Mas natatakot pa nga ako kay Jullienne eh.
Parang kilala ko talaga yung isa.
Hindi ko lang matiyak. Parang somewhere nagkasama na kami. Hindi ko matandaan pero pamilyar siya.
Nakatingin lang si Jullienne sa kanya na para bang kinikilatis niya ito. Maya-maya pa'y nanginginig na naman ang katawan ni Jullienne. Pinipilit niyang panatilihin ang aurang taglay niya pero batay sa nakikita ko, nakikipagtagisan sa kanya yung isa pero wala pa ring pagbabagong nagaganap sa kabila. Ganun pa rin yung aura niya. At hindi nababawasan ang lakas niya. Pero parang ayaw naman niyang makipaglaban. Parang nag-uusap lang sila. Nagte-telepathy sila? Maya-maya'y unti-unting humihina ang aura ni Jullienne hanggang sa tuluyan na itong sapilitang ibinalik ng kalaban sa kanyang katawan.
Biglang bumuwal si Jullinne at pawis na pawis. Parang sumabak siya sa matinding laban. Nagcontest lang naman sila ng aura pero natalo siya?
Wah! Hindi pwede! Wala akong laban sa kanya!
Lumabas na ako sa punagtataguan ko at nilapitan ko si Jullienne. "Jullienne! Tumayo ka! Hindi ka pwedeng matalo! Wala akong laban sa kanya! Pakiusap wag kang matalo ngayon!" parang hindi na siya makagalaw. Parang nasagad lahat ng lakas niya. Hindi na niya kayang kumilos.
"H-Hindi ka n-niya sa-saktan...." putol-putol at mahina niyang sabi.
Pinipilit kong yugyugin ang katawan niya pero hindi ko siya mahawakan. Napatingin ako dun sa estrangherong ispiritu. Pero wala na siya. Umalis na siya?
Pagbaling ko kay Jullienne. Nawalan na siya ng malay-tao.
Hala!
Mga ilang oras din siyang nakabagsak sa semento na wala man lang magawa kundi ang hinatayin siyang magkamalay ulit. Palakad-lakad lang ako sa buong silid. Ang tagal naman niyang gumising.
Maya-maya'y nagring ang telepono sa ibabaw ng table niya. Hindi ko naman yun masasagot. Napatingin ako dun sa name plate niya na nagkalat. Napalitan na pala yun. Dati kasi wrong spelling yun. Sobrang gulo ng buong silid at ako ang may gawa nun.
Nabigla ako ng biglang may nagbukas ng pinto. Si Shean! Sa wakas dumating na siya.
"Bossing!!!" nabigla siya ng makita si Jullienne sa ganong sitwasyon at lagay.
Agad naman akong sumalubong at nagkwento ng mga nangyari. Pero abala lang siya sa pagbuhat kay Jullienne at dinala sa isang kwarto. Hindi man lang siya nakikinig sa akin. Kainis! Sinundan ko pa sila sa kwarto. Nagulat naman ako. May tinatago palang bedroom si Jullienne dito na kasing laki din ng office. Oo, nga pala. Sakop nila ang buong palapag. Malamang maraming kwarto dito ang dami kasing pinto. Tsaka kanina, nahagip ng kapangyarihan ko ang bawat silid.
Nagpatuloy ako sa pakikipag-usap kay Shean. Napahinto kasi ako kanina pagkapasok ko sa kwarto.
"Siguro may nakalaban na naman siyang baliw na multo, engkanto, elemento o Ispiritu" nagsasalita si Shean habang kinukumutan ang boss niya.
"Kanina pa kasi ako kwento ng kwento sayo hindi ka naman nakikinig! " sabi ko. Sa inis ko ay binatukan ko siya.
Tsaka ko lang naalala na hindi nga pala niya ako nakikita o nadidinig. Hehe para akong shunga kanina.
"Aray!" huh?! naramdaman niya yung pagbatok ko sa kanya?
Nararamdaman niya ako?!
Inulit ko uli pero hindi ko na yun nagawa pa.
Okey! Maghihintay na naman ako. Magsasayang na naman ako ng oras. Gaano kaya siya katagal na makakarecover?
"Mga tatlong oras pa siyang ganyan. Kailangan magluto muna ako para paggising niya makakain siya." naupo muna si Shean sa tabi ng kama ni Jullienne at hinaplos-haplos ang buhok nito, iginilid pa para hindi matakpan ang mukha. Akala ko ako ang kinakausap niya yun pala nagsasalita siyang mag-isa.
Para naman akong multo na nanonood sa kanila.
Tatalikod na sana ako para iwan sila ng maalala kong hindi nga pala pwede kasi baka kung ano ang gawin ni Shean kay Jullienne habang unconscious pa siya. Hindi ko siya pwedeng iwan.
"Ikaw naman kasi eh sobrang tapang mo. Lahat na lang kinakalaban mo. Hindi mo ba nakikitang nag-aalala ako? Natatakot akong mapahamak ka. Paano na ako?! Hindi pa naman ako nakakapagtapat ng pag-ibig sa'yo eh. Natotorpe kasi ako. Sobrang ganda mo kasi eh." Wah! Sabi ko na nga ba kaya ganyan ka-weird si Shean eh. Nagpapapansin siya kay Jullienne. Kaso hindi alam ni Shean na sa malamang ay alam na yun ni Jullienne. Pag may third eye kasi hindi lang isip ang nababasa kundi pati yung nararamdaman ng puso.
Eh si Jullienne kaya? Ano kaya ang feelings niya sa kumag na ito. Palagay ko meron. Kasi kung wala dapat matagal na niya itong dinispatsa....
Bigla ko tuloy naalala si Norman. Parang gusto ko siyang puntahan. Pero ayoko. Ayokong makita ang pinaggagagawa nila. Ayokong malaman ang pinaggagagawa ng babaeng yun!
Bigla ko na naman tuloy naalala ang mga maaaring mangyari.
Mangyari?!
Wah! Hindi pwede!
GUMISING KA NA KASI JULLIENNE!!! HINDI NA AKO PWEDENG ABUTIN NG BUKAS! HINDI KO NA KAYA!
"Sige, miss. Magluluto muna ako para pag gising makakakain ka para may pamalit sa lakas na nawala sa'yo. Tsaka pwede sa susunod wag mo na akong uutusan sa malayo. Gusto ko na sa tabi mo ako palagi para sa ganitong pagkakataon.....may aalalay sa'yo. Tsaka pwede, wag naman sanang ganun kasira ang buong gamit. Bibili na naman tuloy tayo ng bago. Sayang ang pera. Lagi na lang tayong nagpapalit ng mga gamit dahil sa mga multong yun!"
"Hindi ako, multo! Ako ang sumira pero hindi ako multo!" hindi naman niya ako nadidinig.
Tumalikod na ako. Ayokong marinig ang kadramahan ni Shean. Dun na lang ako sa sala slash office. Pero bago pa ako makalabas naramdaman kong hinalikan ni Shean si Jullienne. At dahil nakatalikod ako. Hindi ko alam kung saang parte.
Ang masasabi ko lang. Lagot siya pag gising niya.
BINABASA MO ANG
MATA (completed)
Horrorin my extraordinary eyes BOOK 3 What if isang araw ay malaman mong ang matang taglay mo ay hindi pala sa'yo? Na ito'y ipinagkaloob ng isang taong hindi mo pa nakikilala? At magmula nang mapasa iyo ang mga matang iyon ay nakikita mo na mga bagay na d...