Episode 18

1.3K 36 12
                                    

Author's Note First

Maraming-maraming salamat po sa lahat ng comments. Nakakatulong po talaga yun sa mabilisang pag-a-update hahaha. Sana magcomment kayo at every chapter hahaha abuso na ako.

Salamat na rin at walang naligaw na readers pero lagi pa rin sana ninyong tingnan ha baka kasi may naligaw na namang episode eh.

Medyo natagalan ako sa pag-a-update nalasing kasi ako sa mga comment eh. hahaha.

Kung may mga nagbabasa po nitong story na 'to na hindi pa nakakapagcomment sana mag-iwan ka naman kahit sampu,sampu talaga? Promise talaga nakakatulong yun sa pagsusulat. Dun nakasalalay ang magandang kinalalabasan ng story.

Salamat sa lahat ng readers ni Arah kasi andami ng reads at votes.....sobrang tuwang-tuwa talaga siya, sabi niya sa lola shinang niya...kahit daw sobrang pinapahirapan siya yung tipong gusto niyang lumaban at gumanti sa mga multo pero hindi pwede ayaw ni author,masisira daw ang plot. Punching bag lang talaga siya dito. hahaha di siya maka angal sabi daw ni direk maganda yung ganun. Matatagalan pa siya bago gumanti o kung mangyayari yun eh abangan na lang.

Salamat din po sa mga naglagay ng story na ito sa reading list nila. Sana hindi lang yan nakasave sa reading list ha? hehe. Paramdam kayo ha.

Salamat ulit sa lahat ng readers. Sana wag kayong magsawa.

Proceed.....

Episode 18

"Oh,speaking.....andiyan na pala siya!" sabi nung mama ni Emilee at dahan-dahang tumatayo na parang model at nagflip pa siya ng buhok na parang nagti-take ng commercial.

Napaatras ako. At napahinto pa. Hindi dahil sa stunning ang kagandahan niya kundi iniisip ko kung ano ang gagawin nila sa akin matapos nila akong makita.

"Mukhang natatakot siya" sabat naman ni Emilee. At tumayo na rin mula sa pagkakaupo kanina.

"Halata nga anak, nanginginig ang tuhod niya"

Nanginginig ba talaga? Halata ba talaga?

Okey....sa tingin ko kailangan ko nang umalis dito.

Tumalikod na ako sa kanila at pahakbang na sana ako ng bigla na lang naroon na ang mama ni Emilee sa lugar na tatahakin ko.

"hi.....sandali lang,wag ka muna umalis. Ganun na lang ba yun? Pagkatapos mo akong dalawin sa teritoryo ko tapos aalis ka na lang bigla? Hindi naman tama yan, isa yang kabastusan" sabi niya na hindi ko alam kung sinadya niyang lambingan ang boses niya o normal talaga niya yun.

So,akala ko isa siyang succubus. Hindi pala. Isa lang pala siyang Ex!

Bigla kong nakitang kumunot ang noo niya. Nabasa niya ba ang inisip ko kanina?

"Ginalit mo ako, wala sana ako sa mood makipag-away ngayon dahil nakikipagbonding ako sa anak ko pero, ginalit mo ako. At dahil narito ka na sa aking teritoryo hindi ko sasayangin ang pagpasyal mo dito....bibigyan kita ng isang hindi makakalimutang karanasan! Magiging bangungot mo ito!"

Nakakabasa nga siya ng isip!

Anong gagawin ko ngayon?!

Napalingon ako kay Emilee at nakasandal lang siya sa puno. Nanonood at parang nag-aantay lang ng mga susunod na kaganapan.

"Ay,kawawa...." Narinig kong sabi ni Emilee.

Uh?! Wala ba siyang balak na tulungan ako?

"Wag kang umasa na tutulong siya. Iniisip mo bang kakampi siya sayo? O gusto mo, siya ang makaharap mo? Ah!, pagbibigyan kita."

Binasa niya ulit ang laman ng isip ko.

MATA (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon