Nagising ako sa isang malakas na kalabog.
"Shit sorry pre, nagising ka pa tuloy." paumanhin ni Seb.
"Ano ka ba ok lang yon, by the way anong oras na ba? Nakatulog pala ako kagabi ng di manlang nagpapalit ng damit" sabi ko habang naguunat unat ng katawan.
"5 am palang, gigisingin nga sana kita kaso mukhang pagod ka kaya pinabayaan na lang kitang matulog"
"Oo eh medyo napagod lang ako kakaisip sa mga bagay bagay" medyo natutulala ko pang sabi.
Naalala ko tuloy yung dating app na dinownload ko kagabi. Hinanap ko yung phone ko sa kama ko. Shit!!! bakit ayaw mabuksan?
"Baka dead batt na, iniwan mo yatang nakaopen phone mo kagabi eh" biglang pasok naman ni Seb.
Bigla tuloy akong kinabahan, may chance kayang nakita niya yung nakaopen sa phone ko? Paano na ko nito, mabubuko na ko.
"Ahhmm.. Ssige charge ko nga muna to, malamang na lowbatt na ko." Medyo kabado kong sagot kay Seb.
"Pagkacharge mo jan eh tulungan mo kong lutuin tong breakfast natin ah, alam mo naman, hanggang pritong basic lang ako" pacool niyang sabi.
"Sige saglit lang"
After kong icharge yung phone ko, inopen ko agad ung dating app. Inayos ko yung profile ko, wala akong nilagay na picture ko kasi nga diba ayokong malaman ng iba na gay ako.
Nacurious ako doon sa room na mobile chat so pumasok ako doon. Ang dami kong nakitang naka online, may taga ibang bansa like USA, Japan, India... basta marami pero may nakita akong nakaonline na isang Philippines.
Viniew ko yung profile niya, puro pictures ng well built na katawan pero may pagka lean naman. Tinignan ko pa yung bio niya, nabasa ko doon na position: versa. Like ano yon? Naguluhan ako bigla, pero nagtaka ako dahil nakalagay sa note niya eh interested in both men and women. So in other words, bisexual siya? Hay ang gulo, add ko na lang nga to para next time ichachat ko siya about sa dating app na to at para na rin may friend na ko dito.
"Hoy kanina ka pa jan Alex ah, ano bang ginawa mo jan?" Sigaw ni Seb mula sa kitchen.
"Wait eto na, chineck ko lang yung mga messages sakin ni Hanna pati ng parents ko" palusot.com ko sa kanya.
Dumiretso na ko sa kitchen at tinulungan kong magluto si Seb.
After 35mins, natapos na din kami.
"Ahmm Alex kumusta pala parents mo?"tanong sa akin ni Seb.
"Hindi ko pa nga sila nakakausap maski sa chat manlang" medyo malungkot kong sabi.
"Akala ko ba nagmessage na sila sayo?" Nagtatakang tanong sa akin ni Seb.
"Ha? Sinabi ko ba yon kanina? Hahahahahah" sana hindi niya mahalatang nagsisinungaling ako.
"Ok sabi mo eh"
"Nga pala, anong oras pasok mo?"pa segway ko para maiba na yung topic.
"10 am pa. Medyo malaki pala yung university natin, kaso maraming estudyante."
"Well ganun talaga kasi university nga diba. Expected na yon kasi maraming course na inooffer yung school natin."
"Eh kumusta naman sa college of engineering? Marami bang chicks?" Excited na tanong ni Seb.
"Ahhhm... medyo nagaadjust pa ko kasi halos all boys kami kasi nga engineering, pero meron pa rin namang mga girls, kaunti nga lang" explanation ko sa gutom na gutom sa babae na si Seb
"Ah nice, pabor pala sayo hahahha" sabay wink sa akin.
Shit hindi kaya alam na niya?
"Baliw bakit naman pabor sakin?" Kinakabahan ako sa isasagot niya.
BINABASA MO ANG
The Hopeless Romantic Idiot
Fiksi UmumLove, Drama, Bully, Secrets, Sex..... I'm Alex Monterozo, your typical guy, ahmm to be more specific, gay guy. Naghahanap ng love sa mundong punong puno ng kasinungalingan at pagpapanggap. Dapat ko bang hanapin ang love or hintayin na lang? Wha...