Chapter 20

1.9K 93 76
                                    

"Hmm nevermind na Mika, baka na misplaced ko lang. Sorry talaga kung naging accusing ako kanina." paghingi ng paumanhin ni Caleb kay Mika.

"Ok lang yun Caleb, don't feel bad na ok?" sabi naman ni Mika.

"Guys tara na, wag na nating pag-usapan pa to ok?" sabi ko sa kanila.

Mukhang kilala ko kung sino yung nagset-up kay Mika. Malaki ang chance na si Jake ang may kagagawan nitong kabalbalan na to.

Hindi naman sa nambibintang ako ng walang proof, pero naisip ko na malaki yung chances na siya yung taong nagbato sa akin ng kodigo dahil the night before the exam day eh sinendan ko siya ng mga notes ko. And I think malakas na proof na yon para isiping siya nga yung nanabotahe sa akin. 

But for now all I need is to observe muna yung behavior niya ayoko siyang iconfront ng walang real and true evidence. 

Habang nasa loob kami ng kotse ni Caleb ay hindi ko maiwasang mailang dahil sa nangyari kanina. Magkatabi kami ngayon ni Caleb sa harap at magkatabi naman yung dalawa sa likod. 

Wala sa loob ng kotse ang gustong magsalita, kaya napagpasiyahan kong magpatugtog na lang. Nakaconnect yung phone ko sa speaker ni Caleb at pumili ng song.

Napili ko yung Greedy ni Ariana Grande, nagkatinginan kaming dalawa ni Caleb at kita ko kung paano niya pigilan yung tawa niya.

Ang cute niya talaga, kaso naiisip ko yung ginawa niyang kasalanan sa akin. 

Si Mika yung una naming hinatid sa sakayan pauwi sa kanila.

"Mika ingat ka ah, tsaka pakisagutan na lang yung mga ibang questions kapag sinipag ka hahahaha." pagpapaalam ko sa kanya.

"Wag ganon Alex, sige na kita kits na lang bukas sa school." paalam sa akin ni Mika.

So kaming tatlo na lang ni Caleb at Jake ang naiwan sa loob ng kotse.

Mas lalo kong naramdaman yung awkwardness ng magkasalubong kami ng tingin ni Jake, nang silipin ko siya sa mirror.

Bakas sa mukha niya yung inis, tila ba kating kati na siyang bumaba sa kotse.

Ang tigas din naman pala ng mukha nito, siya pa ang may ganang magalit. 

Maya maya pa ay bumaba na din si Jake.

"Caleb una na ko ah." paalam niya lang kay Caleb.

"Sige ingat ka pre." sagot naman nitong si Caleb.

Kaya ngayon ay dalawa na lang kami ni Caleb sa kotse. Hindi ko siya kinikibo kaya hindi niya rin ako kinikibo. Siguro nararamdaman niya ring wala ako sa mood makipag-usap sa kanya.

Nasa tapat na kami ng dorm pero hindi pa rin ako bumababa. I think this is the right time para iconfront si Caleb about what happened yesterday.

"Caleb may tanong lang ako, and all I want from you is honesty." seryosong sabi ko sa kanya.

"Hmm sige ano ba yun? Bakit parang ang serious mo naman?" pa-cool niyang sabi sa akin.

"Nagkiss ba kayo ni Jake kahapon sa pool?" tinitignan ko siya sa mata habang tinatanong ko siya.

"Ah ehh..." hindi siya makasagot sa tanong ko.

"Please kung mahal mo talaga ako at pinapahalagahan mo yung feelings ko sagutin mo ko?!" medyo tumaas na yung boses ko.

"Ok, Yes, nagkiss kami ni Jake sa pool kahapon. Nung time na umalis kayo ni Mika para gumamit ng c.r. Pero let me explain first ok? Hindi ko sinasadya yung nangyari, hindi ko ginustong magkiss kami ni Jake."

The Hopeless Romantic IdiotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon