"Hindi kita maintindihan....pwede bang ipaliwanag mo nang mabuti kasi wala akong naiintindihan...sa pagkakaalam ko mata ko ito mula pa nung ako'y isilang...." sabi ko sa kanya kahit na nakakaramdan ako ng panginginig dahil sa biglaang pagbabago ng kanyang aura...
Mula kasi magbukas ang third eye ko unti-unti kong nakikilala ang mga nilalang na nakikita ko mula sa taglay nilang aura. Ang bawat kapangyarihan at kakayahan nila ay nalalaman ko batay din dun..At sa pagkakataong ito nakaramdam ako ng kakaibang takot na nahaluan pa ng kaba...nakakapanginig ng kalamnan ang makita si Jullienne sa ganitong ayos na may ganitong kalakas na aura. Bagamat hindi pa niya inilabas ang buong kapangyarihan niya...nagkakaganito na ako. Alam ko kasing wala pa sa kalahatian ng kanyang sampung porsyento ang taglay ko. Hindi ko alam kung anong klaseng nilalang siya....at bakit niya nasabing ang sarili kong mga mata ay hindi akin gayong ngayon palang niya ako nakita. Ngayon palang niya ako nakilala at wala naman akong sinabing kung ano sa kanya tungkol sa sarili ko pero nakapagsalita na siya agad ng ganun!
"Hindi kita maintindihan....anong alam mo sa mga mata ko? Wala ka namang alam sa akin...nagpunta ako dito para magpasara ng third eye at hindi para magpatakot....at isa pa...hindi ako natatakot." sabi ko kahit na sa totoong sitwasyon mukhang hindi ko na kayang tumayo mag-isa dahil sa panginginig ng tuhod ko pero idiniin ko pa rin yung mga huling sinabi ko para malaman niyang hindi ako nagpapadala sa takot ko alam kong batid niya rin naman ang nararamdaman kong takot na meron ako ngayon para sa kanya.
"Sinubukan kong alamin kung madali lang o hindi ang isara ang third eye mo pero....iba ang nakuha kong sagot....batay sa nalaman ko....wala kang mata....at yang gamit mo.....alam kong hindi sayo natitiyak ko dahil ang taglay na kakayahan mo ay nagmumula sa iyong mga mata at hindi dahil sa taglay mo talaga ito....nanghihiram kalang ng kapangyarihan sa mga mata mo....pero ikaw wala ka talagang taglay na nakapangyarihan....isa ka lang normal....delikado kung magtatagal pa ang mga matang yan sayo....kung ako sayo...ibabalik ko ang matang yan sa dating may-ari....o kaya'y tuluyan kong iitapon ang matang yan....dahil kung hindi mapapahamak ka....." sunod-sunod niyang sabi na hindi ko na talagang maunawaan.
"wala akong maintindihan....pwede ba....walang kwentang nagpunta pa ako dito.... you're crazy!" patayo na ako para umalis na pero hinawakan pa niya ako sa braso para pigilan.
"Kung hindi ka naniniwala sken...ba't hindi mo alamin....balikan mo ang mga pangyayari sa buhay mo mula nang tumuntong ka sa edad sa dise otso....pabalik sa iyong kamusmusan para masasagot lahat ng mga tanong mo....gawin mo agad at wag mong pagtagalin dahil baka dumating ang panahong hindi mo na makakayang bawiin pa kahit ang sarili mong katawan......yan ay kung may naalala ka....itakwil mo siya....wag mo siyang yakapin....MAPAPAHAMAK KA ARAH!!!" matalim ang mga titig niya na nagpakilabot pa ng husto sken.....baliw ka!
"bitawan mo ako....I have to go" pinipilit kong bawiin ang braso ko pero ang higpit higpit ng pagkakahawak niya.... at nasasaktan na ako....
"wag mong sabihin na hindi kita pinaalalahanan kapag dumating sa point na huli para sayo ang lahat..." hindi talaga siya nagpapatinag...yung mga tingin niya'y tila nagsasabing mas alam niya ang lahat ng mga nangyari at mga mangyayari pa lang sa akin. Bigla kong binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.
Napatayo siya at ganun pa rin ang itsura niya...yung ekspresyon ng mukha niya...mukha talaga siyang nagsasabi ng totoo at parang may kung anong nalalaman pa siyang gustong iparating sken pero hatalang nagdadalawang isip siya. "para din sayo ang mga sinasabi ko" aniya.
Bahagya akong himinahon. "ok salamat....gusto ko nang umalis magkano ba?" tanong ko sa presyo ng ginawa kong pang-aabala sa kanya o mas dapat kong sabihin ako pa nga itong naabala...trabaho naman kasi niya yun.
BINABASA MO ANG
MATA (completed)
Horrorin my extraordinary eyes BOOK 3 What if isang araw ay malaman mong ang matang taglay mo ay hindi pala sa'yo? Na ito'y ipinagkaloob ng isang taong hindi mo pa nakikilala? At magmula nang mapasa iyo ang mga matang iyon ay nakikita mo na mga bagay na d...