Chapter 9

2.7K 122 19
                                    

Natawag ako sa kalagitnaan ng recitation, may pinasagot sa akin si sir about sa trigonometric function.

Kaya pumunta ako sa harap at sinolve yung problem na binigay sa akin. Luckily, nagbunga yung pag-advance reading ko kahapon.

After kong masagot, nagtawag ulit si sir, kaya bumalik na ko sa upuan ko.

"Nice, nakakaproud naman ang baby ko, ang talino" pabulong na sabi ni Caleb.

"Prepared lang" sagot ko sa kanya habang nakasmirk.

Halos hilahin ko na ang oras para lang maglunch break na.

(12:00 noon)

Hay salamat, kakain na rin. Inaayos ko na ang mga gamit ko nang bigla akong akbayan ni Caleb.

"Dalian mo na dyan, bibili pa tayo ng lunch natin"

"Wait lang"

Tapislog ang akin at Chicken Curry naman ang kanya.

Pagkatapos naming kumain sa cafeteria, niyaya niya kong pumunta sa school park..

"Tara! Doon tayo sa likod ng garden na yon" turo ni Caleb sa pwesto.

Buti pa dito sa likod ng garden, napaka peaceful. Wala nga yatang student na napapadpad dito, kasi halos lahat nasa library, syempre may aircon at internet.

"Paano mo nalaman itong spot na to?" Tanong ko kay Caleb.

"Naglilibot kasi ako minsan kapag may sobrang time, tapos napansin kong relaxing dito. Kaya ito, gusto kong i-share sa iyo"

"Oo, malamig saka fresh yung hangin. Parang ang sarap magpicnic dito."

"Yeah you're right. By the way, this is our first day na magboyfriend tayo diba."

"Yes, bakit?"

"Gusto ko sanang lumabas tayo mamaya para i-celebrate yung relationship na nabuo natin. Kahit simpleng celebration lang"

"Sige game ako. Pero may sasabihin din pala ako"

"Ano yon?" curious niyang tanong sa akin.

"Eto kasi yung first time kong pumasok sa isang relationship."

"Really? Don't worry baby, ako magaguide sa relationship natin. I want you to be happy. And I am also glad na ako yung napili mo, dahil wala ka namang choice"

Hinawakan niya ang kamay ko, kaya napatingin ako sa kanya. Binigyan niya lang ako ng ngiti, na nagsasabing magiging ok ang lahat.

Nagkulitan, natawanan at kung anu-ano pang kabaliwan ang ginawa namin doon sa likod ng garden.

Bigla siyang tumayo at may kinuhang something sa garden.

Pagbalik niya, may pinakita siyang bulaklak. Hindi ko alam kung anong tawag doon pero na-appreciate ko yung ginawa niya.

"Oh eto para sayo baby" sabay abot sa akin ng bulaklak.

"Ang cheesy mo naman Caleb. Hahaha parang hindi bagay."

"Loko kang bata ka ah."

Tatakbo na sana ako pabalik nang mahatak niya ang mga braso ko.

Bigla niya kong hinalikan sa lips. Hindi ko itatanggi na natuwa at nasarapan ako. Para bang drugs, nakakaadik.

"Sa susunod baby na rin tawag mo sa akin. Yun na magiging endearment natin, ok?"

Halos umakyat lahat ng dugo ko patungong pisngi. Hindi ako nakapagsalita sa pagkakataon na iyon.

The Hopeless Romantic IdiotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon