Lumingon ako sa paligid para hanapin si Emilee. Nakatayo pala siya sa ibaba ng trono ng kanyang ina. Yung suot niya,halatang handang sumabak sa laban. Yung aura niya ay nakaready rin. Walang ekspresyon ang mukha niya. Pero alam kong si Emilee talaga yung nakikita ko at hindi isang ilusyon na gawa niya.
Tumayo na si Ayessha mula sa pagkakaupo niya sa trono niya at dahan-dahang bumaba. Bawat hakbang niya ay sinasalo ng mga gumagalaw na sanga ang kanyang mga paa na nagsisilbing hagdan niya para makababa.
"Sige, simulan na natin. Ayoko na itong pagtagalin pa. Akala ko mamaya pa kayo, maghihintay kayo ng pagsikat ng araw pero narito na agad kayo....good for me kasi maaga lang itong matatapos. Hindi ko ito pwedeng pagtagalin kasi magbabakasyon kami ni Norman ngayong weekend sa beach. Ayoko namang gumawa ng isang duplicate ko, gusto ko kasi ako lang talaga ang kasama niya. Di ba sweet yun?" sabi niya pagkababa niya.
Lalong nadadagdagan ang galit na nararamdaman ko. Pero hindi ako nagseselos. Hindi naman dapat pagselosan ang isang tulad niya. Mas okey pa ngang magsabi pa siya ng kung anu-anong magpapagalit sa akin. Para hindi ako magdalawang isip na ibalik lahat ng mga ginawa niyang pahirap.
"Emilee anak, gusto mo bang lumaban?" tanong ni Ayessha kay Emilee. Anong klase siyang ina para isabak sa laban ang anak niyang bata! Wala talaga siyang kwenta.
Tumango si Emilee sa tanong sa kanya.
HUH?! LALABAN SIYA?
Narinig kong napangisi si Jullienne.
"Sige. Pumili ka ng laruan mo." utos ni Ayessha.
Laruan?!
Ang tingin lang ba nila sa amin ay mga laruan lang?!
Habang naghihintay ako kung sino ang pipiliin niya sa amin ni Jullienne nagkaroon ng lamat ang galit na nararamdaman ko kanina. Kinabahan ako. Hindi ko kayang labanan si Emilee. Isa siyang bata at tsaka hindi naman siya iba sa akin. Si Jullienne alam kong hindi rin siya papatol sa bata. Pero kung lalaban nga si Emilee.....malamang yung mapipili niya magiging laruan lang talaga.
Wala namang gustong lumaban sa isang bata.
Nakacross fingers ako habang sisinigaw ko sa isip ko.
HUWAG AKO PLEASE.
HUWAG AKO PLEASE.
HUWAG AKO.
PLEASE LANG.
Gusto kong pumikit. Ayokong makita na ako ang ituro niya pero gusto kong makita ang mga mata niya kung talagang seryoso siya.
Hanggang sa itapat niya sa akin ang kamay niyang nakaturo ang hintuturo.
Halos mapaatras ako sa ginawa niya. Pero naiintindihan ko siya. Malamang napipilitan lang siyang gawin yun.
Pero yung mga tingin niya....nakakatakot.
Hindi siya nagbibiro.
Napansin ko ding wala na dun sa kamay niya yung spiritual thread na karugtong nung sa akin.
Marahil nga seryoso siya.....tinanggal na niya.
Tiningnan ko ang kamay ko pero nandoon pa rin yung sa akin. Kanino ito nakakabit ngayon? Dapat wala na din ito ngayon.
Kanino niya nilagay?
Narinig ko ang pagngisi ni Emilee. Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya. Pero hindi ko pa rin mahulaan ang mga iniisip niya.
Inalis niya sa akin ang pagkakaturo ng kamay niya at itinapat kay Jullienne. "Siya na lang. Ayoko sa baguhan. Walang thrill." at ibinaba na niya yung kamay niya.
BINABASA MO ANG
MATA (completed)
Horrorin my extraordinary eyes BOOK 3 What if isang araw ay malaman mong ang matang taglay mo ay hindi pala sa'yo? Na ito'y ipinagkaloob ng isang taong hindi mo pa nakikilala? At magmula nang mapasa iyo ang mga matang iyon ay nakikita mo na mga bagay na d...