Note: Ang mga susunod na kaganapan sa kabanatang ito ay muling ipapaalala na likhang isip lamang ng sumulat. Ano man ang inyong mababasa na maaaring makapagpabago ng inyong paniniwala, na maaaring hindi ninyo matanggap o kahit pa paniwalaan ninyo ay bahagi lamang ito ng imahinasyon ng inyong Lola Shinang. May mga tagpo,usapan, mga salitang magagamit na maaring makasakit, makapagpalungkot, o taliwas sa inyong mga pinaniniwalaan ay hindi po sinasadyang makasakit o makapagpabago sa inyong pinaniniwalaan. Subalit anumang mangyari ang mga iyon ay sinadyang ilakip sa kwentong ito bilang bahagi ng istoryang magpapaikot at magpapaganda sa bawat tagpo dito. AT HINDI PO IYON BABAGUHIN NG SUMULAT, KAHIT HILINGIN PA NG SINUMAN.
Proceed.................
Episode 20
Iniwan na ako ni Ayessha. Ako na lang mag-isa. Dito sa mundong ginawa niya. Pero wala akong magawa. Wala kahit ano. Nung may katawan pa ako, wala na akong magawa ngayon pa?
Kanina pa ako palakad-lakad sa buong lugar. Hindi ako napapagod. Namanhid na ako.
Alam kong ilang minuto pa lang akong narito pero parang ilang araw na ang lumipas. Wala akong makausap, mahingan ng tulong, wala na.....wala nang natira sa akin.
Naupo ako sa tabi ng batis. Ayoko na kasing maglakad. Yun at yun lang din ang nakikita ko. Mga naglalakihang puno. Maging mga halaman, malalaki at maliliit. Mga bulaklak lahat na ng uri ng bulaklak ay narito. Mga paru-paro. Iba't ibang kulay at laki. Kahit saan ako magtungo lahat pare-pareho. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang dimensiyong ito. Oo, parang walang katapusan...walang kasing laki pero parang napakaliit dahil mga bagay na paulit-ulit. Pare-pareho ang lahat.
Nakatanaw lang ako sa tubig ng batis na di naman gumagalaw. At ewan ko kung magkakaroon ito ng pagbabago. Ipinatong ko ang baba ko sa mga tuhod ko at yumakap sa mga binti. Gusto kong umiyak pero paano.....wala naman akong katawan....paano ako luluha? Ispiritu ako...parang hangin lang. Walang kahit ano.
Ano bang gagawin ko?
May tutulong pa ba sa akin dito?
O dapat pa ba akong maghintay ng tulong mula sa iba?
Dapat ba, tanggapin ko na lang ang lahat?
Wala namang taong makakaalaala sa akin. Ni hindi nga nila malalamang nawawala ako dahil andun pa rin ang katawan ko. At hindi nila alam na hindi ako yun.
Wala na talaga akong magagawa kundi ang tanggapin na lang ang lahat.
Yun na lang.
Kahit si Norman, gaano ba niya ako kakilala? Malalaman ba niya ang pagkakaiba? Nang ako at hindi ako? Ilang buwan pa lang naman nung naging kami. Hindi ako dapat umasa....madali pa siyang maloko. Lalo na't mas makapangyarihan ngayon si Ayessha.
Dapat ba kalimutan ko na ang lahat?
Hindi na ako makapag-isip siguro kasi wala din akong utak.
Wala nang gumagana sa akin.
Mga ilang minuto din akong nagmumuni-muni nang makaramdam ako ng isang nilalang na may malakas na kapangyarihan na papalapit sa akin.
Si Ayessha kaya?!
Bumalik ba siya?
Parang ang bilis naman niya.
Habang papalapit siya lalo kong natitiyak na hindi si Ayessha ang parating. At malakas din ang kapangyarihan niya. Kalaban kaya?

BINABASA MO ANG
MATA (completed)
Horrorin my extraordinary eyes BOOK 3 What if isang araw ay malaman mong ang matang taglay mo ay hindi pala sa'yo? Na ito'y ipinagkaloob ng isang taong hindi mo pa nakikilala? At magmula nang mapasa iyo ang mga matang iyon ay nakikita mo na mga bagay na d...