(🔝Photo of Sebastian Evangelista🔝)
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa alarm ng cellphone ko.
Agad akong naligo, nagtoothbrush at kumain ng breakfast. I'm on my way papuntang review center ng itext ko yung dalawa, si Jake at Mika.
(Text)
Alex: Guys otw na ko. Saan na kayo?
Mika: Otw na rin me.
Jake: Kararating ko lang dito. Bilisan niyo naman, wala akong kilala dito.
Sumakay ako ng tricycle para makapunta doon sa review center. More or less 15 mins yung binyahe ko at pagkababa ko ng tricycle ay nakita ko na yung dalawa.
"As always late ka na naman, naturingang malapit lang yung bahay siya pa yung late." angal sa akin ni Mika.
"Maaga lang kayo, hindi pa nga nagsstart yung session." depensa ko sa kanya.
" O siya tara na sa taas, para makahanap tayo ng magandang pwesto." yaya sa amin ni Jake.
Sa totoo lang hindi ko akalaing sa ganito kami mauuwi ni Jake, what I mean is hindi ko akalaing magiging best buddies kami nito, based on our pasts with Caleb.
Humingi naman siya sa akin ng apology sa mga ginawa niyang mali sa akin, especially doon sa kissing part. Inexplain niya sa akin na kinonfirm niya lang kung may feelings pa siya kay Caleb noong araw na yon kaya nagawa niyang halikan si Caleb. Bilang mabait na tao ay tinanggap ko yung apology niya at kinalimutan na ang lahat lahat.
Kaya muling naging tatlo member yung group namin. But this time, no more drama.
"Ok future engineers, good morning, I'm Engr. Andrada and I will be your coach during your stay here in the institute. God Bless to everyone and remain focus, ok?" pagbati sa amin ng magiging coach namin dito sa review center.
Buti na lang at nakahanap kaming tatlo ng seats na magkakatabi dahil marami pala talaga kaming kasabay dito na galing sa iba't ibang school.
The first 4 hours ng review namin ay parang refreshment lang ng mga math subjects namin. Sa 4 hours na yon ay natackle na namin agad yung isang subject, which is the Plane and Spherical Trigonometry.
Hindi namin ineexpect na in just 4 hours ay matatapos namin yung subject na yon. Sabagay review na lang naman ito.
"Guys saan kayo kakain?" tanong ko sa dalawa.
"Sa Jollibee na lang Alex, parang nagkecrave ako bigla sa garlic pepper beef." sabi ni Jake.
"Ano Mika? Game?" sabay lingon ko kay Mika.
"Sige para medyo makatipid tipid na rin." sang-ayon naman niya.
Pareparehas kami ng inorder, pero hindi ako nag-enjoy sa garlic pepper beef na yon. Hindi talaga ako fan ng beef, dapat pala nagchicken joy na lang ako.
After naming kumain ay nagstay muna kami dahil mga busog pa ang mga tummy ng kasama ko.
(Cellphone ringing)
Shit! Nakalimutan ko nga palang ngayon ako niyayaya ni Seb na gumala.
"Guys wait lang, sagutin ko lang to." paalam ko sa dalawa at lumabas ng store.
(Voice call)
Seb: Alex nasaan ka?
Alex: Ah kakatapos lang namin kumain nila Mika at Jake ng lunch, nasaan ka na ba?
Seb: Sige wait na lang kita dito sa Robinson's text mo na lang ako kung nasa mall ka na. Maglilibot libot lang ako.
Alex: Pasensya ka na talaga, nakaligtaan kong may gala nga pala tayo ngayon. Sige paalis na naman na kami.
BINABASA MO ANG
The Hopeless Romantic Idiot
General FictionLove, Drama, Bully, Secrets, Sex..... I'm Alex Monterozo, your typical guy, ahmm to be more specific, gay guy. Naghahanap ng love sa mundong punong puno ng kasinungalingan at pagpapanggap. Dapat ko bang hanapin ang love or hintayin na lang? Wha...