yung atensyon sa hawak niyang laruan. " pwede ba kitang makausap?" tanong ko paglapit ko, medyo lumuhod pa ako para mapantayan yung level niya.
"Tungkol po saan? ayoko nang mahabang usapan, kung gusto po kayong itanong o sabihin pakidiretso na po agad" tugon niya.
"Ok" huminga muna ako ng malalim para bumwelo. "tanong ko lang, may problema ba sa ating dalawa? parang pansin ko kasi ay medyo malayo yung loob mo sken e."
"Yung totoo.....................MALAKI'' pagkatapos niyang sabihin yun ay tumingin siya sa akin sa napakaseryosong mukha. Para bang big deal sa kanya yun. Napaatras ako ng bahagya, medyo natakot ako sa mga titig niya. Kakaiba kasi. Para bang napakarami niyang itinatago.
"Ah, o-okey pwede ba nating pag-usapan yun?" tanong ko.
"palagay ko hindi..............wala naman kasing ibang solusyon dun kundi ang umalis ka na dito. O dapat ko pa bang sabihing isa-isa para talagang lubusan mong maunawaan ang lahat! Ayoko sa'yo! Lahat ng tungkol sa'yo! Lahat ng meron ka! Lalong lalo ang mga mata mo! Ayoko sa mga mata mo! AYOKO!" kinabahan ako sa mga sinabi niya. Nagulat din ako nang bigla siyang nag-iba, nawala yung pagkamagalang at malambing niyang tinig. parang ibang tao ang nasa harapan ko ngayon. Nangatog na lang bigla ang kalamnan ko na parang yung takot ko umabot sa aking buto. Hindi na ako nakapagsalita pa. " At isa pa, sabihin mo nga sken, ano ba kaya mong ibigay? Magagawa mo bang pantayan ang mama ko? HINDI! HINDI MO KAYA! Walang-wala ka sa kalingkingan niya. WALANG-WALA!''
Parang biglang nag-automatic yung mga kamay ko na napahawak sa mga braso niya. Napisil ko iyon ng medyo mahigpit pero parang wala siyang naramdamang sakit. "Wala na ang mama mo, matagal na siyang patay." bigla na lang lumabas ang mga salitang iyon sa mga labi ko.
"Bakit? Kapag ba patay na kailangan nang palitan? Walang papalit sa kanya! Lagi kong ipapaalala kay papa na si mama lang ang the best mom at wala nang iba pa! wala kahit sino! Lalo na ang isang kagaya mo! Napakaswerte ko pa dahil kamukha ko si mama, itong mukhang ito ang gagawin kong daan para laging maalala ni papa si mama......hindi siya pwedeng makalimot! Walang kang puwang sa buhay namin! UMALIS KA NA!" napatayo siya at hinarap ako. Ganun pa rin ang mga titig niya.

BINABASA MO ANG
MATA (completed)
Horrorin my extraordinary eyes BOOK 3 What if isang araw ay malaman mong ang matang taglay mo ay hindi pala sa'yo? Na ito'y ipinagkaloob ng isang taong hindi mo pa nakikilala? At magmula nang mapasa iyo ang mga matang iyon ay nakikita mo na mga bagay na d...