Salamat naman at nakarating na kami sa Batangas.
Pagkahinto ni Norman ng Owner sa tapat ng isang bahay, ay lalong tumindi ang kabog ng dibdib ko.
Hindi ko alam kung dahil saan ito.
Isang bata lang naman ang aking makikilala at syempre yung nanay niya.
Pero bakit kaya mas kabado akong makilala yung anak niya?
Ganito nga siguro yung pakiramdam kapag yung mahal mo e may isang taong mahalaga sa kanya. Pakiramdam ko kasi kapag na-reject ako ni Emilee magkakaproblema kaming dalawa.
Syempre anak niya yun. Alam kong mas matimbang ang dugo sa tubig.
Kung magkakaproblema man, Natitiyak kong ako ang dapat mag-mag adjust sa mga ganoong sitwasyon.
Pero sana ay wala.
Pero lalong kumakabog yung dibdib ko.
Para kasing may something sa lugar nila na hindi ko maipaliwanag.
O baka naman napapraning lang ako dahil sa medyo malayo din yung byahe namin at sa kaba ko.
Huminga ako ng malalim para medyo mapakalma ko ang sarili ko.
"Nay! Emilee!" nagsimula nang tumawag si Norman.
At imbis na mapakalma ko ang sarili ko'y lalo pa akong kinabahan parang lalabas na sa dibdib ko yung puso ko.
Yung paa ko, parang ayaw humakbang.
Biglang hinawakan ni Norman yung kamay ko. At nagulat ako. Napatingin ako sa kanya na parang nakakita ng multo.
"Oh, ang lamig ng kamay mo ah! ano ka ba, ayos lang yan. Mababait sila at hindi ka magkakaproblema, trust me." sabi nya habang nakangiti sken.
Tumango lang ako. Hindi na ako makapagsalita.
Tiningnan ko yung bahay nila. At nakaramdam ako na para bang kung anong merong enerhiyang meron ang bahay na iyon. At dahil sa hindi naman ako isang ordinaryong tao, nakikita ko ang hindi nakikita ng isang normal.
Ang bahay nila, may kakaibang aura na bumabalot dito. Pero hindi ito kulay itim para katakutan. Ang totoo para itong puting usok na kung makikita mo'y maaakit kang pumasok sa loob. Parang gugustuhin mong pumasok at hindi ka na lalabas pa.
" Andiyan ka na pala." bigla kong narinig ang ibang boses mula sa bandang kanan ko. Napatulala pala ako kanina. Hindi ko na nakita ang pagdating ng nanay niya.
"Nay," nagmano si Norman sa nanay niya. " Si Arah nga po pala" pakilala niya sa akin.
"Hello po." at nagmano na rin ako.
"Ah siya ba yung sinasabi mo?" ngumiti lang ako sa nanay niya habang nagsasalita siyang nakatitig sa akin. " o siya, pumasok na kayo at nang makapaghapunan na tayo."
"Si Emilee po?" tanong ni Norman.
"Ah nasa loob lang siya malamang naglalaro yun"
"Naglalaro? Nang mag-isa?" nagtatakang tanong ni Norman.
"Bakit ano namang masama sa paglalaro ng mag-isa?" tanong ko naman. Ako din kasi nung bata pa ako naglalaro din ako ng mag-isa. Iwas away din kasi.
"Ewan ko ba dun sa batang yun. Hindi naman yun ganun dati e. Bigla na lang ayaw nang makipaglaro sa mga kaibigan niya. Ayaw din nang nakikipag-usap sa ibang mga bata. Ang gusto niya kausap ay yung mga mas may edad sa kanya. Sa mga bata daw kasi wala siyang matututunan." sagot ng nanay niya.
Kinalabit ko si Norman para tanungin. " di ba Six years old pa lang si Emilee?"
"OO." simpleng sagot niya na para bang hindi niya alam kung bakit biglang nagbago yung anak niya. Siguro may kasalanan din siya dun, hindi kasi siya masyadong nakakauwi kaya ganun. Nawalan na siya ng panahon para sa anak niya. At lalo akong nag-alala baka kasi hindi pa niya matanggap yung tungkol sa aming dalawa. "Wag mo yun alalahanin, kakausapin ko siya mamaya. Tara na sa loob."

BINABASA MO ANG
MATA (completed)
Horrorin my extraordinary eyes BOOK 3 What if isang araw ay malaman mong ang matang taglay mo ay hindi pala sa'yo? Na ito'y ipinagkaloob ng isang taong hindi mo pa nakikilala? At magmula nang mapasa iyo ang mga matang iyon ay nakikita mo na mga bagay na d...