Chapter 16

1.8K 94 31
                                    

Maagang umalis si Caleb dahil nakalimutan niya palang magdala ng uniform.

Bandang 5:30 am siya nagpaalam sa akin.

Hindi na rin ako nakatulog dahil alanganin na rin yung oras. Kaya nag init na lang ako ng tubig para pang coffee namin dito.

At dahil may laman na yung ref, magluluto na rin ako ng breakfast namin ni Seb.

"Hmmm mukhang masarap yan ah?"

Napatalon ako sa gulat ng magsalita sa likod ko si Seb.

"Oh bakit ang aga mo yatang nagising, umuwi na pala si Caleb, nakalimutan niya daw magdala ng uniform."

"Ah ganon ba?"

Tumango na lang ako bilang pagsang ayon.

"Ah nga pala, yung pinang grocery ko pala,wag ka ng magbayad sa akin. Sagot ko na muna tong week na to." Sabi sa akin Seb.

"Ay oo nga pala nakalimutan kong mag-abot."

"Ok lang talaga, may extra money pa naman ako kaya don't worry." Cool niyang sabi sa akin.

"Ok, salamat. Ako na lang din muna chef dito this week. Nakakahiya naman kasi sayo kung ikaw pa magluluto."

"Ang kulit mo talaga, tsk tsk tsk. Ikaw, kung yan yung gusto mo." Sabay gulo niya sa buhok ko.

Medyo nakalibre ako doon ah. Hahaha thanks kay Seb at mukhang may pang date pa kami ni Caleb.

Habang nagluluto ako eh naalala ko yung naganap kaninang madaling araw. Dapat ko ba siyang tanungin? Kaso baka mas lalong maging awkward dito sa bahay.

Eh kung hindi ko naman siya kokomprontahin ay hindi ko rin malalaman kung bakit niya ko hinalikan.

Natapos na din akong magluto, 6am na rin yon kaya medyo binilisan ko na yung kilos ko. Ayaw ko pa namang nalelate, mahirap na baka mapag initan pa ko ni sir.

"Seb may tanong pala ako." Tanong ko kay Seb habang kumakain kami.

"Hmmm ano yon?"

"Nagising ka ba kaninang madaling araw? Bandang alas kwatro." Dahan dahan kong tanong sa kanya.

"Hmmm hindi yata, bakit? Nagsleepwalk ba ko?" Pa inosente niyang tanong sa akin.

Jusko Seb kung totoo man yang sinasabi mo ngayon eh hindi sleepwalk yung ginagawa mo kanina.

Sleepwalking with kissing pa. Hayup, paano na to? Sasabihin ko pa ba sa kanya yung nangyari?

"Akala ko kasi gising ka, naalimpungatan kasi ako tapos napansin kitang pabalik sa higaan mo."

"Hmmm sige na maligo ka na, baka malate ka pa eh masisi mo pa ko dahil kinwentuhan pa kita."

"Ay shit! Sige na, pwedeng ikaw na muna yung magligpit ng pinagkainan natin? Sorry talaga." Pakiusap ko kay Seb.

"Sige sige kaya ko na to."

Pagpasok ko sa banyo, binuksan ko agad yung shower then nagshampoo. Medyo madalian nga yung ligo ko para umabot ako sa school on time.

After kong maligo ay nagtoothbrush ako then nagbihis ng uniform.

"Seb alis na ko ah."

"Sige ingat Alex."

Habang nasa sakayan ng jeep, panay tingin ako sa relo ko.

Kung minamalas ka nga naman. 10 mins na lang bago magstart yung class ng 1st subject namin.

After 5mins ay nakasakay na ko. Halos tawagin ko na lahat ng santo makaabot lang ako sa 1st subject ko on time.

Siguro masamang bata ako kaya hindi nila pinagbigyan yung hiling ko. Dahil itong si manong eh malaprusisyon yung andar ng jeep niya.

The Hopeless Romantic IdiotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon