Episode 19

1.1K 30 2
                                        

Pasensya na po sa matagal na di pag-update kaya heto na po magpo-post na po ako ng ilang chapter sana po magustuhan niyo pa rin. Salamat po sa paghihintay.

MATA is under HAERONHERC's Book of Witch Hazel Yarrow

Copyright of Lola Shinang

Plagiarism is a crime.

Author's Note:

Alam kong bitin ang fighting scenes nung last chapter. Kahit ako nabitin din sa pag-updare eh. Sa PC kasi ako nag-update. Pasensya na mga apo. Pag sa PC kc lagi ako nagmamadali nililimitahan ko ang sarili ko Kailangan 2 hrs lang pinakamatagal. Naka 2 1/2 ako hahaha sayang kuryente eh. Tsaka sa CP ako nag-i-enjoy magsulat....este magtype? No limit kasi eh. Nalalagay ko lahat ng nasa imagination ko.

Bawi na lang next time ang lola niyo.

Proceed.....

Episode 19

Huni ng mga ibon.

Kaluskos ng mga dahong iniihipan ng hangin.

Simoy ng hangin.

Kaluskos ng kung anong meron sa paligid.

Ang sarap pakinggan.

Ang sarap sa tenga.

Parang napaka-payapa ng paligid.

Nasaan ba ako?

Ano bang nangyari?

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko.

Tumambad sa akin ang napakagandang paligid. Maaliwalas. Kaakit-akit. Parang paraiso. Yung mga puno sobrang laki. Yung mga halaman, parang ngayon ko lang nakita. Malalapad ang mga dahon. Parang lahat ng narito sa paligid ay endangered na. Yung mga paru-paro ngayon ko lang nakita. Malalaki at makukulay.

Ang gandang tingnan.

Tumingala ako. Nakita ko yung mga ibon. Maliliit at maliliksi panay ang huni nila na parang kumakanta habang nakikipaghabulan sa kapwa nila ibon.

Ang ganda ng langit. Ang ganda ng pagkaasul nito. May mga pulo-pulong bilog na mga ulap.

Napangiti ako sa aking nakikita. Para akong nasa paraiso.

Teka, nasaan na nga ba ako?

Nakaupo pala ako at nakasandal sa isang malaking puno. Inilibot ko ang paningin ko, naghahanap ng ibang narito maliban sa akin. Pero wala akong makita.....

Huh?!

Ako lang ba ang narito sa lugar na ito?

Tumayo ako at naglakad-lakad.

Patay na ba ako?

Anong lugar 'to?

Pinilit kong halukayin sa bawat sulok ng utak ko ang mga nangyari at kung bakit narito ako.

Oo.

Natatandaan ko na.

Yung laban namin ng bruhang yun.

Nasaan siya?

Wala siya.

At.....

Narito ako....ibig sabihin, natalo siya?

Nanalo ako?!

Pero nasaan siya?

Nagpatuloy pa ako sa paglakad. Palinga-linga ako sa buong paligid. Pero wala. Wala talaga. Ako lang ang narito.

Biglang bumalik sa alaala ko ang mga huling salita nung multong yun.

MATA (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon