Book II: Chapter 3

2K 109 24
                                    

    (🔝Photo of Alex (in serious mode)🔝)



Hindi naging madali para sa aming tatlo nila Jake at Mika ang mga nakaraang buwan dahil sa dibdibang magpapahanda namin sa nalalapit na board exam.

Noong August ay nagpaalam ako kay Sir Luke na magkiquit na ko sa job, narealize ko na dapat focus ako 100% kung gusto ko talaga makapasa sa board. At dahil mabait naman si Sir Luke ay pinayagan niya kong magquit, pero hindi niya raw papayagan na pati yung friendship namin ay matapos na rin. 

Sa katunayan nga ay panay punta siya sa dorm ko everytime na matatapos yung office hours. Lagi yang may dalang meryenda para sa akin, minsan nga nahihiya na ko dahil araw araw nga siyang nageeffort para lang puntahan ako. 

Sa ilang buwan kong pagkakakilala sa kanya ay hindi ko maiiwasang magkacrush sa kanya, edukado, mabait, maalaga, malakas yung sex appeal, palabiro, at marami pang iba. Hindi ko maiiwasang hindi magkagusto sa kanya dahil siya yung laging nasa tabi ko, kahit na minsan ay pinagtatabuyan ko na siya. 

Kung pagbibigyan lang ng tadhana ay malamang nanaisin ko ng maging boyfriend si Luke, hindi naman nagkakalayo yung edad namin, 21 ako, samantalang siya ay 24. 

Pero medyo alangan lang ako sa family niya, kilala kasi yung mga Tomas sa politics dahil ang father ni Luke ay isang Mayor sa Cavite.

Anyways siguro saka ko na lang poproblemahin tong puso ko after ng board exam, ngayon focus muna para maging licensed engineer na ako at makatulong kela mama at papa sa pagtatrabaho.

"Alex! Nakatulala ka na naman jan, ano bang oorderin mo?" sabi sa akin ni Jake.

Nakalimutan kong nandito nga pala kami sa Wendy's, after kasi naming magsimbang tatlo ay napagtripan namin pumunta sa Rob Manila para maglunch. Pinagdesisyunan namin na itong last 2 weeks na to ay dapat kalma na lang kami, itreat yung sarili namin at wag masyadong mag-isip tungkol sa board exam.

"Sige yung fried chicken bundle na lang para marami rami yung makain natin, nakakagutom na rin." sabi ko.

"Game ako, sagot ko na yung macaroni side salad, basta si Alex yung kukuha." sabi naman ni Mika.

Hahaha baliw talaga tong si Mika, dati kasi tinry namin yung macaroni side salad nila, isang plate lang, one -way serve kaya dapat galingan mo na yung pagkuha ng mga gusto mong sahog sa salad.

Noong time na yon ay ako yung kumuha, bilib na bilib yung dalawa dahil halos talunin ko daw yung ibang nag-order sa pataasan ng nakuhang salad sa plate. Ang hindi nila alam ay lagi kami dito nila mama at papa dati kapag umuuwi sila dito sa pinas. Kaya nakakuha na rin ako ng right technique.

"Guys ibigay natin yung best natin, at gawing inspiration yung parents natin na nagpaaral sa atin ng limang taon sa pagtake ng board exam. Tsaka tiwala lang sa sarili at kay God, tutal ginawa na natin yung best natin kaya bahala na si God sa atin." pagpapalakas ng loob sa amin ni Mika.

"Tama, kapit lang." si Jake.

"Yup! " sabi ko.

Dumaan na nga yung 2 weeks at ito na yung araw na magtetake kami ng board exam nila Mika at Jake. Isang malaking buntong hininga yung pinakawalan ko para pantanggal nerbyos. 

Gaya ng dati kong daily routine, ligo at toothbrush at bihis na agad. Tinext ko naman yung dalawa na umalis na silang bahay nila baka malate pa sila. 

(Text)

Alex: Guys gising na, this is the day na pinakahihintay natin, God Bless sa ating lahat.

Mika: Ikaw na lang wala dito.

Jake: Dalian mo, 5 mins na lang magsstart na yung exam.

How funny na ako pa pala yung malelate, medyo natagalan kasi ako sa c.r., nagmuni muni pa ako.

The Hopeless Romantic IdiotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon