Author's Note First,
Sa lahat po ng nagbabasa ng story na ito, gusto ko pong sabihin na hindi po sunod_sunod ang chapter. Hindi po kasi naging maayos ang pagpu-post nito dahil lagi nawawala ang connection sa wifi area. So please para po hindi kayo malito sa story, kayo na po sana ang mag-adjust na kapag nagbasa kayo paki click na lang po ang tamang pagkakakasunod-sunod ng chapter para po hindi kayo malito. Dito po sa chapter nagulo na ang arrangement. Sana po ay inyong maunawaan. Buti na lang may number yung bawat nakalagay na episodes. para madaling malaman. Salamat po sa inyong pang-unawa.
-Lola Shinang
Ang pangungopya ay isang krimen....mula sa paaralan ay itinuturo na ito ng mga guro.
Alam na alam na ito ng lahat.
Ikaw ba alam mo na?
Kung ganun dapat alam mong masama ang mayopya ng trabaho,talento,kwento,obra o kahit ano pang pag-aari ng iba.
Ikaw na parang wala lang sa'yo ang kunin at gamitin ang pinaghirapan ng iba....
Nasaan ang iyong konsensya?
Tanggap mo bang tawagin kang magnanakaw?
Naaatim mo bang gawin sa kapwa mo ang mga bagay na ayaw mong gawin niya sa'yo?
Makinig ka sa Lola Shinang mo....
Stealing,copying, is a plagiarism....
At kahit anong gawin mo umasenso ka man o makilala sa larangang yan....
sabi nga ni Ms. Cherry Gil sa isa niyang pelikula....
"You're nothing but a second rate trying hard copy cat"
Isang paalala ni Lola Shinang sa mga walang pusong gumagawa ng mga yan....
***************
Episode 16
Hindi pwedeng ganito na lang ako......kailangan ko din namang lumaban at alamin ang buong pagkatao ko. Ayokong basta na lang ako susunod na parang dahong tinatangay ng rumaragasang agos ng ilog at maghintay na lang kung ano ang mangyayari sa susunod pang mga araw tapos tatanggapin na lang yun na parang wala nang magawa.
Hindi pwede.
Aalamin ko ang nakaraan ko. Kung sino siya at ano ang kaugnayan niya sa buhay ko.
Hindi siya ang may hawak sa buhay ko. Hindi pwedeng burahin niya na lang ang mga alaalang meron ako at palitan niya ng mga alaalang gusto niya.
Hindi ako pwedeng maging stranghero na lang sa sarili kong pagkatao.
Mula sa ilang minuto kong pagmumuni-muni habang nakasandal ako sa puno....nagpasya na akong tumayo para bumalik sa bahay nila Norman.
At habang naglalakad ako patungo sa pintuan ng bahay nila napansin kong parang hindi ako makalapit-lapit dun.
Lakad ako ng lakad pero hindi ko talaga malapitan yung pintuan na para bang lumalayo lang ito.
Napahinto ako.
At tingnan ko yung pintuan.
Ano bang meron dun?
Maya-maya'y nakita kong unti-unting nagbubukas yung pintuan.
At nakita ko si Emilee.
Binukas niya yung pinto at tumayo lang siya dun habang nakatitig sa akin. Mga titig na para bang sinasabi niyang "Lumapit ka kung kaya mo"
BINABASA MO ANG
MATA (completed)
Horrorin my extraordinary eyes BOOK 3 What if isang araw ay malaman mong ang matang taglay mo ay hindi pala sa'yo? Na ito'y ipinagkaloob ng isang taong hindi mo pa nakikilala? At magmula nang mapasa iyo ang mga matang iyon ay nakikita mo na mga bagay na d...