Chapter 6

2.5K 132 9
                                    

After naming magbike, nagpahinga muna kami sa backyard nila. Sakto, may duyan doon sa ilalim ng puno.

Nakahiga ako sa duyan at nakatitig sa kawalan nang bigla niya kong tanungin.

"Alex nagkaroon ka na ba ng boyfriend?" Curious na tanong ni Caleb.

"Wala" simpleng sagot ko.

"Never bang pumasok sa isip mo na magkaboyfriend?" Tanong na naman ni Caleb.

"Meron naman, siguro, ewan ko hindi ko rin sure. Ayaw ko naman pilitin baka hindi naman magwork, umasa lang ako." Sagot ko sa tanong niya.

"Pero sa tingin ko mayroon na kong nagugustuhan. Kaso ayaw ko nga lang malaman niya baka hindi niya ko matanggap." Pahabol ko.

"Ang swerte naman ng nagustuhan mo, mabait ka, mapagmahal sa magulang, pogi ka naman at higit sa lahat funny. Hahahha"

"Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ko sa sinabi mo hahaha." Sabi ko kay Caleb.

"Kidding aside, totoo yong mga sinabi ko." Seryoso niyang sabi sa akin.

"Edi salamat. Pero maiba naman tayo, ikaw ba nagkaboyfriend/ girlfriend na? Kasi sa pagkakatanda ko, bisexual ka kamo." Binalik ko naman sa kanya ang tanong.

"Sa totoo lang nakarami na rin ako. Marami na rin akong pinaiyak na babae at pinaasang lalaki. Pero ngayon ko lang narealize na mali pala talaga yung ginawa ko sa kanila." Pagkoconfess sa akin ni Caleb.

"Eh bakit mo ba kasi ginawa yun? Ano yon trip mo lang?" Medyo naasar ako sa kanya kasi naging player pala siya noon.

"Hindi kasi ako naniniwala sa happy ending, sa love, kaya nga hindi ako nanood kanina diba. Dahil alam kong happy ending yon." Depensa sa akin ni Caleb.

"Eh ano naman ang nakain mo at narealize mo na mali pala ang ginawa mo sa past?" curious kong tanong.

"May nagugustuhan ako ngayon. Feeling ko nga mahal ko na siya. Kaso hindi ko lang masabi sa kanya kasi natatakot ako na mabigla siya sa sitwasyon at tanggihan niya ko."

"Eh bakit ka naman tatanggihan non,  nasa iyo na ang lahat. Mabait ka naman, mayaman, pogi ka naman, ideal boyfriend ka nga eh." Sabi ko sa kanya.

"Talaga ideal boyfriend ako?" Natutuwa niyang sabi.

"Oo nga, bakit ba ayaw mong maniwala?" Tanong ko kay Caleb.

"Ah wala naman. Natuwa lang ako na may taong nakaka-appreciate sa akin." Nakasmile niyang sabi.

"Eh siyempre best friends right?" Palusot ko sa kanya.

Nako baka maisip niyang gusto ko siya. It's a big no no. Mahirap ng mareject.

Ang swerte nga lang ng nagugustuhan ngayon ni Caleb, sana ako na lang yon.

Ano kayang meron sa taong yon at mukhang napa-ibig niya si Caleb.

"Right" bakit parang malungkot siya nung sinabi niya yon. Binalewala ko na lang dahil ayaw kong mag-assume.

6:00 pm na pala at hindi namin namalayan na gabi na, napasarap yata ang kwentuhan namin.

Madami akong nalaman sa kanya like swimmer pala siya, at mahilig siya sa mga maaahang na pagkain.

Shinare ko din sa kanya kung bakit nagdodorm lang ako. Sinabi ko na sa abroad nagtatrabaho ang parents ko, dahil mas maraming opportunity doon. Sinabi ko din sa kanya na hindi ako swimmer kasi niyaya niya ko na magswimming sa pool nila.

"Sir Caleb, pasok na daw po kayo at kakain na." Sabi nung kasambahay nila.

"Sige po manang salamat." Sabi niya.

The Hopeless Romantic IdiotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon