Nagtataka ako kung bakit ibang-iba ang Emilee na kaharap ko ngayon kesa dun sa batang dumalaw sa akin sa dimensyon. Yung Emilee na nakikita ko ngayon ay isang batang matapang, palaban na para bang walang inaatrasan. Isang batang sigurado sa bawat kilos at galaw na ginagawa niya. Pero bakit?! Ano na naman ang nangyari? Bakit ganito na naman siya?
At heto na naman ako sa mga tanong kong bakit.....puro na lang ako bakit? Bakit? Bakit?
Panahon na para magsalita. Hindi naman siguro masama kung maging matanong ako,hindi ba?
"Emilee....ba----" pero tulad pa rin ng dati. Huli pa rin ako. Lagi na lang akong nahuhuli. O sadyang mabilis lang talaga siya?
Hindi ko inasahang inatake niya ako.
Sobrang bilis.
Sa sobrang bilis ng mga pangyayari at hindi ko man lang namalayang naigapos niya ako....
Gawa sa spiritual ang thread na ginamit niyang panali sa akin. Isa kasi akong ispiritu kaya dapat spiritual din ang kailangan niyang gamitin.
At hindi ko man lang nakita kung paano niya yun nagawa sa akin gayong hindi naman ako pumipikit. Ganun siya kabilis!
Parang nakakatakot ang lakas niya.
Yung kapangyarihan niya....
Hindi ko sukat akalaing........bihasa na siya.
At bago pa ako nakapagsalita ay nadala na niya ako sa tuktok ng isang building. Rooftop.
Hindi ko alam kung gaano ito kataas o kung ilang palapag ba ito...ang alam ko lang talagang mataas ito. Parang pinakamataas sa lahat ng building na narito.
"Bakit?!" tanong ko sa kanya. Yung ekspresyon ng mukha ko ay tulad ng maraming ibig sabihin ang salitang bakit.
"Kailangan na po nating magmadali. Wala na po tayong oras." seryoso niyang sabi.
"huh?!" nagtataka ako at naguguluhan sa sinabi niya.
"masyado na po kayong nagtagal sa loob ng dimensyon. Napakarami na pong naubos na panahon. Baka po mahuli tayo, pag di tayo umabot mahihirapan na tayong bawiin ang katawan niyo."
"hindi ko maintindihan...." alam kong halos isang buwan akong nasa loob pero anu-ano ba ang mga namiss ko?!
Nakalag na niya yung pinanggapos sa akin kanina. Pero nagtataka ako kung bakit kailangan pa niya yung gawin? Tapos tatanggalin rin naman pala.
Pagkatapos niya sa kanyang ginagawa ay tumingin siya sa buwan at itinuro pa yun sa akin.
"A-anong meron sa buwan?" tanong ko.
"Kabilugan po ng buwan ngayon. Ibig pong sabihin ilang gabi na lang at mawawala na yan. Didilim na ulit. Kapag may buwan malakas ang kapangyarihan ng mga nasa liwanag pero kapag wala, yung mga nasa dilim naman ang siyang lumalakas."
Napatingin ako sa buwan. Napakaganda ng pagkakabilog. May nakapalibot pa sa kanyang gas na parang rainbow kung gabi. Kaya ba malakas siya kasi may buwan?
Ibig ba niyang sabihin.....si Ayessha, mahina siya ngayon at pag dumilim na mas lalakas pa siya?
Ibig niya bang sabihin ang mama niya.......nasakop na ng dilim?
"May plano ka ba?" tanong ko. Parang nakakahiya naman ang ginagawa ko. Nagtatanong ako ng plano sa isang bata. Dapat ako ang nagpaplano eh. Tsaka parang nilalagay ko siya sa panganib.
Napansin kong may pinagkakaabalahan na naman siya. Hindi niya ako sinasagot. May kinakabit pala siyang kung ano sa kaliwang kamay ko. "ano yang ginagawa mo?"

BINABASA MO ANG
MATA (completed)
Terrorin my extraordinary eyes BOOK 3 What if isang araw ay malaman mong ang matang taglay mo ay hindi pala sa'yo? Na ito'y ipinagkaloob ng isang taong hindi mo pa nakikilala? At magmula nang mapasa iyo ang mga matang iyon ay nakikita mo na mga bagay na d...