Nasa biyahe na kami papunta dun sa sinasabi ni Norman na expert sa mga third eye. Tahimik lang ako, habang nagda-drive siya. Ang dami ko kasing iniisip, mga bagay na parang walang kasagutan. Nakatitig lang ako sa kalsada pero hindi ko naman napapansin, wala talaga sa ulo ko ang utak ko ngayon. San kaya napunta? Siguro na kay Emilee. Puro kasi siya yung laman ng isip ko e. yung mukha niya, yung mata at mga titig niya, yung pabago-bago niyang ugali, kilos at pananalita na sa akin lang naman niya ipinapakita. Isang batang hindi ko malaman kung anong klaseng nilalang. Malalim at mahiwaga. Naisip ko na naman tuloy yung larong sinasabi niya. Nagsisimula na kaya yun? Dapat ko na bang i-alerto ang sarili ko? anong klaseng laro yun? Dapat ba akong kabahan o matakot? Oh mhy! Hindi, kailangan ko lang magpahinga, i-relax ang isip.
Isa lang siyang bata! At 27 years old na ako! 27!!!
Pero sa tuwing nagkakaharap kami, para lang akong isang pusang pambahay at siya naman ay lion na nabubuhay sa virgin mountain. Ilag. matapang, at walang inuurungan.
"Ba't ang tahimik mo ata!" putol ni Norman sa pag-iisip ko. Talagang maninibago siya sa akin, dati kasi pag ganitong nagda-drive siya, panay ang daldal ko. Kung anu-ano lang naman ang sinasabi ko, sabi kasi ng iba, kailangan daldalin ang driver baka daw kasi malibang at makatulog. Ang kalsada daw kasi ay parang bagay na humi-hypnotized sa driver at inaakit siyang matulog kaya maraming napapahamak.
"Wala, may iniisip lang ako." sagot ko.
"Natatakot ka ba sa taong kakatagpuin natin?" tanong niya.
"Ako?! Hindi ah!" mas takot ako sa anak mo hahaha. "Ang laki-laki mo na naniniwala ka pa sa mga ganun? Tas nakita mo lang sa internet, pa'no kung hindi sila totoo?"
"Malalaman mo naman yun di ba?"
"Hah?!" nagtaka naman ako dun sa tanong niya.
"May kakayahan kang malaman kung nagsisinungaling o hindi ang isang tao di ba? Base sa kanilang aura. Kaya wala tayong problema."
"Wow! kaya pala confident ka, sa akin pala umaasa."-sabi ko sabay kamot ng ulo.
"syempre hahahahahaha" buti pa siya nakakatawa ng normal. Sabihin ko kaya yung tungkol sa anak niyang parang nasasapian, tingnan ko lang kung makatawa pa siya ng ganun. Pero siguro dapat, ako na lang ang umayos nito. Ayokong mag-alala siya, wala naman din siyang magagawa e. Malulungkot lang siya. "Sorry ha,'' seryoso niyang sabi pagkatapos niyang tumawa na parang nang-aasar.
"Bakit naman?"
" Kasi, baka sumama ang loob mo sa akin, ang dami na nating pinagsamahan at napakarami na nating naging karanasan ng dahil sa third eye mo, at dahil din diyan nagkakilala tayo. Pero ngayon, heto at ako pa yung kumukumbinsi sayo na lumapit na tayo sa isang expert. Pero hindi yun dahil sa gusto kong mamuhay ng normal kasi mula nung malaman kong espesyal ka, minahal kita ng buong-buo pero.........ngayon, ayokong mawala ka pa sa akin. Ilang beses na bang nanganib ang buhay mo? Nang dahil sa mga gumagambala sa'yo lagi kang napapahamak. Natatakot lang akong baka mawala ka ng tuluyan sken, mas natatakot na ako. Ayokong mawala ka kasi, kailangan kita.....dahil mahal kita. Ayoko ng maulit lahat ng mga nangyari. Alam ko selfish ako, pero syempre sa huli ikaw pa rin ang magdi-decide, umaasa lang naman ako. Na sana, manatili ka pa sken habang nabubuhay ako at magkaroon tayo ng masaya at simpleng pamilya."
Napabuntong-hininga ako sa mga sinabi niya. May point siya, pero...............dati, ganun din ang iniisip ko, gusto ko ng ipasara yung third eye ko na accidente lang namang nagbukas, pero ngayon, paano ako magdi-decide kung si Emilee....................hahayaan ko na lang ba siyang ganun? Siguro kung normal siya baka ako pa mismo ang siyang nag-aya sa kanyang lumapit na mga expert. "Mas selfish ka sa sinabi mong manatili ako habang nabubuhay ka, paano kung mamatay ka agad? Paano ako?" tinanong ko siya ng seryoso pero tiwanan ako!?

BINABASA MO ANG
MATA (completed)
Horrorin my extraordinary eyes BOOK 3 What if isang araw ay malaman mong ang matang taglay mo ay hindi pala sa'yo? Na ito'y ipinagkaloob ng isang taong hindi mo pa nakikilala? At magmula nang mapasa iyo ang mga matang iyon ay nakikita mo na mga bagay na d...