Episode 7

1.7K 37 13
                                    

Dinala ako ni Norman sa sala at pinaupo sa sofa. Kinuha niya yung medicine kit at pinahiran ng betadine yung mga gasgas ko. Medyo nakatulala pa rin ako habang ginagamot niya, hindi ko maisip kung pa'no nangyari ang mga iyon nang wala man lang nakakarinig. At pilit ko ding inaalam kung ano ba talaga ang nais ng multong iyon at bakit siya nang gagambala. Naisip ko rin, sila ba o ako ang talagang pakay ng multong yun? Sa dami ng iniisip ko, napapikit ako at napabuntong-hininga.

"Ano ba ang ginagawa mo sa likod at bakit ka ba nadapa?" tanong ni Norman pero hindi siya sa akin nakatingin kundi sa gasgas ko sa kaliwang siko na pinapahiran niya ng betadine. Sa tono ng boses niya ay parang gusto niyang magalit sa akin pero hindi niya magawa dahil na rin siguro sa may mga kasama kami. Nakiramdam din naman ako kay Nanay Lourdes na nagtitimpla ng juice at si Emilee, nagsisimula nang kumain.

"Nakita ko kasi yung duyan na nakatali sa puno ng mangga." simple kong tugon.

"so, naisip mong sumakay?" napatingin na si Norman sa mga mata ko.

"Sana........kaya lang, may nakasakay na." sagot ko, pero yung tono ng boses ko ay ipinararating ko sa kanyang hindi tao yung nakita ko. Naningkit yung mga mata niya na parang nagtatanong pa at humihingi pa ilang sagot na tila kukumpirma na pareho kami ng iniisip.

"Isang bata.............pero hindi siya, buhay" medyo pinutol ko yung sinabi ko at idinugtong ko yung huli ng mahina na halos pabulong " MULTO" mas lumalim pa yung titig niya sa akin at nawala sa isip niyang ginagamot ako. Napadiin kasi yung pagpahid niya ng bulak sa gasgas ko.

"Aray!" kinuha ko yung bulak sa kamay niya at ako na ang nagtuloy ng ginagawa niya.

"Namamalikmata ka lang" sagot niya sa mahinang boses, halos kami na lang dalawa ang nakakarinig ng usapan namin.

"siguro, nakita niya yung multong madalas manggulo dito" sabat ni Emilee habang kumakain. Nagkatinginan kami ni Norman nang marinig yun. Pareho kaming nagulat sa dalawang dahilan. Una, nadinig ni Emilee ang usapan namin kahit pa halos pabulong  na ito at ikalawa, nakikita niya rin yung multong nakikita ko. Nang makita ko ang ekspresyon ng mga mata ni Norman, parang ngayon niya lang iyon narinig sa anak niya.

Naging tahimik kaming lahat, marahil nag-iisip si Norman kung paanong kakausapin ang anak. Maging ako, nag-isip din. Katulad ko rin siyang may taglay na third eye? Sa ngayon, tila nakumpirma ko na ang isa sa aking mga katanungan..........pareho nga kami. sinuyapan ko rin ng bahagya si Nanay Lourdes para malaman ko kung ano ang naging reaksyon niya gayong siya itong laging kasama ng bata. Natabig niya ng bahagya yung pitsel ng juice at may konting natapon sa lamesa. Hindi kaya may alam siya?

Tumayo si Norman at nilapitan ang anak. Kasunod nun ay ang mga yabag na aking narinig na nagmula sa pintuan. Sa aking narinig galing ito sa labas ng bahay at lumalakad papasok sa loob. Pinakinggan ko itong mabuti na para bang binibilang ko ang mga hakbang niya. Pinakikiramdaman ko rin kung anong klaseng nilalang siya. At tulad ng dati, hindi ko rin maramdaman ang isang ito, wala akong makuhang clue maliban na lang sa naririnig ko na siya ngayon. siya rin kaya yung babae o yung bata?

Mukhang nagli-level-up na ata yung kakayahan ko ah! Naririnig ko na sila ngayon. Nung narating na niya ang kalahatian ng sala ay biglang nawala yung mga yabag na tila huminto siya sa paglakad. Nilawakan ko pa yung pakiramdam ko para mahanap ko siya pero bigo ako. Nasaan na siya? Saan siya nagpunta? Narito pa ba siya o umalis na? Ang ikinaiinis ko, yung mga bagay na gusto kong malaman ay parang ipinagkakait sa akin pero yung mga bagay na ayokong maranasan yun yung ipinagkakaloob.

Napatingin ako sa mag-ama na kasalukuyang nag-uusap. "Anak, ano nga ulit yung sinabi mo?" mahinahong tanong ni Norman.

"Ah.....wala po, w-wala po yun, nagbibiro lang po ako, kasi po sa itsura po ni Tita Arah para siyang nakakita ng multo naisip ko lang po na takutin siya" tugon ni Emilee. Napansin ko yung pagyuko niya,inisip ko na baka natatakot siya na mapagalitan ng ama. Pero nabigla ako nung lumingon siya na para bang may tiningnan malapit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nung nakita kong sa mismong pinaghintuan ng mga yabag nakatuon ang kanyang paningin na tila may kung ano siyang nakikita sa lugar na iyon. Sinisog ko rin ng tingin ang lugar na pinagmamasdan niya na halos katapat ko. At tapos ay ibinaling kong muli  ang aking paningin sa kanya at nakita ko ang kanyang pamumutla na parang takot na takot sa dumating.

MATA (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon