Episode 4

1.8K 41 2
                                    

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad kong ibinukas yung bintana. Ayoko kasi ng walang pumapasok na hangin sa loob. Para akong nasasakal pag ganun. Sumilip pa ako sa labas para makakita nang kung ano. Basta kung ano lang. Normal lang kasi ang lugar na ito. May mga kapitbahay at  hindi naman malalayo. Isa kasi itong subdivision pero yung simple lang hindi tulad nung sa mga mayayaman. 

Pag silip ko sa labas ng binatana parang wala akong makitang bahay na katabi. Pero alam kong may katabi itong bahay, parang biglang nag-iba yung paligid. Wala na akong maaninag mula sa labas. Bakit kaya? Tapos naalala ko yung usok na bumalot sa buong bahay. Dahil kaya dun? At ang napansin ko pa yung bahay lang na ito yung may usok na nakabalot. Bakit kaya?

Malabo yung paligid. Para talagang binalutan ito ng fog. Ako lang ba talaga yung nakakakita nito? Sinubukan kong ilabas yung braso ko para mahawakan ko yung usok. Pinilit kong abutin baka kasi pag nahawakan ko na ay maramdaman akong may kakaiba dito na maaring magturo kung ano bang hiwaga ang bumabalot sa buong bahay na ito.

Pero nung nahawakan ko na, para lang akong humawak sa hangin. Walang kakaiba sa usok na yun. ipinasok ko na yung braso ko para makapaghanda ako ng damit. parang gusto kong maligo. At nung tumalikod na ako sa bintana, biglang na lang may humablot sa buhok ko. Malakas ito at talagang parang sinadya. 

"Huh!"

Napasandal ako sa bintana sa lakas ng pagkakahablot sa buhok ko. Hinawakan ko yung dibdib ko sa kaba. Normal lang naman ito sa isang tulad ko pero hindi pa rin ako masanay-sanay. Sumandal ako sa pader ng kwarto at pinakalma ko ang sarili ko. Pagkatapos ay nagpasya akong sumilip sa labas para malaman ko kung sino ang gumawa nun sken. Inilabas ko yung ulo ko para mas maaninag ko kung ano yung meron sa labas.

Pero wala akong makita maliban sa puro usok na bumabalot sa buong paligid. Usok na ako lang naman ang nakakakita. Ipinasok ko na yung ulo ko para makapag gayak ng damit at pag harap ko'y isang babae ang nakatayo sa ibabaw ng kama.

"Wah!..........................................." sigaw ko.

Natumaba ako nung makita ko siya. hindi na ito bago sa akin pero natatakot pa rin ako. Pinagmasdan ko siyang mabuti. Maliwanag ang ilaw sa kwarto kaya kitang-kita ko siya. At kahit na nanginginig ako sa takot at nilakihan ko yung mga mata ko para makilala ko siya. Mahaba ang kanyang suot, bestida. Hindi ko makita yung mga paa niya sa haba ng suot niya pati yung manggas ay mahaba rin. Nakatayo siya sa kama at hindi gumagalaw. Napaisip tuloy ako kung nakatuntong ba siya sa kutson o nakalutang? Hindi kasi bakas na nakatuntong siya. Ni hindi nagugulo ang sapin ng kama. 

Pinagmasdan ko yung bandang ibaba niya, pataas. at nung bandang balikat na'y napapikit ako. Ayokong makita yung mukha niya! Ayokong makita dahil ayokong mapanaginipan ko siya. ayokong maging laman siya ng bawat pagpikit ko.

"Umalis ka na please......................umalis ka na please................umalis ka na please" paulit-ulit kong pakiuasap sa kanya sa mahinang tono.

"Hindi ka totoo..................hindi ka totoo.................hindi ka totoo" paulit-ulit kong sabi na baka sakaling mainis siya at iwan ako.

pinagpapawisan na ako sa kaba. parang ayoko pang dumilat. Pero kailangan kong gawin para malaman kong bumalik na sa normal yung kwarto. Na sana'y wala na siya. At pagdilat ko'y isang mukha yung nakaharap sa akin na sobrang lapit niya.

"Wah!......................." sigaw ko.

Hindi ako makapikit sa sobrang takot. Nanlalaki pa lalo yung mata ko. Magkatapat na magkatapat yung mukha namin, yung mga mata, ilong at bibig. ang kaibahan lang yung mukha ko'y punong-puno ng emosyon samantalang sa kanya'y wala. Alam kong namumutla ako sa takot ko pero siya'y talagang maputla dahil isa siyang multo. Humihinga ako at siya'y hindi. Nawalan ako ng lakas para sumigaw. Parang wala namang nakakarinig sa akin. Kahit na magkatapat lang yung kwarto namin nila Norman at kahit na nanlalambot ako sa takot at pinilit kong iiwas yung katawan ko para tunguhin yung pintuan at makalabas ako.

MATA (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon