Episode 17

1.3K 31 8
                                        

Nagising ako sa pag-uusap ng mag-ama.

"Emilee,anak, wag maging makulit ha. Laging sundin si Lola. Si papa kailangan nang magtrabaho, sa sabado andito naman ako ulit eh...mag-aral kang mabuti ha." panay bilin ni Norman sa anak. Nasa preparatory pa lang si Emilee kaya halfday lang ang pasok niya...mamaya pang tanghali.

"Opo,alam ko na po lahat yun...mag-ingat po kayo lagi  sa trabaho nyo ha." narinig kong sagot ni Emilee.

Nakailang biling pa ako sa kama at nakailang pikit. Ayoko pang bumangon. Ramdam ko pa ang sakit ng katawan ko.

Naririnig ko pa ang lambingan ng mag-ama. Oo nga pala...Lunes na. Balik trabaho na si Norman.

Anong oras na ba?

Kinuha ko yung cellphone ko sa may tabi ko lang din. Nasanay na akong katabi ko yun sa pagtulog.

Ala-sais pa lang ah!

Sige na nga....makabangon na.

Kahit gusto ko pang matulog.

Paglabas ko ng kwarto nakita ko si Norman na nag-susuot ng medyas. Nakabihis na siya.

''Oh,gising ka na pala. Mag-almusal ka na. Para makaalis na tayo." sabi niya na hindi man lang ako tinitingnan abala siya sa pagsusuot ng sapatos.

Napatingin ako kay Emilee na nakaupo sa couch at tinitingnan din ang ama niya. Naalala ko tuloy ang mga nangyari kagabi.

"Nasaan nga pala si Nanay Lourdes?" tanong ko. Hindi ko kasi siya nakita sa kusina.

"Namalengke."-Norman.

"Mauna ka ng lumuwas. Magcommute na lang ako." sabi ko. At nagtungo ako sa kusina para maghilamos at magtoothbrush sa lababo.

"Bakit Hindi ka sasabay sa akin?" tanong ni Norman.

"Hintayin ko muna si Nanay Lourdes,wala kasama si Emilee" sagot ko habang nakasaksak yung toothbrush sa bibig ko.

"Hintayin natin."-Norman.

Nagmumog muna ako bago sumagot. " Baka malate ka...eh ako wala naman ako trabaho. Okey lang magcommute ako. Mauna ka na." tinapos ko yung pagtu-toothbrush ko tsaka ako lumapit sa sala.

"Sigurado ka?"tanong niya ulit sabay tingin sa akin.

"Oo....mauna ka na." ang totoo gusto ko talaga makausap ng sarilinan si Emilee. Hindi ko kasi magawa dahil nakabantay lagi si Nanay Lourdes. Eh ngayong nasa palengke siya...pwede na. Madami akong gustong itanong sa kanya. "Kumain ka na ba?" baling ko kay Emilee.

"Opo.."simpleng sagot niya. Hawak na naman niya ng bear niya. Ano bang meron sa bear na yun at di niya maalis sa tabi niya.

"Sige ikaw bahala....basta,pupuntahan kita sa apartment mo kasi may utang ka sa akin." ano kayang utang ang pinagsasasabi ng lalaking ito?

Tiningnan ko siya na nagtataka at nagtatanong.

Tumayo siya pagkatapos niyang maisuot yung sapatos niya. At lumapit sa akin. "May utang kang kwento...." bulong niya.

Napangisi ako. Tss. Yun lang pala. Akala ko kung ano na. "sige na umalis na. Baka malate ka. Lalaking duwag..." pagtataboy ko sa kanya. Nakapagtataka lang kasi na private investigator siya tapos duwag.

"Duwag ka diyan...." lumapit siya kay Emilee. "O pano nak,alis na ulit si papa. Magwork na ulit si papa. Bigyan mo ng kiss si papa" lumuhod pa siya sa harapan ng anak para mapantayan yung level niya.

MATA (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon