Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. At hinagilap ko ng tingin kung nasaang lugar ako ngayon. Sariwa pa sa alaala ko ang mga nangyari....sana hindi yun panaginip. Nasaan siya?
Napaupo ako mula sa pagkakahiga ko sa kama. Hinagilap ko siya ng tingin sa buong kwarto. Kwarto? Nakauwi na pala ako pero paano? Iniuwi niya ba ako mula nang ako'y makatulog sa paanan niya? Nasaan na siya? Bakit wala siya dito? Ang dami kong gustong itanong sa kanya.Pero mukhang iniwan na naman niya ako tulad ng dati.
Lumabas ako nang kwarto para hanapin siya. Pagkalabas ko ay nakita ko agad ang pintuan ng kwarto ni Norman na nakapinid. Tiningnan ko muna ang wallclock. Mag-aala una na pala ng madaling araw. Napahaba ang tulog ko at hindi ko pa alam kung paano ako nakauwi.
Nilapitan ko ang pintuan ng kwarto nila Norman para isarado yun. Napasilip ako nang bahagya at nakita kong wala doon si Norman tanging si Emilee lang ang nakahiga sa kama. Medyo nilakihan ko pa ang pagkakapinid ng pintuan para masilip ko siya baka kasi nasa bahaging hindi ko makita. Pero iba ang nakita ko.
Babae?!
Anong ginagawa ng babae sa kwarto niya?
Nanlaki tuloy ang mga mata ko.
Sino siya?!
Nakaharap ito sa salamin ng tukador at nakatalikod sa akin. Abala siya sa pag-aayos ng sarili. Nagmimake-up ba siya?
Tapos ay tumayo siya at tsaka tiningnan ang sarili sa salamin. Makailang ulit niyang inayos ang damit na para bang pinapalantsa ito gamit ang sariling kamay. Pinagmasdan ko lang siya sa kung ano pa ang balak niyang gawin....Humanda sken ang Norman na yun! Asan na ba ang lokong yun!
Inaantay ko talagang humarap sa gawi ko ang babae para makita ko kung ano ang itsura niya...sino ba siya? At bakit siya andito?
Maya-maya'y may naramdaman akong lumapit sa tabi ko. "uy!"
"wah!" napatili ako sa gulat.
Si Norman lang pala " anong ginagawa mo at bakit ka nandiyan sumisilip-silip ka pa ha?" tanong niya.
"Bakit may babae sa kwarto mo!"
"huh?!" nagulat pa siya sa sinabi ko. Nakisilip na rin siya. "asan? Maganda ba? Seksi?"
Batukan ko nga! Nakuha pang magbiro ng loko. "wala kaya.". sabi niya at pilut pang hinahagilap ng tingin ang buong silid.
Sinilip ko ulit. At nagulat pa ako nang makita kong wala na nga yung babae! Saan dumaan? O saan nagtago? "san mo tinago?!" naiinis kong tanong.
"tinago?! ito kung magbintang....sige nga hanapin mo...pumasok ka at hanapin mo...malay mo multo lang yun" sabi niya na parang siya ang natakot sa sinabi niyang baka multo yun. Namutla siya sa sinabi niya.....hanggang ngayon halata pa ring duwag siya kahit ayaw aminin.
"hmm...sige hanapin natin mauna ka." paghahamon ko.
"hah?!....a-ayoko nga...kaw na lang kaya." haizt...duwag talaga itong isang to. Medyo natatawa na tuloy ako.
"hmmm....sige na wag na...baka nga multo lang yung nakita ko....ok lang yun mamaya naman tatabi din yun sayo....lagot ka." nakakatuwa siyang takutin...kaduwag lang. " bakit nga pala gising ka pa?" pag-iiba ko ng usapan.
"pinagtimpla kita ng gatas para kako pag gising mo may mainom ka kasi di ka nakapaghapunan" iniabot niya sken yung baso ng gatas at nagtungo kami sa sala para naupo sa sofa.

BINABASA MO ANG
MATA (completed)
Horrorin my extraordinary eyes BOOK 3 What if isang araw ay malaman mong ang matang taglay mo ay hindi pala sa'yo? Na ito'y ipinagkaloob ng isang taong hindi mo pa nakikilala? At magmula nang mapasa iyo ang mga matang iyon ay nakikita mo na mga bagay na d...