Episode 5

1.7K 44 12
                                        

Pagkaligo ko dumiretso na ako sa kwarto ko. Wala naman akong makakausap sa sala,nasa loob na ng kwarto yung mag-ama tapos si nanay Lourdes maaga pala siyang natutulog.  Naupo ako sa kama at kinuha ko yung suklay sa bag ko. Kinuha ko din yung salamin kong maliit. Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin habang sinusuklay ko yung buhok ko. At nakita ko na naman yung mata ko. Parang nahihiwagaan na ako sa mata ko, dati kasi ay hindi ko ito napapansin pero ngayon sa tuwing tumitingin ako sa salamin parang naaakit akong lagi itong tingnan, at habang tumatagal ay lalo ko pang gusto itong titigan.

Ako lang ba ang nakakaramdam nito?

Si Norman kaya? Pareho kaya kami ng nararamdaman? Ano kaya ang masasabi niya sa mata ko?

Ayoko sa mata mo. Ayoko ko! Ayoko! Ayoko! Alisin mo na ang pagtingin mo sa salamin!

May sumasagi na namang boses sa isip ko!

Alisin mo na sabi!

Alisin mo!

Wag kang tumingin sa salamin!

Palakas ng palakas yung boses niya, at pagali nang pagalit siya.

Sino ka ba?!

Magpakita ka sa akin! Hindi ako natatakot sa'yo! MAGPAKITA KA!

Sinagot ko siya sa pamamagitan ng isip ko.

AYOKO SA'YO!...................................................

Matinis niyang pagkakasigaw na nagpasakit ng tenga ko na para bang naririnig ko siya. Nabasag yung din yung salamin na hawak ko pero hindi ko alam kung anong dahilan kung sa pagsigaw ba niya o sa galit?!

Maya-maya'y nagpatay sindi ang ilaw sa kisame. Nanatili lang akong nakaupo sa kama. At kahit na medyo natatakot ako'y naghihintay ako sa mga susunod pa niyang gagawin.

Biglang gumalaw yung kamang inuupuan ko. Tila ba inalog talaga ito. Napabalikwas ako upang pumunta sa gitna ng kama para hindi ako mahulog. At habang tumatagal ay lalo pa itong lumalakas. "Sino ka ba! Magpakita ka sa akin! Hindi ako natatakot sa'yo! Wag kang duwag! Harapin mo ako!" sigaw ko habang nakakapit ako ng mahigpit sa kutson ng kama na wala pa ring humpay sa paggalaw habang hawak pa rin yung suklay at salamin sa tig-isa kong kamay..

Nabitawan ko yung suklay at salamin sa aking kamay nung biglang bumunggo yung kama sa pader na na dingding ng kwarto na siyang nagpahinto sa paggalaw nito. Nahulog yung salamin sa lapag at tuluyang nabasag ito, nagkahiwa-hiwalay yung mga bubog. At ilang sandali'y lumutang ang mga iyon sa hangin at nung bahagyang umangat na kapantay ko ang taas ay huminto ito.

Nanlaki yung mga mata ko dahil sa parang alam ko na kung anong susunod na mangyayari. At tama ako! Balak na isabog sa akin nung nilalang na ito yung mga bubog, buti na lang mabilis kong naitakip ang sapin ng kama sa sarili ko. Buti kahit papaano sa mga ganitong sitwasyon ay gumagana pa rin ang common sense ko kahit sa gitna ng mga ganitong pangyayari.

AH!!!!!!!.................................................................

Matinis at malakas na sigaw ang pumuno sa kwarto na tila ba nagalit ko siya dahil sa ginawa kong pagsangga sa balak niya. Napadapa ako sa kama at tinakpan ko yung mga tainga ko gamit yung sapin ng kama. At  narinig kong nabasag yung bombilya sa tindi ng impact. Madilim na ang paligid nung iniangat ko yung ulo ko. Pinipilit kong aninagin kung sino itong gumagambala sken.

Siya din kaya yung babaeng nakita ko kanina?

Bigla ko tuloy naisip, bakit puro babae itong nanggugulo sken? Hindi ba pwedeng lalaki naman?

MATA (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon