Episode 10

1.5K 35 15
                                    

"Oh.....may bisita pala tayo.....bisita o kliyente?" bungad nung magandang babae na huminto pa talaga sa may pintuan at dun nagpose na parang model na kukunan ng picture. Sige ikaw na! Ikaw na ang biniyayaan ng maganda at perpektong katawan....mula ulo hanggang paa...or rather i should say...mula buhok hanggang kuko...pero hindi naman kailangang i-display pa yan! Ano ka!? Nang-aasar, naiinggit, o nang-aakit? Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa kanya...sino bang hindi mapapatingin sa ginawa niyang pang-aagaw ng eksena? At napansin ko lang hindi lang pala ako ng napatingin kundi pati yung dalawang kumag! So ganun lang talaga?Kapag ganun ang itsura dapat binibigyan ng makalaglag babang pagtingin? Hatakin ko kaya ang baba ni Norman at nang malaman niyang naglalock at di na masasauli pa sa dati!

"Boss,dumating kana pala?" biglang napatayo yung lalaking nag-i-entertain sa amin kanina. Ang walang hiya akala mo siya ang boss kaya ganun umasta yun pala busaboss....

Lumapit na ang babae at naupo sa kaninang pwesto ng kumag na feeler. "hi" bati nito sa amin. Nagcross legs pa siya. At sa ginawa niyang yun lalong lumabas ang makamundong katawan niya! Ano ba ito....pag ganito lagi ang itsura ng makakaharap ko sa araw araw sa malamang maging kampon na ako ng dilim! Sino bang hindi! Isang halos perpektong babaeng umupo sa harapan ng boyfriend mo na parang nang-aakit!!! Nakasuot pa ng maikling dress na parang wala nang itinago tsaka nagcross legs na parang gustong ipakita talaga ang itinatago niya!!!

"Ah...h-hello" si Norman ang bumati....kung ako may kasama pang sampal yun.....bilang pagbating parang bisitang pandangal lang na hindi katanggap-tanggap...pasalamat siya mapagtimpi ako!

"Mukhang kanina pa kayo nilololo ng assistant ko ah?" sabi niya....Atleast alam niya na yung assistant niya ay manloloko.... Napasulyap pa ako sa kumag na yun na napakamot ng ulo. " Shean...." baling niya sa assistant. So Shean pala ang name ni kumag....hindi bagay mas bagay pa yung kumag, tukmol, shunga! Teka!!!....E kaninong name yung nasa ibabaw ng lamesa?!...Panlalaki kayang name na yun!..." kanina pa ata sila dito pero hindi mo man lang pinaglabas ng maiinom! Hala kumuha ka ng mamemeryenda! Dali!"

"B-boss?....ah.....o-opo..." at natarantang sumunod si Shean na parang kidlat sa bilis sa paglayo sa amin.

"Pasensya na kayo sa assistant ko...ganun lang talaga yun feeler masyado pero don't worry trained siya...i trained him para pag wala ako pwede siya kahit mag-interview man lang...ang problema ay iba ang natutunan niyan....natuto ata manggantso" kwento niya sa amin. "So ano nga ulit ang sadya nyo?"

"Wait!" ayan sumingit na ko....by this time dapat ako ang makipag-usap sa kanya hindi ko hahayaang si Norman ang kumausap sa kanya with that kind of look to her na parang huhubaran siya o mas dapat ko bang sabihing parang nakakita na si Norman ng nakahubad na nabuhay na istatwa...
"Before we start....if you dont mind...may I know your name? Are you the owner?"

"Ah...yeah of course!...I'm Jullienne Andrews...and you're?" balik niya.

" I'm Arah....Arah delos Santos and his Norman....MY BOYFRIEND..." ahahahaha ba't ko ba nasabi yun? Para namang inangkin ko na yung tao...hayun nasamid ko talaga ang loko!

"Ohw!!!" sagot niya at hinawi pa yung buhok na....parang pinalipad sa hangin.

"Jullienne?!" nagtataka kong sabi sabay sulyap dun sa name na nasa ibabaw ng mesa.

Napatingin din siya sa pangalang yun...sabay sigaw..."Sheannnnn!!!!...................."

"B-boss......?" namamadaling lumapit ang kumag..nanginginig-nginig pa.

"Matagal ko ng sinabi sa'yong palitan mo yung name ko dahil mali ang spelling isang buwan na yan ah! Hanggang ngayon andiyan pa rin yan?! Pag ako ang nagtanggal niyan titiyakin kong kasama ka!"

MATA (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon