"Dahil sa hindi ko inaasahang may talino ka rin pala at nagawa mo akong pahirapan ng konti.....ako naman ngayon. At sa pagkakataong ito, hindi kita hahayaang saktan pa ulit ako! PALULUHAIN KITA NG DUGO!!!..BWISIT KA!!!..." galit na galit niyang sigaw. Pero hindi man lang ako matinag. Ni hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Ang nasa isip ko ngayon, gusto kong makita ang kapangyarihang taglay ng matang yun!
Dumilim ang langit, ang langit na kanina'y nagliliwanag dahil sa bituin ay biglang dumilim.? Pati ang buong paligid ay dumilim din. Dilim na kahit sariling anino'y hindi mababakas. Maya-maya'y biglang gumuhit ang matalim na kidlat at tumama sa mismong likuran ni Ayessha. Hindi man lang siya natinag nung sandaling nagkaroon ng liwanag sa paligid dulot ng kidlat. Parang yung kidlat ay siya ang nagmamay-ari. Pagkatpos nun ay isang kidlat pa ang kanyang pinakawalan at bago pa ito tuluyang tumarak sa lupa ay agad niya itong nasalo. Kitang-kita ko ng aking mga mata ang paghawak niya sa kidlat na hindi man lang siya nasasaktan. Hinawakan niya yun at tila kinukuha ang liwanag nito. Naging isang makapangyarihang sandata yun sa kanyang kamay.
Nakatayo ako at mangha-mangha sa kanyang ipinapamalas. Yung kapangyarihang yun......taglay pa ba yun talaga ng isang tulad niya? o tulad ko? Parang hindi na totoo.
Habang nakatitig ako sa kanya, hindi ko namalayang nasa tapat ko na pala siya. At yung sandatang dala niya ay nakatutok na sa akin. Hindi naman yan totoo......
Hindi ko alam pero bigla ko na lang naisip yun. "Parang hindi totoo yan.......nililinlang mo ba ako?"
Bigla siyang napahinto. At tumingin sa akin. Narinig niya ba ako? Kahit sa isip ko lang yun?
Pakiramdam ko kasi, kahit nasa kanya yung mga mata ko, hindi niya alam gamitin yung kapangyarihan nun. Parang may nakikita akong iba. Nakikita ko kung ano ang nakikita ng tunay kong mga mata.
"Nakakamangha. Pero ilusyon." sabi ko. "Ang lahat, ilusyon lang. Walang kwenta." napangisi ako. "kaya pala hindi ako nasisindak ay dahil sa ilusyon lang lahat ng ginagawa mo." dugtong ko pa.
Nakita ko ang galit sa aura niya. Hindi mapantayang galit.
"Lahat na lang ng sa akin ay inagaw mo. Yung pamilyang kay tagal kong hinintay, binuo, pinangarap, at sinubaybayan ko kinuha mo ng walang kahirap-hirap! Ang galing mo rin di ba? Kahit wala kang ginagawa nakakasakit ka! Kahit di ka lumalaban, malakas ka pa rin, kahit binubulag ka, nakakakita ka pa rin! At kahit isumpa at itapon, paulit-ulit kang bumabalik. BAKIT DI KA NA LANG NANATILI SA DIMENSYONG PARA HINDI KA NAHIHIRAPAN NGAYON? AT WALA KANG NASASAKTAN!!!".. nakita ko ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha niya. Yung sakit na nararamdaman niya, naiintindihan ko naman yun.
"Pero Ayessha, hindi ka na dapat nandito sa mundo! Dapat umalis ka na lang. Dahil sa simula pa lang, ikaw na ang nagbibigay ng sakit sa sarili mo at sa pamilya mo. Nararamdaman mo ba ang nararamdaman nila? Kung paano silang nasasaktan kapag nakikita kang nagdurusa? Si Emilee, tinanong mo ba siya kung masaya ba siya sa ginagawa mo?" naalala ko ang pag-iyak ni Emilee para sa mama niya.
"Wala kang alam! KAYA WAG KANG MAGMARUNONG! HINDI MO ALAM KUNG ANO ANG TUNAY NA NAGPAPASAKIT SA KANILA." humarap siya sa akin. Hawak parin ang espadang gawa sa kidlat. Nanginginig ang mga kamay niya. "Ako lang ang kailangan nila Arah......ako lang." biglang napalitan ng boses na nagsusumamo ang boses niyang kanina'y nanunumbat. "Kaya please......hayaan mo na ako.....gusto ko silang makasama.....parang awa mo na...." dahan-dahan niyang inilalapit ang hawak niya sa akin. Hindi ko man lang magawang umatras. Parang gusto ko ng hayaan siyang gawin ang gusto niya. Para lang matapos na ang lahat.
Pero parang alam ko ang hawak niya. Parang pamilyar sa akin yung espadang yun. Hindi man yun yung totoo, alam kong nagamit ko na yun dati ng hindi lang isang beses. Pero hindi yun panlaban. Basta......alam ko yun. At hindi yun pwedeng hawakan ng iba. Kapag hinawakan yun ng may mahinang kapangyarihan tuluyan siyang mabubura sa mundo kaya alam kong ilusyon lang yung ipinapakita niya ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/11463552-288-k501090.jpg)
BINABASA MO ANG
MATA (completed)
Horrorin my extraordinary eyes BOOK 3 What if isang araw ay malaman mong ang matang taglay mo ay hindi pala sa'yo? Na ito'y ipinagkaloob ng isang taong hindi mo pa nakikilala? At magmula nang mapasa iyo ang mga matang iyon ay nakikita mo na mga bagay na d...