Book II: Chapter 9

1.9K 92 51
                                    

       (🔝Photo of Caleb Evangelista🔝)

"Ahmm ehhh." Hindi matuloy tuloy na sabi ni Caleb.

"Ano? Wag mong sabihin na hanggang dito eh inabutan ka ng kalibugan?" Sabi ko.

"Hmm hmm" pag amin ni Caleb.

Nahihiyang pag-amin ni Caleb sa akin. Napailing na lang ako sa ginawang kalokohan nitong boss ko.

Isipin niyo, first day ko pa lang to. Tapos ito na agad yung bumungad sa akin.

Nag-ayos na kaagad siya ng pants niya at belt.

"Sorry Alex kung nakita mo pa yung kalokohan ko." Si Caleb.

"No problem, pero sana next time pumunta ka man lang ng c.r. kung inabutan ka ng init ng katawan. What if hindi ako yung nakakita sayo, yung mga ibang worker dito." Pagpapaalala ko na lang sa manyak na to.

Parehas naman naming ginagawa yung bagay na yon. Pero king ina naman niya bakit kailangan ako pa makakita ng milagrong yon.

Bigla ko tuloy naalala yung itsura ng 'ano' niya. May mga bagay pala talaga na hindi nagbabago, hahahhahaha.

"Anong ngini-ngiti mo dyan?" Tanong sa akin ni Caleb.

"Wala!"

After ng nangyaring yoon ay pinabayaan na niya kong magbasa basa ng kung ano anong magazine, habang siya naman ay busy na nakaharap sa computer niya.

Nakakabored din pala yung wala kang ginagawa sa office.

Maya maya pa ay narinig ko yung bell. Mukhang yun ang hudyat na lunch break na, dahil nakita ko siyang nag-unat unat na. At nakita ko rin yung ibang employers na lumabas sa kani-kanilang office.

"Tara Alex, kain na tayo ng lunch." Yaya sa akin ni Caleb.

"Hmmm may alam ka bang hindi pricey, alam mo na kakaumpisa ko pa lang eh." Sabi ko.

"Don't worry Alex, treat kita ng lunch. Isipin mo na lang na pang welcome ko to sayo dito sa company ko." Sabi niya.

Hindi na rin ako tumanggi, alam ko namang ii-insist niya pa rin na treat niya ko sa lunch.

Habang nasa elevator kami at pababa.

"Ano bang gusto mong kainin?" Tanong niya.

"Ahmm ok ako kahit ano. Basta ba wag pork. "

"Hmmm ang cute lang, hanggang ngayon pa rin pala eh hindi ka mahilig sa pork." Hindi ko mawari kung compliment ba yon or what.

"Oo eh, hanggang ngayon kasi naiimagine ko pa rin na karne ng tao yung karne ng baboy. Kahit na hindi naman ako nakakain ng karne ng tao."

"Hindi ka pa ba nakakakain ng karne ng tao?" Tanong niya sa akin habang nakasmirk.

Napaisip ako sa tanong niya. Mga ilang seconds din ang lumipas bago ko nakuha yung meaning ng sinabi niya.

"Fvck you ka Caleb. Kahit kailan ka talaga." Sabi ko na lang.

Tawang-tawa naman yung isa habang ako ay hiyang hiya sa sinabi niya.

Buti na lang talaga at nag-open na yung elevator. Baka masapak ko na siya sa mga jokes niyang pangmanyak.

Nakailang minutes din kami ng byahe bago namin narating ang isang restaurant.

Nakita kong isa siyang chicken wings resto.

Pagkaupo namin ay agad akong namili sa menu.

"Kahit anong gusto mo iorder mo lang." Sabi ni Caleb.

The Hopeless Romantic IdiotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon