Holy crap! Ito na nga ba yung kinatatakutan ko sa lahat. Ang malaman ng ibang tao na gay ako. What if kumalat to sa buong uni, what if pandirihan nila ako o kaya bastusin?
"Hey! I'm asking you!" Bakit beast mode si Caleb. Homophobe ba siya?
"Pre alam mo..." hindi ko natuloy kasi tong Caleb na to sumingit agad.
"Don't pre me, oo or hindi lang ang dami pang sinasabi"
"Oo gay ako, bakit may problema ka ba? Kusa na kong lalayo kung ayaw mong malapitan ng baklang gaya ko" medyo kinakabahan pa rin ako sa moment na to. Sa totoo lang nang ba-bluff na lang ako dito.
"Wait, may isa pa kong tanong" medyo mahinahon na siya ng sinabi niya yan.
"Sige, ano yon?"
"Alex ikaw ba talaga si diirtybaby_09?" Paninigurado niya.
Bigla naman akong nahiya sa username ko.
Pero ok lang mukhang nabasa na din naman niya yung buong chat."Ahmm oo. Pero napulot ko lang yang username na yan kasi wala akong maisip na iba." shit naman, sana magbell na nang makaalis na ko dito.
"Nice to meet you, I'm jack_collins nga pala"nakangiti niyang sabi.
And I was like......
Siya ba talaga si jack_collins, yung kachat ko. Pero bakit siya naasar kanina ng malaman niyang ako yung ka chat niya?
"Hindi ako naniniwala baka kasi nakita mo lang yung name niya kasi binasa mo yung nasa chat ko." Hindi naman ako tanga na magpapaloko sa kanya. I need evidence.
"Here, basahin mo" sabay abot niya ng phone.
OMG! Siya nga si jack_collins! Sa totoo lang hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
"So, naniniwala ka na? Sorry pala kanina kung medyo nag-outburst ako" nagsorry din naman kaagad si Caleb.
"Siguro iniisip mong ilalaglag kita? Huwag kang mag-alala, hindi ako ganoong tao at dapat alam mo yon kasi sinabi ko rin sa chat natin na hindi ako out as gay. Gaya mo, takot din akong mahusgahan ng ibang tao."
"Sorry talaga pre, kasi alam mo naman na ayaw ko ring may makaalam na bisexual ako. Ikaw pa lang ang nakakaalam." Sincere naman niyang sabi sa akin.
"Ok lang, so quits? Edi hindi na tayo magkikita bukas, kasi masyado kang excited" nagbiro na ko para naman maalis na yung awkwardness sa aming dalawa.
"You know what? Bakit hindi natin ituloy yung pagkikita natin, this weekend. Magdate tayo, yung tipong friendly date. Game?" Bakit parang excited siya.
So, this is it? Ang galing ko naman pala sa mga chat thingy. Isang beses pa lang pero bull's-eye na kaagad.
"Ah edi pwede ako magsama ng kaibigan, kasi diba sabi mo friendly date?" hindi ko kaya na makaone-on-one siya sa isang table on a different level na. Kasi nga diba, hindi lang kami classmates kundi chatmates pa.
"Pwede bang tayong dalawa na lang? Para malaman ko pa nang buo iyong pagkatao mo, at ganun din sayo." Kampante niyang sagot.
"Ahmm sige, basta ok ako kahit saang place."
Sabay na kaming bumalik sa room para sa second subject namin.
Sa bilis ng takbo ng oras ay hindi ko na namalayan na uwian na pala. Hindi kami masyadong nag-uusap ni Caleb sa loob ng classroom para iwas isyu na din.
Palabas na ko ng gate habang tinetext si Hanna kung pwedeng magchill muna kami.
"Alex! Wait!" Si Caleb tong sumisigaw
BINABASA MO ANG
The Hopeless Romantic Idiot
Ficción GeneralLove, Drama, Bully, Secrets, Sex..... I'm Alex Monterozo, your typical guy, ahmm to be more specific, gay guy. Naghahanap ng love sa mundong punong puno ng kasinungalingan at pagpapanggap. Dapat ko bang hanapin ang love or hintayin na lang? Wha...