Episode 12

1.4K 33 10
                                    

Habang lumalakad siyang palapit lalong nanginginig ang kalamnan ko. Pinagpapawisan ako nang malapot sa sobrang takot. Nakayuko lang ako habang paluhod na nakaupo sa semento. Makailang ulit akong lumunok ng laway para basain ang nanunuyo kong lalamunan. At kahit hindi ako makiramdam nanunuot na sa buong katawan ko at maging sa buto ang kapangyarihang pinapakawalan niya. Habang papalapit siya ng papalapit ay parang lalo akong napapasailalim sa kanya. Pakiramdam ko'y unti-unti siyang pumapsok sa kaibuturan ko. At kahit anong pakawala ko sa sariling aura ko'y para lang itong usok na pinaparam niya gamit ang malamig na hanging taglay niya na pakiramdam ko'y pumapalibot na sa akin sa mga oras na ito. Unti-unti kong itinaas ang mukha ko para makita ko kung malapit na siya sa akin kahit na ramdam ko ang agwat naming dalawa. Gusto ko rin kasing makita ang mukha niya. Nakakainis naman na sa ganitong pagkakataon ay hindi ko pa magamit ang sarili kong katawan hindi dahil sa huminto rin akong tulad ng lahat kundi dahil sa pangangatog ng buong katawan ko.....pero nakapagtatakang hindi na ako nakaramdam ng takot habang lalo siyang lumalapit. Para bang unti-unting nakikiisa ang katawan ko sa kanya. Parang kusang naghihintay ako sa kanya hanggang sa makalapit siya. Pati yung damdamin ko'y tila nagagalak na rin sa kanyang pagpapakita na para bang matagal ko na siyang hinihintay. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Sino ba siya?

Mga ilang dipa na lang ng agwat niya sa akin at hindi ko man lang magawang tumayo sa kinaluluhuran ko. Gayunpaman nakadilat na ako at pinapanood ko siyang lumalakad ng nakalutang sa hangin. Nanlalaki ang mga mata ko sa aking nakikita. May mahaba siyang damit na kulay puti at nagliliwanag pa. Parang simpleng gown lang ang suot niya na walang anumang disenyo. Nakikita ko ring wala siyang suot nakapanyapak dahil sumusilay ang mapupula niyang mga paa na naghahalinhinang lumilitaw sa haba ng suot niyang damit sa tuwing humahakbang.

Habang pinapanood ko siya parang naaliw ako sa bawat paglakad niya ay saka naman siya biglang huminto. Kung kaya't bitin na bitin ako sa kagustuhang makita siya agad. Hindi ko na rin siya maaninag dahil sa katawan ni Emilee na humarang sa pagitan namin.

Ilang minuto din akong naghintay at nakiramdam.

Hanggang sa biglang tumilapon ang katawan ni Emilee sa kung saan, ni hindi ko na inalam pa kung saan napunta ang katawan ng bata.  At imbis na magalit ako sa kanyang ginawa ay parang ikinatuwa pa ng puso ko ang nangyari. Parang gusto pang isigaw ng utak ko na salamat at sa ginawa niyang yun sa wakas ay makikita ko na rin siya....galak na galak ang damdamin ko sa hindi ko malamang dahilan.

At ngayon......

Nasa harapan ko siya.

Halos tumulo ang mga luha ko nang makita ko siya ng malapitan kahit na hanggang paa lang ang kaya kong tingnan na kahit gustuhin kong tingalain siya ay wala akong lakas para gawin yun. Pero labis akong nagtataka dahil halos dumoble ang katuwaan kong makita siya ng malapitan di tulad kanina na sabik lang kong naghihintay.

Parang ang tagal ko siyang hinintay......

Hindi ko alam kung ilang libong taon....

Pero parang naibsan lahat ng damdamin nang paghihintay ko ngayong narito na siya sa aking harapan.....

Hindi ko kayang magtanong kung sino siya kasi parang ang tagal ko na siyang kakilala at parang iisa lang kami.

Gusto kong hawakan man lang kahit ang laylayan lang ng kanyang damit pero bakit parang hindi ko magawa. Parang pinipigilan ko ang sarili ko sapagkat pakiramdam ko'y hindi ako karapat dapat na hawakan siya o kahit man lang masilayan ang kanyang mukha.

"Kumusta ka na?"

Biglang tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan na parang ayokong ipakita sa kanyang umiiyak ako sa hindi malamang dahilan.  Pero ngayon...kusa na itong pumapatak at may kasamang paghikbi.

Gusto kong magtanong pero bakit di ko magawa?

Bakit umiiiyak lang ako?

Lalo akong nawalan ng lakas na mahawakan man lang siya.....lalo akong nanlumo....lalo kong naramdaman sa sarili kong nahihiya ako dahil minsan naramdaman kong nawalan na ako ng pag-asang makita siya....

"Hindi ka na dapat mag-alala....narito na ako....hindi mo na kailangan pang malungkot....dahil mula ngayon ay hindi na kita iiwan...lagi na kitang sasamahan.....palagi na....."

Lalong tumindi ang pagluha ko matapos kong marinig mula sa kanya ang mga katagang iyon....sa kanyang malumanay, mahinahon, at makapangyarihang tinig. At lalo akong naging malakas ngayon......na parang nagkaroon ako ng malakas na kakampi...at alam kong hindi niya ako iiwan pa....na para bang matagal na niya iyon ipinangako sa akin....at sa wakas ay tutuparin na niya.

"Itaas mo ang iyong mukha at tumingin sa akin....hindi mo ba ako nais makita? Bakit ba ganyan ang itsura mo ngayon? Para kang nanghihina....ayokong makita ka sa ganyang ayos mo dahil nakikita ko kung paano kitang pinabayaan....ganyan ba talaga ang naging pagdurusa mo habang wala ako? Patawarin mo ako....pero mula ngayon hindi na kita iiwan pa.....kahit kailan."

Bigla akong nakonsensya sa sinabi niya...parang gusto kong sisihin ang sarili ko dahil sa ipinakita kong kahinaan. Ngayon ko lang ulit siya nakita mula sa mahabang panahon pero naging ganito pa ang pagsalubong ko sa kanya.

"Tingnan mo ako....nais ko ring makita ang mukha mo"

Matapos kong marinig yun ay tila nagkaroon ako ng lakas para tingnan siya sa kanyang mukha.

Katulad pa rin kaya siya tulad ng dati?

Nasasabik akong makita siya.

Unti-unti kong itinaas ang mukha ko. Una kong nasilayan ang puti niyang kasuotan na sadyang napakaganda at mas lalo pang tumingkad ang ganda nito habang nagliliwanag na parang normal lang yun....sa hubog ng katawan niya ay sadyang napakaganda pa rin niya...gandang walang katulad.... Parang walang nagbago sa kanya... Ganun pa rin siya kaganda. At taglay pa rin niya ang kapangyarihang meron siya mula pa nung una. At hindi na ako nagtaka kundi lalo pa akong humanga.

Isinasayaw ng hangin ang suot niyang damit. At nakikita ko na ang napakahaba niyang buhok na sumasabay sa bawat pag-ihip ng hangin. Mahaba,makintab sa pagkaitim nito at tuwid na tuwid pa rin ang  kaniyang buhok...tulad pa rin ng dati.

Itinaas ko pa ang mukha ko para masilayan ko na ang kanyang mukha....at nasasabik ako...

Subalit....

Napapikit ako sa taglay niyang liwanag.

Nakakasilaw ang matinding liwanag na bumabalot sa kanyang mukha. At tulad pa rin ng dati...bigo pa rin akong makita kung gaano siya kaganda.

Napapikit ako sa matinding pagkakasilaw...tinakpan ko ng mga palad ko ang liwanag para muli akong makadilat. Pero kasabay ng pagdilat ko'y unti-unti naman akong nakaramdam ng antok.

Naririnig ko ang tinig niya na kinakausap pa ako subalit hindi ko na maunawaan pa...unti-unti nang lumalabo ang aking pandinig at maging ang aking paningin...bumibigat na ang talukap ng aking mga mata...inaantok ako.

Pakiramdam ko'y unti-unti akong bumulagta sa kanyang paanan...

Nakangiti ako sa labis na katuwaan.

Tumatakbo sa isip ko na sana paggising ko'y narito pa rin siya sa aking tabi manatili na sana siya at wag nang umalis pa.

MATA (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon