(🔝 Photo of Hanna Lopez🔝)
"Anak! Namiss kita ng sobra!" Sabi ni Mama at hinug ako.
"Kumusta naman ang flight?" Tanong naman ni Papa at niyakap din ako.
"Ok lang Pa, medyo boring lang kasi naman 19 hours akong nakaupo lang. Nood lang ng tv, magbasa ng magazine at kung ano ano pang mga bagay ang ginawa ko para lang hindi ako mabored." Sabi ko.
"Hahah ganon din kami ng Mama ko, kaso lang nag-uusap naman kami kaya hindi rin namin namalayan yung oras." Si Papa.
"Tara anak, nagready na rin ako ng lunch natin." Si Mama.
"Sakto gutom na rin po ako."
Aaminin ko, medyo naninibago ako sa paligid ko. Habang nakasakay kami sa cab ay hindi ko maiiwasang isipin yung mga bestfriends ko, siyempre pati na rin si Luke.
Ilang minutes lang ay nakarating na agad kami sa bahay na tinitirhan nila Mama. Medyo may kalakihan siya at may 2nd floor.
Para siyang isang villa, may mga kapit-bahay kami na may ilang meters lang yung layo. At may kanya kanya kaming space para sa garden.
"Ok ba yung bahay anak?" Tanong sa akin ni Mama.
"Maganda naman Ma, hindi kaya medyo malaki siya para sa ating tatlo?"
"Anak mababa lang naman yung monthly namin dyan. Tsaka in 5 years magiging sa atin din yan." Sabi ni Papa.
Pagpasok namin ay medyo namangha ako. Kumpleto na kasi sila dito ng gamit. Tapos malawak siya, at sakto yung pagkakalagay ng mga appliance.
Nang matapos na kaming maglunch ay saka tinuro sa akin ni Mama yung magiging room ko.
Pagpasok ko ay nakita ko namang malinis na siya. Kumpleto rin sa gamit pero plain pa rin yung room ko. Maybe binigay na nila sa akin yung chance kung papaano ko idedesign itong room ko.
2pm na dito kaya hindi ko matawagan si Luke dahil 2am pa lang doon.
Inayos ko muna yung mga gamit ko at saka bumaba para makapagbonding kela Papa.
Nakita ko silang nakaupo sa couch at nanonood ng filipino channel.
"Oh anak hindi ka ba napagod sa flight mo? Pahinga ka muna." Suggestion sa akin ni Papa.
"Pa alam mo naman na excited akong makapunta dito kaya siguro itong katawang lupa ko eh hindi pa rin nakakaramdam ng pagod." Sabi ko sa kanila.
"Hahaha sabagay, gusto mo ba mamasyal sa mall or park?" Tanong ni Mama.
"Sa mall na lang Ma. Titingin din kasi ako ng mga damit. Hindi ko kasi dinala na lahat ng damit ko."
At yun na nga, nagmall kami. Paglabas pa lang namin sa bahay ay may mga nakasalubong kami na kapit-bahay namin.
Mga Americano, akala ko snob sila pero hindi pala totoo yung napapanood ko sa movie. Dahil panay bati sila kela Mama at Papa. Syempre nakiki-hi at hello na rin ako.
BINABASA MO ANG
The Hopeless Romantic Idiot
General FictionLove, Drama, Bully, Secrets, Sex..... I'm Alex Monterozo, your typical guy, ahmm to be more specific, gay guy. Naghahanap ng love sa mundong punong puno ng kasinungalingan at pagpapanggap. Dapat ko bang hanapin ang love or hintayin na lang? Wha...