Chapter 4

2.6K 129 12
                                    

"Bebe boy?!" Nagtatakang tanong ni Caleb sa aming dalawa.

"Oo, Caleb siya yung kinukwento ko sayo" cool na sagot ni Seb kay Caleb.

Me right now......

"Kuya? Siya rin yung kinukwento ko!!" medyo naiinis na sabi ni Caleb kay Seb.

"Sayang naman kung ganoon, pero sige dahil ikaw ang bunso sayo na siya." para bang wala ako sa harapan nila habang nag-uusap.

Tapos may binulong si Seb kay Caleb na nagsanhi nang pamumula ng mukha ni Caleb.

"Wait lang ano ba kasing yung pinagkwentuhan ninyo, pasensya na hindi ko kasi gets" sumingit na ko sa usapan.

"Ahmm tara sa taas na muna tayo, sa room ko na lang sasabihin." sabay akyat na ni Caleb papuntang 2nd floor.

"Sige na Alex akyat ka na doon, mahirap pa naman galitin yon, nangangagat. Haahahaha" sabay kindat sa akin ni Seb.

Minsan masasapak ko na tong si Seb parang baliw.

Pag-akyat ko nakaabang na si Caleb sa akin. At sabay na kaming pumunta sa room niya.

Shit! ang ganda naman ng room niya ang daming posters ni Cyclops yung sa X-Men. Mayroon din siyang collectible figures na hindi manlang tinanggal sa karton. Tapos yung bedsheets, cyclops din yung design. 

"Ang ganda naman ng room mo, malinis, tapos ang astig pa ng theme, Cyclops." naaamaze talaga ako sa mga ganitong bagay.

"Hehehe fan kasi ako ni Cyclops since bata pa ako." sabay kamot niya sa batok niya na parang nahihiya.

"Siguro ang mahal ng action figure na yan" sabay turo ko sa cyclops na nasa ibabaw ng study table niya.

"Sa totoo lang, yan kasi ang kauna-unahang action figure ni Cyclops na pinag-ipunan ko talaga, kaya may pagkamahal nga yan."sabi ni Caleb sa akin.

"Ano nga pala yung sasabihin mo sa akin?" bigla kong naalala yung nangyari kanina sa baba.

"Ahmm siguro nagtataka ka kanina kung bakit parang pinagkekwentuhan ka namin. Ganito kasi yon, nakwento ko kay kuya Seb na may ka chat ako nung time na nasa library tayo. Ka-chat ko din kasi siya habang nagchachat tayo. Sinabi ko sa kanya na mukha ka naman friendly, sinabi niya lang na mag-ingat ako sa mga ganyang chat-chat kasi maraming mangloloko daw" mahabang explanation niya.

"Ibig sabihin eh alam na niya ngayon na gay ako?" shit paano na yan, kasama ko pa naman siya sa dorm.

"Siguro kanina oo, pasensya ka na talaga kasi pinapabasa ko pa sa kanya yung mga chat natin. Close kasi talaga kami ni kuya Seb. Pero wag kang mag-aalala marunong yun magtago ng secret kaya safe ka naman." paninigurado sa akin ni Caleb.

Napapikit na lang talaga ako sa nangyayari, tama ako, dapat talaga humindi na ko sa sleep over/ friendly date na yan. Kaya pala iba yung hatak ng kama ko kanina, tila alam niya na magaganap to.

"Mukha namang hindi madaldal si Seb, kaya ok lang. Pero ano pa ba yung napagkwentuhan niyo about sa akin" No choice, panghahawakan ko na lang na hindi nga kakalat yung secret ko sa dalawang magkapatid na to.

"Nakwento ko rin sa kanya na nalaman ko na yung classmate ko at yung chatmate ko ay iisa lang. Medyo naamaze nga siya kasi napaka extra-ordinary daw ng scenario" sinasabi niya habang naghahanap ng kung ano sa cabinet niya.

"So yun lang?"

"Sinabi ko rin sa kanya na gusto talaga kitang maging kaibigan." parang nagpause saglit yung utak ko sa sinabi niya.

Kaibigan?!! Wala pala akong mapapala sa ginagawa naming ito. Akala ko pa naman naaattract na  siya sa akin. Feeler lang pala talaga ako.

"Kaibigan lang?" bulong ko.

The Hopeless Romantic IdiotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon