Author's Note First.
Ang sabi ko hindi na ako maglalagay ng author's note. Pero hindi ko talaga maiwasan lalo na pag nababasa ko ang mga comments niyo. Ayoko namang ireply ng isa-isa yun hindi dahil sa ayokong replyan kayo kundi baka hindi niyo rin siguro mabasa dahil karamihan sa inyo ay silent reader at sa sobrang busy hindi na rin magawang makapagcomment pero salamat pa rin sa pagbabasa. Sobrang tuwa ko talaga.
Napansin ko lang sa comment niyo ang isang word na gasgas na hahaha yung word na "bitin" nag-isip tuloy ako. Ano ba ang ibig sabihin nun? Bitin as in, kulang ang pages sa bawat chapter. O kulang pa rin ang mahigit limang chapter? O bitin as in, gusto na agad malaman ang kasunod? Siguro lahat yun.
Well, salamat talaga ng marami, kayo ang dahilan kung bakit pinipilit ko kayong bitinin hahaha para samahan niyo ako hanggang sa huli. At wag na wag sana ninyo akong iwan na bitin na bitin. Salamat at nagustuhan ninyo ang story na ito. Salamat at dahil sa inyo wala pang 3 months ay umabot na mahigit 5k ang reads thank you talaga. I love you all! ....
xoxoxoxoxoxo
Proceed
Episode 25
**************
Wala namang mawawala sa akin kung susubukan ko. Kailangan makausap ko si Jullienne. Bahala na.
Masyado pang maaga. Wala pang nagbubukas sa ibang parte ng building sana nandito na ang babaeng labanos. Pero dati kasi tanghali na siyang dumating. Di bale antayin ko na lang siya dito pag wala pa siya.
Nagtuloy-tuloy na akong pumasok at umakyat hanggang sa palapag nila Jullienne. So far wala namang nangyayari sa akin. Para lang akong lumalakad sa ilalim ng dagat. Hindi naman ako nalulunod. Maliban na lang na parang may nabawas sa akin na lakas. Di ko maipaliwanag pero ramdam kong mahigit pa sa kalahati ang nawala sa akin. Pero hindi naman ako nanghina basta parang may nawala lang.
Nakasarado pa ang pintuan ng opisina niya. Mukhang wala pa nga siya. Nagtuloy-tuloy na akong tumagos sa pinto. At nabigla ako sa nakita ko!!
Nakaupo ng paliyad si Jullienne sa sofa. Minamasahe niya ang sariling noo. Nakatukod ang kaliwang paa niya sa semento at nakaunat naman ang isang paa niya habang hawak ni Shean ang dulo nito.
Tinakpan ko ang bibig ko ng makita ko sila sa ganoong sitwasyon. Nagulat kasi ako. Bakit ganun ang posisyon nila? Pero dapat mata ang tinakpan ko. Mukhang nagulat ko si Jullienne at napatingin siya sa akin. Bigla niya ring tinanggal ang paa niya sa pagkakahawak ng side kick niya.
"bakit? May problema ba?" tanong ni Shean.
Nagtititigan lang kami ni Jullienne na para bang naglalaro kami ng patagalan sa pagkurap kung sino ang unang kumurap siyang talo.
"Lumabas ka na. Ibili mo ako ng almusal." utos niya kay Shean. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin niya sa akin.
"Ok. As you wish, miss" at Agad namang lumabas si Shean. Hindi na ako nakaiwas sa pagdaan niya natuod ako. Pero lumagpas lang naman siya sa akin.
Pagkalabas ni Shean ay siya namang pag-ayos ng pagkakaupo ng babaeng labanos. Nagcross legs siya. At hilig niya talaga magsuot ng short shorts. Sige, siya na ang may makinis maputi at mahabang legs. Ipangalandakan mo na. Ako pa ang siyang magbibigay at mag-aabot sa kanya ng best legs trophy.
Lumapit ako at naupo sa katapat ng upuan niya.
"Hindi ako nakikipag-usap sa isang multo." bungad niya.
"Hindi ako multo.". sagot ko. Nakatingin pa rin ako sa kanya. Titig na titig. Dito kaya siya nagpalipas ng gabi?! Sila?!
"ANO BANG KAILANGAN MO?! SABIHIN MO NA HINDI YUNG PANAY KA LANG TITIG! NATOTOMBOY KA BA SA AKIN!!!'' Wah! nagulantang ako sa pagsigaw niya. Oo nga pala....nakalimutan ko tuloy ang sadya ko.

BINABASA MO ANG
MATA (completed)
Horrorin my extraordinary eyes BOOK 3 What if isang araw ay malaman mong ang matang taglay mo ay hindi pala sa'yo? Na ito'y ipinagkaloob ng isang taong hindi mo pa nakikilala? At magmula nang mapasa iyo ang mga matang iyon ay nakikita mo na mga bagay na d...