Book II: The end

2.4K 107 42
                                    

         (🔝Photo of Anton Evangelista🔝)

"Love gising na, 8am na oh" sabi ng boses na naririnig ko.

"Hmmm mamaya na, inaantok pa ko." Sabi ko.

"Sige ka magagalit si Tonton sayo." Sabi ni Caleb sa akin.

Napabalikwas agad ako ng marinig ko yung pangalan na yon.

Madaling madali tuloy akong nagligo at nagbihis.

At pagdating ko sa kitchen ay nakita ko namang nakaprepare na yung breakfast namin.

"Dada, akala ko hindi mo na naman ako ihahatid sa school." Sabi sa akin ng cute na cute na bata sa harap ko.

"Baby napuyat lang kasi si Dada kagabi kaya medyo nalate ako ng gising." Sabay kiss ko sa chubby cheeks niya.

"Tonton po Dada, 4 years old na ko kaya hindi na ko baby." Sabi niya habang nakasimangot.

Hindi ko na naman napigilan yung sarili ko na kurutin siya sa pisngi. Kung ganito ba naman yung bubungad tuwing umaga ay willing na kong magising ng maaga.

Habang nasa hapag na kami ni Caleb at Tonton ay hindi ko maiwasang matuwa sa nakikita at nararamdaman ko.

Akalain mo yon after all this time kami rin pala magkakatuluyan nitong si Caleb.

Napakablessed ko dahil nakabuo kami ng happy family ni Caleb.

Sa totoo niyan balak na naming sundan si Tonton dahil apat taon na rin siya.

At saka naghahanap na rin siya ng baby brother. Yun ay kung brother nga yung magiging kapatid niya.

Sa tingin ko naman familiar na kayo sa surrogate pregnancy. 

Si Tonton ang bunga ng  spermcells ni Caleb.

Hindi na naman naging issue sa akin kung sino ang magiging biological father sa aming dalawa. Dahil at first pinag-usapan na namin yon.

Kaya kung idedescribe ko si Tonton using 2 words, it's Baby Caleb.

"Dada, I'm going to school na." Kalabit sa akin ni Tonton.

"Love, dalian mo naman kumain. Anong kras na oh." Pucha pinagtulungan na naman nila ako.

"Sige na baby, una ka na doon sa car." Sabi ko kay Tonton.

"Bye daddy." Sabi ni Tonton kay Caleb.

"Hmmm mag-aral mabuti ah. Ayaw ko nang maulit na mapatawag ako dahil sa pagiging madaldal ok?" Pagpapaalala ni Caleb kay Tonton.

Nakakatuwa lang dahil ang taas ng expectation namin kay Tonton, kesyo sana maging honor student siya and something like that.

Pero ang kabaligtaran pala yung kinalabasan. Saksakan ng kulit yung baby namin.

Kaya noong napabring parent si Tonton ay si Caleb yung pinapunta ko.

Paano ba naman kasi, mahilig daw kasing maglipat ng upuan at saka dadaldalin yung classmate niya. Tapos kapag may activity pa madalas daw hindi nakakatapos ng gawain si Tonton.

Pero siguro ganoon talaga, bata pa eh.

"Opo daddy, promise, hindi na po mauulit." At niyakap niya ang daddy niya.

"Sige na at baka malate ka pa." Sabi ni Caleb kay Tonton.

Sakto namang natapos na kong magkape ay papunta na ako sa car para ihatid si Tonton.

"Love, mag-ingat kayo sa daan." Sabay kiss niya sa akin sa noo.

"Hmmm sige na love, alis na kami. Yung uniform mo pala ok na. Magtrabahong mabuti, at saka wag na wag kang  mangchichicks. Kundi puputulin ko talaga yan." Pambabata ko.

The Hopeless Romantic IdiotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon