Book II: Chapter 4

2.1K 99 18
                                    

            (🔝Photo of Luke Tomas🔝)


Nagyakapan kami ni Luke na tila wala ng bukas. Noong sinabi niyang mahal niya ko ay parang sumabog lahat ng nararamdaman ko. Ang sarap talaga sa feeling kapag alam mong mahal ka ng taong mahal mo.

May clue naman ako kung bakit ganoon na lang siya kaalaga sa akin. Noon pa lang ay may kutob na akong hindi lang friends ang gusto niya sa akin.

I know na deserve ko namang magmahal muli. Siguro sapat na rin yung 6 years para makalimutan yung mga magagandang memories na pinagsaluhan namin ni Caleb.

Naiisip ko nga minsan, siguro nakamove on na rin sa akin si Caleb, siguro meron na rin siyang taong minamahal.

Pero ganun pa naman, I will do my best na magwork itong relationship namin ni Luke. Sana talaga si Luke na yung forever ko.

(Cellphone ringing)

Umalis din naman si Luke sa dorm ko after niyang ibalita sa akin yung result ng exam at siyempre after naming mag-aminan.

Ayaw niya pa nga sana dahil icecelebrate daw namin yung pagiging top 9 ko. Pero tunawag kasi yung Papa niya, urgent daw kaya no choice siyang sumunod sa utos.

Nakita kong si Mika yung tumatawag.
Shit! Nakalimutan kong tignan yung result ng exam nilang dalawa.

(Voice call)

Mika: Congrats Alex!!! We really made it!!!

Alex: Thanks Mika!! Wait tignan ko nga yung result ng sayo.

Unang kong nakita yung Top Notcher list.

Halos lumuwa yung mata ko ng makita ko kung sino yung top 1.

1. Morales, Mikaella
2.
3. Sy, Jake
4.
5.
6.
7.
8.
9. Monterozo, Alex
10.

Alex: Fvcker, top 1 ka Mika. Tapos si Jake, top 3!!!

Mika: Hmm hmm.

Alex: Ang bait naman ni God sa ating tatlo, akalain mong nasa top 10 list tayo.

Mika: I know right. Pero we really deserved it. Binigay lang natin yung best natin.

Alex: Icelebrate natin yung result, tawagan mo si Jake.

Mika: Hahahah, buksan mo yung pinto mo.

Alex: Ha? Bakit naman?

Mika: Dali na.

Binuksan ko nga yung pinto ko at nakita ko si Jake at Mika. May dala dala silang cake, softdrinks, etc.

"Hayup! Nandito lang pala kayo." Sabi ko sa kanila sabay group hug.

"Hahaha gusto ka lang naming isurprise." Sabi naman ni Jake.

Pinrepare na muna namin yung foods at saka nagsimulang magkwentuhan.

"Shit, hindi pa rin ako makapaniwalang Engineer na tayo. At hindi lang yon, top notchers pa." Sabi ko sa kanila.

"Oo nga eh, para hanggang ngayon lutang pa rin akong sa cloud nine." Sabi ni Jake.

"So anong balak niyo?" Tanong sa amin ni Mika.

"Syempre magwowork agad ako. Kayo ba?" Sabi naman ni Jake.

"Ako rin magwowork, para makatulong na kela mama at papa." Sagot naman ni Mika.

"Ikaw Alex, anong next step mo?" Tanong ni Jake aa akin.

Actually hindi ko pa nasasabi sa kanila na aalis na ko dito. At maninirahan na sa States. Medyo nakakalungkot na sabihin yung balita dahil naging bestfriends ko na sila for a very long time.

The Hopeless Romantic IdiotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon