Hindi kaya..... may sakit siyang tinatago sa akin?
Agad kong kinuha yung cellphone ko para tawagan siya at tanungin kung tama nga ba ang hinala ko.
Inabot din ako ng 20 mins kakatawag kay Caleb, pero wala pa rin siyang sinasagot sa mga tawag ko.
Kaya napagpasyahan kong tumuloy sa kanila para malaman kung may dinadala nga siyang problema.
Nang nasa tapat na ako ng bahay nila ay pinress ko yung doorbell. Maya maya pa eh lumabas si manang para malaman kung sino nga yung nagdoorbell.
"Ohh Alex gabi na ah, pasok ka muna." Sabi sa akin ni manang.
"Ahmm napadaan lang po kasi ako para kumustahin si Caleb. Sinabi niya po kasi sa akin kanina na masama daw po yung pakiramdam niya kaya hindi siya nakapasok."
"Masama pala pakiramdam ni sir Caleb? Hindi ko naman napansing matamlay siya. Kasi panay labas pasok siya dito sa bahay simula kanina pa." Nalilitong pahayag ni manang sa akin.
Kung totoo nga yung sinabi sa akin ni manang, so hindi nga ko naghahallucinate kanina, si Caleb nga yung nakita ko.
"Manang nandyan po ba siya?"
"Wala pa nga eh, sa katunayan niyan simula kaninang tanghali eh di pa rin siya bumabalik. Pwede bang pakihanap naman yung batang yon. Nag aalala na kamo kami dito sa bahay."
"Ok po manang, pauuwiin ko po agad siya pagnakita ko. Salamat po." Paalam ko kay manang.
"Sige anak mag-ingat ka sa daan."
"Opo, bye po"
Dali dali akong sumakay ng jeep papunta sa dorm.
At dahil nga hindi ko macontact si Caleb eh magpapatulong ako kay Seb.
Nang makapasok ako sa gate ng dorm namin ay dali dali akong umakyat para kausapin si Seb.
Hindi ko mabuksan yung pinto dahil nakalock. Kakatok na sana ako ng maalala kong may susi nga pala ako hahaha.
Pagpasok ko ay nagulat ako. Nakita ko yung magkapatid na nag iinuman.
"Fvck Caleb nandito ka lang pala. Akala ko ba masama pakiramdam mo? Tawag ako ng tawag sayo pero hindi mo naman sinasagot." Nakakainis siya, hindi ba niya manlang naisip na sa dami ng missed calls ko sa kanya eh sign yon na nag aalala ako sa kalagayan niya.
Tapos eto madadatnan ko, nakikipag inuman lang pala. Akala ko pa naman may problema siya sa health dahil nga nakita ko siyang papalabas ng ospital.
"Bakit parang galit ka?! Masama nga yung pakiramdam ko kanina pero magaling na ko." Tumaas na din yung boses niya.
"Eh tarantado ka pala eh, nagmamalasakit lang ako sayo Caleb! Kasi sinabi mo sa akin kaninang umaga na masama yung pakiramdam mo, kaya hindi ka makakapasok. Tapos nung pauwi ako galing ng mall, nakita kitang papalabas ng ospital. Nagmamadali ka pa nga, kaya inassume ko na masama nga talaga yung pakiramdam mo dahil kelangan mo pa talagang magpacheck up." Napipikon na ko sa kanya.
"Nakita mo ko sa ospital?" Mahinahon niyang tanong.
"Oo, kitang kita ng mga mata ko. Kaya tinawagan kita para alamin kung ano bang nangyayari na sayo. Dahil hindi kita macontact, pumunta pa ko sa bahay niyo. At doon ko nalaman na wala ka naman palang sakit dahil sabi sakin ni manang, labas pasok ka pa sa bahay niyo."
"So ang kinagagalit mo eh nakita mo kong umiinom?" Simpleng tanong ni Caleb.
"Hindi mo ba ma gets? Nagaalala ako sayo, kami nila manang. Akala namin kung napano ka na." Lalabas na sana ako sa kwarto namin, nababadtrip na ko sa kamanhidan niya. Kaso napigilan niya ko dahil hinawakan niya ng mahigpit yung braso ko.
BINABASA MO ANG
The Hopeless Romantic Idiot
General FictionLove, Drama, Bully, Secrets, Sex..... I'm Alex Monterozo, your typical guy, ahmm to be more specific, gay guy. Naghahanap ng love sa mundong punong puno ng kasinungalingan at pagpapanggap. Dapat ko bang hanapin ang love or hintayin na lang? Wha...