"Ano?!....anong paraan ang sinasabi mo?" kung kelan nagmamadali akong malaman tsaka naman niya pinagtatagal.
"Pwede pong kayo mismo ang magtanggal niyan."
"Pa'no?!"
"Hindi ko po alam. Isa lang po akong bata.....six years old lang po ako. Six years pa lang po ako dito sa mundo kaya hindi ko pa po alam ang lahat-lahat."
Uh! Okey. Natameme ako sa sinabi niya. May point siya. Dapat ako ang siyang nakakaalam eh. Pero bakit ganito! Wala akong kaalam-alam!!!
"Palagay ko po may kinalaman yung mga letters na umiikot diyan sa tinutuntungan yung bilog." sabi niya.
"oo nga. Tama. Baka nga. Wala namang masama kung susubukan di ba."
"Sandali po." hahawakan ko na sana yung mga letters nang bigla niya akong pinigilan.
"Bakit?!" nagtataka kong tanong.
"Mag-ingat po kayo. Delikado po ang mga letters na yan. Bawat pihit nyo. Bawat ikot. Bawat pag-iiba sa mga letters ay maraming pwedeng magbago. At ang pinakamatindi, maaring malock kayo ng tuluyan sa loob ng spell at hindi na kayo makakalabas pa. Pag-isipan nyo pong mabuti ang bawat letrang gagalawin nyo."
Bigla akong nag-isip sa mga sinabi niya. "Ano pang mangyayari sa akin kung sakaling malock ako sa loob ng spell na ito?" tanong ko.
"Hindi na po kayo makakaalis sa mundong ito. At dahil po isa na kayong ispiritu, walang katapusan yun. Walang katapusang pagdurusa."
Nagseryoso na ako. Na yun naman dapat ang siyang ginawa ko sa simula pa lang.
"Kapag ba nagkamali ako sa paggamit ng letrang ito at sakaling malock na ako ng tuluyan sa mundong ito....madadamay ka ba, kung nandito ka pa?"
"Uh....a, opo."
"Ganun ba? Oh, ano pang hinihintay mo? Dapat umalis ka na dito....UMALIS KA NA. KAYA KO NA ITO. AYOKO NG MAGTAGAL PA DITO. SISIGURUHIN KONG MAKAKALABAS AKO DITO. MAGTATAGUMPAY AKO! Pero kung---"
"Makakalabas po kayo...." pagpuputol niya sa sasabihin ko pa. "hindi pwedeng hindi. Kailangan pong makalabas kayo dito....sisiguraduhin kong paglabas niyo, ako ang unang maghihintay at sasalubong sa inyo....hindi pwede ang iba. Lalo na si mama. Hindi niya pwedeng malaman. At saka po, bilisan nyo. Ayoko ng pinaghihintay ako ng matagal."
Tumango lang ako bilang pagsang-ayon.
"Isa pa nga po pala....kapag po nagtagumpay kayo, pangako, tutulungan ko po kayong mabawi ang katawan niyo mula kay mama". pagkasabi niya nun, tumalikod na siya. At nagsimulang humakbang palayo.
Ah....Tutulungan niya daw ako?!
Para mabawi yung katawan ko?
At pinagmasdan ko muna siyang unti-unting lumalayo hanggang sa tuluyang maglaho.
Nung hindi ko na siya matanaw, tsaka ko itinuon ang sarili ko sa spell.
Kailangan kong magtagumpay....ito na ang huling alas ko para mabawi ang lahat.
'Tong mga letrang 'to.....
kailangan daw,
Ikutin.
Galawin.
Pagsama-samahin.
Pag-isahin.
Pwede kayang bumuo ng kahit anong words dito?
Ano kaya ang mangyayari?
Naiisip ko tuloy ang habilin ni Emilee. Pag-ingatan lang daw. Hindi lahat pwedeng hawakan o galawin. Alin ba sa mga ito ang dapat at hindi dapat? Bakit ang dami namang letters nito? Nakakainis! Pero kailangan ko ng kumilos. Hindi na ako pwedeng magtagal dito.

BINABASA MO ANG
MATA (completed)
Terrorin my extraordinary eyes BOOK 3 What if isang araw ay malaman mong ang matang taglay mo ay hindi pala sa'yo? Na ito'y ipinagkaloob ng isang taong hindi mo pa nakikilala? At magmula nang mapasa iyo ang mga matang iyon ay nakikita mo na mga bagay na d...