( The whole episode of this story is all about Arah's POV)
Nasa Manila na ako ngayon. Iniwan ko na ang trabaho ko. At nagsisimula na akong mag-aplay sa iba. Ayoko na rin namang manatili pa sa probinsya sa kabila ng mga nangyari sa akin doon. At blessing in disguise din na inilipat si Norman dito sa Manila sa kanilang main branch. Kaya hindi kami in a long distance relationship. Matagal nga lang kaming magkita dahil sa busy siya sa trabaho. Mas masipag na siya ngayon di tulad ng dati. Hahahaha dati kasi sinasamahan niya ng tambay. Pero ngyon work kung work. Gaano kaya katagal bago siya mapromote hahaha. O baka naman, nagpapasikat at nagpapapogi lang siya sa akin?
May itsura naman siya! At lahat naman ng tao ay may itsura. Magkakaiba nga lang. Pero syempre dahil inlove ako sa kanya., masasabi kong gwapo siya.
The beauty is in the eye of the beholder nga di ba?
Pwede na rin sigurong sabihing,
Beauty is in the eye of inlove!
Katatapos ko lang maligo at nakaharap ako ngayon sa salamin na isinabit ko sa pader ng inuupahan kong apartment matapos kong bilhin. At talagang maganda itong may kalakihan kong salamin na kita ang aking hafl-body. Sabi kasi nila pag pipili daw ng salamin kailangan daw yung maganda ang reflection mo. Pero pa'no ko malalaman kung maganda na talaga ako? Hahaha ang kapal nang mukha ko. Sino pa ba ang pupuri sken kundi ako? Hihintayin ko pa bang sabihin sken ni Norman yun?
Baka pag itanong ko isagot sken, "Natanong mo na ba ang nanay mo?" may pagkaloko din kasing sumagot ang gwapong yun e. GWAPO TALGA?
Habang sinisuklay ko ang may kahabaan kong buhok, abot likod, hindi abot harap. Hahaha. Basta lagpas balikat. Nakatuon ang mga mata ko sa sarli kong mga mata. Yung reflection sa salamin ang tinutukoy ko. Matagal ko nang alam na maganda ang mga mata ko. Kulay skyblue. At matagal ko na itong pinagtatakhan. Kasi naman, morena ako. Pero may ganung kulay ako ng mata?
Dati, tinanong ko na ang nanay ko tungkol dito. Ang sabi niya; " ayaw mo ba? Ipatanggal mo. Ikaw na nga itong binigyan namin ng tatay mo ng ganyan kagandang mata tapos aayawan mo pa? alam mo bang pinapangarap yan ng lahat ng Pilipino! dapat masaya ka at mang-inggit. Kahit yung mga kapatid mo ay naghihinanakit sa amin ng tatay mo dahil ikaw lang daw ang binigyan namin ng ganyang mata." ang totoo, hindi rin nila maipaliwanag ito.
"Kung ayaw mo, makipagpalit ka sa kapatid mo, gustong-gusto niya yan." pahabol pa ni nanay.
At kahit sobrang nagtataka ako. Thankful na rin ako. Ang ganda kaya. Kakaiba siguro ito. Sabagay! Totoong kakaiba nga! Nakakakita ako ng multo e. At kung anu-ano pa! Kaya talagang kakaiba.
Napansin ko rin ang sarili kong kanina pa pala ako nakaupo at nakikipag eye to eye sa sarili ko sa harap ng salamin. Na para bang ayoko nang alisin ang mata ko sa pagtitig sa sarili kong mga mata. Bigla akong nakaramdam na parang kakaiba talaga ito. Parang nakikipag-usap ito sa akin. Naisip ko tuloy, mata ko ba o yung salamin ang may problema?
Brand new kaya yung salamin at hindi antique. Kaya walang kasamang may-ari nung binili ko ito. Baka talagang nangungusap lang ang mga mata ko at kahit ako'y nadadaya nito. Kailangan ko sigurong umiwas ng kaunti sa mga salamin. Hahahaha. Kasi naman, mata ko lang ang maganda.
Biglang tumunog yung cellphone ko. Pangalan ni Norman ang nasa screen. Tumatawag siya.
"Hello? Daming load ah!" bungad ko.
"Naka-unli lang kaw naman. Paexpire na nga e."
"So pag pala paexpire na tsaka ka lang tatawag? Kanino mo naman ginamit yung unli mo?" medyo patampo kong tanong at kunwari selos konti.
BINABASA MO ANG
MATA (completed)
Horrorin my extraordinary eyes BOOK 3 What if isang araw ay malaman mong ang matang taglay mo ay hindi pala sa'yo? Na ito'y ipinagkaloob ng isang taong hindi mo pa nakikilala? At magmula nang mapasa iyo ang mga matang iyon ay nakikita mo na mga bagay na d...