Tumambay ako sa library habang hinihintay kong matapos yung exam nila sa trigo.
Nakiconnect sa wifi ng library at nagopen ng fb.
Habang nagsesurf eh may nakishare sa akin ng table.
Nilingon ko ngayon kung sino yung student. Parang familiar yung face niya eh, wait sino nga to.
Aha! Siya yung babaeng nakita ko sa harap ng bahay nila Caleb. Kung hindi ako nagkakamali ay Cassidy yung name niya
Nahuli niya kong nakatingin sa kanya kaya naman bumalik ako ng tingin sa cellphone ko.
"Ahmm sorry may kasama ka ba? Sorry kung basta na lang ako umupo ah." Pagpapaumanhin niya.
"Ok lang, wala naman akong kasama."
"Thanks, magrereview kasi ako para sa subject ko mamaya."
"Ahh, by the way I'm Alex."
"You can call me Cassidy or Cass, your choice."
"Cass na lang para maiksi."
"Hahaha ok"
"Ahm sige alis na ko, malapit na kasing magbell eh may exam din ako sa susunod kong subject." Pagpapaalam ko sa kanya.
"Sige nice meeting you pala."
Tumango na lang ako bilang sagot ko sa kanya.
Malapit na ko sa room ng makita ko si Caleb parang may tinatawagan sa phone.
Lalapitan ko sana siya pero nakita kong kinausap niya si Jake.
Hindi ko naman marinig yung pinag uusapan nila kaya hinintay ko na lang sila matapos.
Nung umalis na si Jake eh saka ko nilapitan si Caleb.
"So?" Pambungad sa akin Caleb.
"Caleb alam mo naman sigurong hindi ko gagawin yon diba?"
"Oo, pero bakit kaparehas ng sulat mo?" Nagdadalawang isip siya sa akin.
"Hindi ko rin alam promise. Ganito kasi yon, patapos na ko sa exam ng may bumato sa akin ng papel sa likod ko."
"Eh bakit mo naman kasi pinulot? Alam mo namang mahigpit si sir sa mga rules niya diba."
"Akala ko kasi kung ano, nacurious talaga ako. Hindi ko naman akalaing trap yon para mahuli ako ni sir."
"Ok, ok, naniniwala naman ako sayo. Ang kaso lang eh paano yan zero ka talaga sa exam." Sabi niya sa akin.
"Bahala na babawi na lang siguro ako sa midterm. Kahit anong tanggi ko naman na hindi akin yon eh sa tingin ko mahina ang laban ko. Wala naman kasi tayong cctv sa loob ng classroom para makita yung nangyari kanina." Malungkot kong sabi sa kanya.
"Wag ka ng malungkot please, hayaan mo at hahanapin ko kung sino man yang siraulo na yon. Sasapakin ko talaga yon sa mukha."
Naalala ko yung nakita kong usapan nila kanina ni Jake so tinanong ko siya kung ano yung pinag usapan nilang dalawa.
"Ahh tinatanong niya lang kung ok ka, nagaalala daw siya sayo."
Tumango na lang ako bilang pagsang ayon.
"Tara na nga sa loob baka dumating na si sir."
Naging maayos naman yung exam ko sa psychology, more on terms kasi yon kaya kailangan mong tandaan yung mga nakasulat sa book at ok ka na.
(Bell ringing)
"Ok class pass your papers in front. And then you may go." Ang sabi ni sir sa klase.
BINABASA MO ANG
The Hopeless Romantic Idiot
Ficción GeneralLove, Drama, Bully, Secrets, Sex..... I'm Alex Monterozo, your typical guy, ahmm to be more specific, gay guy. Naghahanap ng love sa mundong punong puno ng kasinungalingan at pagpapanggap. Dapat ko bang hanapin ang love or hintayin na lang? Wha...