Magtatatlong oras na akong naghihintay kay Jullienne. Naiinip na rin ako si Shean naman hindi ko makausap pagkatapos niyang magluto panay ang sagot niya sa mga tawag sa telepono siguro mga kliyente nila yung tumatawag. Tapos nagliligpit pa siya sa mga kalat ko.
Matapos sumagot si Shean ng isang tawag pa ay parang pagod na pagod siyang naupo sa sofa. Lumiyad siya at nag-inat - inat pa. At dahil wala akong magawa , siya lang naman ang pinagtripan kong guluhin. Sinubukan ko lang naman na pag-aralan siyang hawakan. Batuk-batukan. Kurutin. At kung anu-ano pa. Pero wala eh. Useless. Di ko maulit yung ginawa ko kanina.
Mga ilang minuto pa nang may magbukas na ng pinto ng kwarto.
Sa wakas gising na rin siya.
Naabutan ako ni Jullienne na akmang babatukan ko si Shean niya. Napangiti ako ng pilit. Hindi ko alam kung magagalit siya. Ibinaba ko ang kamay kong padapo na sana sa ulo ni Shean.
Lumakad si Jullienne patungo salikuran ni Shean sa pwesto kung nasaan ako. At paglapit niya ay bigla na lang niyang itinuloy ang gagawin ko sanang pagbatok kay kumag. Napatayo si Shean sa gulat ni hindi man lang pala niya napansin na nasa likuran na pala niya ang sinisinta niya.
"Boss?!" gulat na gulat niyang sabi.
"Ipaghanda mo ako ng makakain, nagugutom ako." utos niya.
"Yes, boss!" sagot ni Shean at nagmamadaling nagtungo sa kusina.
Lumapit naman ako kay Jullienne at tumabi sa kanya sa sofa ng makaupo na siya dun. "kumusta kana?" nakangiti kong bati.
Nanghihina pa ako, wag mo muna akong kausapin.
Tinelepathy niya ako. Hindi nga pala siya pwedeng magsalita tulad kanina kasi andito si Shean. Baka isipin nun kailangan na niyang madala sa pulang bubong. Alam nga pala ni Shean na abnormal siya, ako pala ang nakalimot na pareho silang abnormal.
"ah.....kasi....." hindi ko masabi sa kanya ang gusto ko. Pero nagmamadali na kasi ako eh. Pano ba 'to?
"Wala ka ng oras." bigla niyang sabi. Hindi man lang niya ako tinitingnan. "umiikli na ang panahon mo. Bawiin mo na ang katawan mo. Wala ng training na magaganap." seryoso niyang sabi.
"Hah?! Pa'no yun?!" napasimangot ako. Agad-agad! Wala man lang akong kaplano-plano.
"Boss?!" biglang tawag ni Shean ng pumasok siya living room slash office. Mukhang narinig niya ang pagsasalita ni Jullienne. Bakas sa mukha niya ang gulat. "May kausap ka na naman na multo?!" tanong niya pero hindi siya nilingon ng kinakausap.
"Hindi kaya ako multo!" ako ang sumagot. Hindi niya madidinig. Bakit ba panay ako sagot kay Shean di naman niya nadidinig.
Tumayo si Jullienne at tumungo sa kusina. Sinundan ko siya. Naupo ako sa upuang katapat nung kanyang inupuan. Ipinaglalagay siya ni Shean ng pagkain sa plato.
"PWEDE BA GUSTO KO MUNANG KUMAIN! GUSTO KONG MAKABAWI NG LAKAS! PWEDE?" napasigaw siya.
Pareho kaming nagulat ni Shean. Nanginig yung kamay ni Shean at natapon yung pagkain na inilalagay niya sana sa plato ni Jullienne. Akala niya siya yung sinigawan.
Pero sa akin siya nakatingin. So, sa akin siya galit. Sige na nga. Lalabas na. "bilisan mong kumain." bulong ko.
" Lalabas din naman ako, miss di mo kailangang sumigaw" narinig kong sabi ni Shean.
Pagkatapos kumain ni Julliene ay siya na mismo ang kusang lumapit sa akin. Nakatayo ako sa may bintana at nakatanaw sa labas. Tumabi siya sa akin.
Yung dumalaw kanina, siya yung ispiritung galing sa nakaraan mo. Nandito na siya at nakita ka na niya. Ang sabi niya, madaliin daw kitang bawiin ang katawan mo. Hindi ako basta pumayag sa mga gusto niya pero nakita mo naman sa aura pa lang talo na ako.
BINABASA MO ANG
MATA (completed)
Horrorin my extraordinary eyes BOOK 3 What if isang araw ay malaman mong ang matang taglay mo ay hindi pala sa'yo? Na ito'y ipinagkaloob ng isang taong hindi mo pa nakikilala? At magmula nang mapasa iyo ang mga matang iyon ay nakikita mo na mga bagay na d...
