Episode 3

1.8K 42 7
                                    

Nanlaki yung mga mata ko matapos ko yung marinig sa kanya. Seryoso ba siya? Magagawa niyang buuin yung bracelet pero magagawa niya rin bang lagyan ito ng sumpa? Hindi ako kinilabutan sa mga sinabi niya wala naman akong nararamdaman mula sa bracelet na ito pero yung nakakatakot niyang mga tingin  na ako lang ang siyang nakakakita, dun ako mas natatakot. Parang nakukumpirma kong ibang bata talaga siya. Hindi siya normal. Pero pa'no ko masasabi kung wala akong maramdamang kung ano mula sa kanya.

"Kain na tayo." sabi ni Norman. Napabalik yung diwa ko mula sa pagkakatulala ko. Nakatitig lang pala ako kay Emilee. Ilang minuto na ba ang nakakalipas at bakit parang napahaba yata yung pagkatulala ko. Kanina pa ba sila kumakain?

Kumain na rin ako ayokong mahalata nilang may kung ano na namang nagyayari sa akin. Lalo na kay Norman. Kahit na kilala niya ako at alam niya ang mga kakaiba kong katangian, hindi ko pwedeng sabihin ang lahat sa kanya. Hindi naman kasi lahat ay matatanggap niya lalo na pagdating sa anak. Para sa kanya isang mabait, sweet at normal na bata lang ang anak niya.

Hindi ako pwedeng magsalita tungkol dito. Lalabas lang na sinisiraan ko si Emilee sa kanya at sa huli ako ang siyang mawawalan. Napahinto ako sa pagkain ko. At napatingin ako kay Emilee. Kung meron siyang kakayahan, at tulad ko din siyang may third eye, hindi kaya kinikilala niya lang ako? Kung ano ako? O kung anong pagkatao meron ako?

Sinubukan kong kausapin siya sa pamamagitan ng isip ko. Pero hindi ito pumapasok sa isip niya! Ba't ganun?! Pag siya nakakausap niya ako?

Mali ang mga iniisp mo.

Isa na namang tinig ang narinig ko mula sa isip ko. Napasulyap ako sa kanya para malaman ko kung sa kanya yun galing. Para kasing ibang boses yung naririnig ko parang hindi sa kanya.Pero tahimik lang siyang kumakain. parang isang normal na bata lang.

Ang totoo, ayoko talaga sa'yo. Kaya ko ginagawa ang lahat ng ito. Hindi mo pa ba napapansin? Kaya kung ako sa'yo, umalis ka na bago pa mahuli ang lahat. Ayoko sa'yo! ayokong maging parte ka ng pamilyang ito! AYOKO SA'YO! AYOKO SA"YO!..............................

AYOKO SA"YO!.......................

AYOKO SA"YO!.........................

AYOKO SA"YO!.......................

Sunod-sunod na sigaw na sobrang tinis na nagpasakit ng ulo ko. Hinawakan ko ang sintido ko sa sobrang sakit at napasigaw ako.

"AH!........................"

Hindi ko na mapigil ang pagsakit kaya bigla akong tumakbo palabas.

Alam kong pinagtinginan nila ako kanina.

Pagkalabas ko'y bigla na lang nawala yung sakit ng ulo ko. Napaiyak tuloy ako. Ano ba kasi ito?! Bakit ba ganito! Hindi ba talaga ako lulubayan nito? Ito ba ang kapalit na pinili kong mabuhay ulit para sa kanila? Dapat ko bang pagsisihan ngayon ang lahat? Nakakainis! Bakit ba kasi! BAKIT BA KASI AKO PANG NAGING GANITO! AYOKO NAMAN NITO,E! GUSTO KO LANG MAGING NORMAL!

"Arah." napalingon ako sa pagtawag sken ni Norman. "anong problema?"

Tiningnan ko lang siya. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko.

Mas lumapit pa siya sa akin at hinawakan yung mukha ko para iharap sa kanya at nang makita niya siguro kong ano ba talaga yung problema ko.

"Wala lang ito. Sumakit lang ulo ko kanina. Bumalik ka na dun. Magpapahangin lang ako." sabi ko. " I'm sorry."

"Wag kang mag-alala dun. Kilala naman kita e. Mas nag-aalala pa nga ako sa'yo e. Sigurado ka bang ayos ka lang? "

Tumango lang ako.

MATA (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon