Episode 29

1K 29 0
                                        

Maya-maya'y biglang may humigop sa aming malakas na enerhiya pababa ng isla. Mas mabilis pa sa paghigop ng gravity sa eroplanong pabagsak.

Bumagsak ako sa lupa ng dapang-dapa. Subsob pa ang mukha. Kainis! Buti na lang hindi ko nararamdaman ang sakit. Tsaka walang magagasgas na mukha.

Pag-angat ko sa mukha ko, nakatayo lang si Jullienne. Hindi man lang siya tinablan ng pagkahigop sa amin. Kainis! Paikot-ikot si Jullienne mula sa kinatatayuan na para bang may hinahanap.

"Napapano ka?" tanong ko.

"Hinahanap ko ang bruha. Gusto kong makita niya kung gaano ako kaganda ngayon." wah! Ibang klase siya! Gusto talaga niyang ipangalandakan ang itsura niya. Sige lang.....enjoy mo lang yan. Tutal baka yan na ang last na maenjoy mo yan. Bigla akong nalungkot sa mga sinabi ko.

Ganun pa man, napakaliwanag ng buong paligid dahil sa liwanag na ibinibigay ng bituin. Pinuno nito ang buong isla.

Ilang sandali pa'y unti-unting lumalakas ang alon sa dagat. Para bang hinahagupit nito ang buong paligid ng isla. Galit na galit ang dagat na para bang gusto na nitong palubugin ang isla. Habang tumatagal ay lalong lumalakas at tumataas ang tubig ng dagat sa paulit-ulit nitong paghampas. Hanggang sa naging isang makapal at mataas na pader na ito na bumalot sa buong isla. Ilang sandali pa'y tumigas ang tubig at naging makapal na yelong pader. Nagkaroon din ang pader na yun ng mga matutulis na nakausli na animo'y mga tinik na matatalim na nagyeyelo. Talagang pinaghandaan niya ang araw na ito. Sa pakiwari ko, hindi lang basta mabibigo ang isang panig hindi maganda ang mga mangyayaring kaganapan. Batay sa ginawa ni Ayessha....hindi niya kami hahayaang makaalis ng ligtas sa lugar na ito.

Bigla ding umihip ang malakas na hangin. Natanggal sa mga sanga ang mga dahon nito at tinangay sa kung saan. Ang lahat ng mga puno ay naging parang punong kinawawa o isinumpa dahil sa itsura nito ngayon.

Nabigla kami ng biglang gumalaw ang mga sanga ng mga puno ng sabay sabay nagsama-sama ang mga ito, nagkapit-kapit at nabuo ang isang mahabang daan.

"So yun, dinadala tayo ng babaeng yun sa kung saan siya naroon ngayon." sabi ni Jullienne. Nagsimula na siyang maglakad. Sumunod na rin ako.

Habang naglalakad kami ay pinagmamasdan ko pa ang mga sangang patuloy lang sa paggalaw na para talagang mga buhay. Parang mga kumakaway at itinuturo ang dapat naming puntahan.

Napansin ko rin ang mga damong dapat ay nagkalat sa lupa. Bagamat narito pa rin sila ngunit, nagsidapa ang mga ito na animo'y naging maamo. Dapang-dapa sila sa lupa at naging parang malapad na carpet sa buong isla.

Nakaayos din ang mga ligaw na bulalak na para bang sinadyang ilehera sila para maging disenyo ng lugar.

"Ibang klase ang kaartehan ng babaeng yun! Hanggang ngayon nag-iinarte pa rin siya. Ano 'to inimbitahan lang tayo sa kanyang kasal?" napahinto ako sa narinig mula kay Jullienne.

Kasal?!

Teka! Alam ba ni Jullienne ang sinasabi niya?! Kasal ni Ayessha at........

Norman?!

"Hoy! Ba't napahinto ka?!" napalingon sa akin si Jullienne.

Hindi ko siya masagot. Para huminto ang mundo ko sa narinig ko.

"Sorry, nagbibiro lang ako." sabi ni Jullienne. "Hindi naman mangyayari yun ano ka ba!"

Hindi ko siya pinansin. Ayoko siyang pakinggan. Hindi yun totoo!

Mabilis akong tumakbo. Hindi pwedeng mangyari yun! Hindi sila pwedeng ikasal! Kaya ba bigla na lang ang bilis ng lahat! Grabeh! Napaka-engrande naman ng kasal na ito! Kakaiba! HINDI PWEDE!........

Napahinto ako nung makita kong nagbago na ang lugar. Dapat ay pataas ang lupa dahil sa isa itong mataas na isla pero patag na sa banda rito kung saan dapat ito ang tuktok ng isla pero isa itong kapatagan.. At yung lupa na tutun-tungan namin, naging mga nagtataasang haligi. Iba-ibang sukat at taas. Napatingin ako sa ilalim, napakalalim na bangin. Parang walang hanggan, sobrang dilim.

"Oh tara na! Baka mahulog ka pa diyan! Pipigilan pa natin ang kasal ahahahaha" nauna nang lumakad si Jullienne at nagagawa pa talaga niyang tumawa!

Pagdating namin sa pusod ng isla, mga nakapaikot na punong gumagalaw ang mga sanga na walang dahon ang siyang nagsisilbing pader. Nasigalawan ang mga baging na nasa harapan namin at bumukas ang mga ito na nagkaroon ng daan. Isang pinto?

"Naku pwede ba tayong pumasok nakalimutan ko ang invitation hahaha"

"Pwede ba?! Hindi na magandang biro, Jullienne!" sigaw ko.

"Tara pasok na tayo. 'to naman, malay mo, last na nating biruan at tawanan 'to." nauna ulit siyang lumakad sa akin. "Basta kahit anong mangyari, maganda ako." dugtong pa niya.

Pagkapasok namin, nakita naming nakaupo si Ayessha sa kanyang trono. Mga ilang daang metro din ang layo niya sapat lang para matanaw pa namin siya mula sa kinaroroonan namin. Magkakatabing mga puno na ang mga sanga ay nagkapit-kapit at bumuo ng magarang upuan ang trono ni Ayessha.

"Ang tagal mo naman." naiinip na simula ni Ayessha. "Opps! Kumuha ka pala ng kakampi!"

"Mali ka, sumama talaga ako" sagot ni Jullienne.

"Namiss mo ako?" tanong ni Ayessha. May something sa dalawang 'to.

"Hindi. Palagay ko kasi ako ang namiss mo kaya hindi na ako nag-aksaya ng panahon, nagpunta na ako para makita mo ang kagandahan ko."

"Ahahahahaha hindi Ka pa rin nagbabago Jullienne.....concieted ka pa rin tulad ng dati. Pero tulad pa rin ng dati, talunan ka pa rin. Dapat lang talaga na magkasama kayo kasi pareho kayong talunan."

"Hindi na ako matatalo ngayon Ayessha......sisiguruhin ko!" galit kong sabi.

"Uh, seryoso ka na, kaso wala pa ring dating. Hindi man lang ako kinilabutan sa sinabi mo."

Nakakainis talaga siya! At tama si Jullienne pag makita ko siya, makakaramdam ako ng galit.....

Galit na galit na ako!

***********

Proceed.....

MATA (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon