(🔝Photo of Caleb Evangelista🔝)
(Voice call)
Mama: Anak bukas na yung flight mo, nakapag-ayos ka na ba ng mga gamit mo?
Alex: Yung mga damit ko po naayos ko na kaso hindi ko pa alam kung kanino ko po ibibigay tong mga mga ibang gamit sa bahay.
Mama: Edi bigay mo kela Mika at Jake, para naman may makinabang pa niyan. Pero kung hindi rin naman nila gusto eh iwan mo na lang dyan, baka magamit pa ng susunod na magrerent ng room mo.
Alex: Sige Ma, text ko muna yung dalawa. Papuntahin ko po sila dito.
Mama: Sige anak, mag-ingat at magpray palagi.
Alex: Opo Ma.
(Call ended)
Tinext ko ngayon yung dalawa na pumunta dito sa dorm.
"Alex, nagugutom na ko. Kain naman tayo sa labas." Sabi ni Luke.
Nagprisinta kasi siya na tumulong sa pagliligpit ko ng mga gamit ko. Ayaw ko nga sana dahil kaya ko naman mag-isa to pero mapilit siya, kaya pinagbigyan ko na.
"Wag na, magluluto na lang ako kasi pinapapunta ko sila Mika at Jake dito. Baka may magustuhan pa sila sa mga gamit ko. Sayang naman kasi, yung iba jan once ko lang nagamit." Sabi ko kay Luke.
"Eh ano naman ba lulutuin mo?" Tanong niya.
"Wait tignan ko sa ref kung anong pwede nating maluto dito." Sabi ko kay Luke, sabay bukas ng ref.
May chicken pa naman, so I think mas convenient kung adobo na lang lulutuin ko.
"Kumakain ka ba ng chicken adobo?" Baka kasi mamaya hindi pala siya nag-uulam non.
"Oo naman, actually one of my favorites nga yon eh."
"Edi sige, chicken adobo na lang ulam natin."
Binabad ko muna yung chicken sa maligamgam na tubig dahil medyo nagyeyelo na. At habang binababad ko yung chicken ay hiniwa ko na yung onion, garlic, siling labuyo at yung potato.
Mamaya pa ay sinimulan ko ng magluto. Yung style ng pagluluto ko sa adobo ay yung tipong hindi masabaw. Gusto ko kasi yung medyo oily na maanghang. Mas naaappreciate ko yung adobo kapag ganon yung pagkakaluto.
"Hmm amoy palang ulam na." Sabi ni Luke habang nanonood ng t.v.
"Sorry ah." Panloloko ko kay Luke.
At nakita ko siyang napalingon sa akin.
"Wow, conceited much?"
"Well, medyo totoo naman yon right?" Sabi ko.
"Oo na, ikaw na mabango yung leeg." Pagsurrender sa akin ni Luke.
"Hahahha, ikaw kasi kulang na lang magpalit na yung mukha mo at saka yung leeg ko."
"Sige asarin mo pa ko at kakagatin ko yang leeg mo." Sabi ni Luke.
Tumakbo ako ngayon sa kama para i-wrestle si Luke.
Hinawakan ko ngayon yung kamay niya at itinaas yon, habang ako ay nakaupo sa tummy niya.
"Ikaw naman hindi ka mabiro, hmmm kahit kailan ka talaga pikunin ka." Sabi ko.
"Eh ikaw ba may favorite part ka sa katawan ko?"
"Hmmmmmmmmmmmmmmm"
"Ano ba yan ang tagal, sige ganyanan ah." Para talagang bata.
"Wait lang kasi, marami kasi akong choices kaya nahihirapan ako makapili ng isa."
BINABASA MO ANG
The Hopeless Romantic Idiot
Fiksi UmumLove, Drama, Bully, Secrets, Sex..... I'm Alex Monterozo, your typical guy, ahmm to be more specific, gay guy. Naghahanap ng love sa mundong punong puno ng kasinungalingan at pagpapanggap. Dapat ko bang hanapin ang love or hintayin na lang? Wha...