Episode 28

1K 32 1
                                        

"Shean!" tawag ni Jillienne.

Agad namang lumapit si Shean mula sa kusina. "Bakit boss?" nakangiti nitong tanong.

"Uuwi muna ako sa bahay. Kailangan kong magpahinga. Maiwan ka dito. Ikaw na ang bahala dito." bilin ni Jullienne habang naggagayak ng ilang gamit niya.

"May lakad ka boss?" tanong ni Shean na sa tono ng boses nito ay nag-aalala at parang ayaw payagan ang kausap. Tila nahuhulaan nito ang balak gawin ni Jullienne. Siguro nga ay matagal na silang magkakilala kaya parang kabisado na rin ni Shean ang bawat kilos ng kausap. " may pupuntahan ka na namang laban?" tanong niya ulit.

"Oo, kaya ikaw na ang bahala dito.....nga pala....wag na wag ka nang manggugulang sa mga kliyente ha. Kapag hindi mo alam, sabihin mo na lang na hindi mo alam hindi yung nanloloko ka pa! Wag na wag mong sisirain ang pangalan mo!" napangisi ako sa mga bilin na yun ni Jullienne. Bilin na hindi siya sigurado na babalik pa siya. Paulit-ulit pa niyang dinuro-duro ng hintuturo sa noo si Shean.

"Boss,sasama na lang ako." aakma na sanang maglakad si Shean para siguro ipaggayak ang sarili pero hinawakan siya at pinigilan ni Jullienne sa braso.

"Hindi na. Hindi ito tulad ng mga dating laban ko. Mas delikado ito ngayon.....ingatan mo ang sarili mo at maghanap ka na ng ibang trabaho dahil baka.....hindi na ako makabalik." naging malungkot ang tinig ni Jullienne sa mga huling sinabi. Nahihirapan din pala siya kahit papano. Kasalanan ko ito eh. Pati si Jullienne nilalagay ko sa panganib.

"Pero boss, mas dapat akong kasama. Hindi pwedeng hindi ka babalik. Kapag sumama ako, titiyakin kong makakabalik ka."

Hinaplos ni Jullienne ang mukha ni Shean at maya-maya'y nakatulog ito. Inihiga niya ito sa sofa. "Hindi ka pwedeng sumama dun. Wala ka namang magagawa. Laban yun ng mga magaganda at sexy....tama na yung may isang panget na kasama kaya wag ka ng dumagdag pa." Pinariringgan niya ba ako?!

Bago tuluyang isara ni Jullienne ang pinto pinasadahan pa niya ng huling tingin ang buong lugar.

Malapit lang naman pala ang bahay niya sa opisina. Parang umikot lang kami. Inihinto na niya ang kotse sa tapat ng magara at malaking gate. "Buksan mo yung gate" utos niya sa akin.

"Ha?!" Nagulat naman ako sa utos niya. As if naman mabubuksan ko yun at kung mabubuksan ko nga ano ang iisipin ng mga taong makakakita sa pagbukas ng gate na walang nagbubukas?

"Haizt! Kahit kelan hindi ka maaasahan! Simpleng pagbubukas lang ng gate di mo pa kayang gawin! Noh ba yan!" naiinis siyang bumaba ng sasakyan at siya ang nagbukas ng gate. Medyo nagtagal siya kasi dumaan pa siya sa maliit na gate para doon yun susian at pagkapasok niya tsaka pa lang niya binuksan yung malaking gate. Bumalik uli siya sa kotse at tsaka niya ito pinaandar papasok. "Haizt! Akala ko ida-drive mo papasok yung car pero hindi mo rin kayang gawin!!! Wala ka talagang silbi!"

Ang bilis naman uminit ng ulo niya. Ayyy! Dapat talaga magkaboyfriend na siya. Pagbalik namin tutulungan ko si Shean na ligawan siya. May itsura naman si Shean baduy lang talaga manamit. Kailangan lang ng konting make-over.

"Oh, hindi mo rin kayang bumaba ng sasakyan?! Maiwan ka diyan kung ayaw mo!" bulyaw niya sa akin.

Nauna na siyang pumasok sa loob. Nagmamadali naman akong sumunod. " Mayaman ka naman pala eh. Tapos kung maningil ka sobrang laki." sabi ko habang nililibot ko ng tingin ang buong bahay niya. Masyado itong malaki para sa isang tao.

"Oh,ngayon....pag ba malaki ang bahay at mayaman dapat mamigay na lang ng grasya? Kapag ganun marami diyang mga tamad ang pipila na lang sa harap ng gate ko at maghihintay ng mura ko araw-araw." sagot niya.

MATA (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon