Chapter 14

2.1K 89 23
                                    

"Pero paano?" Tanong ko kay Seb.

Hindi ako makapaniwalang bisexual si Seb. Look, hindi ko talaga maimagine na nakikipag sex siya sa kapwa niya lalaki.

Napaka manly kasi niya kung titignan mo. Badboy pa nga kung umasta kaya hindi mo mapag iisipang bisexual siya.

"Ganito kasi yan, hindi talaga ako bisexual since birth. Kelan ko lang din namramdaman na naattract ako sa lalaki, pero sa isang lalaki lang."

"Sa isang lalaki lang? Pwede ba yon?" Nagtataka kong tanong.

"Kasi pag naiisip kong nakikipagtalik ako sa boys eh nandidiri ako. Pero kapag sa kanya eh parang pleasure ko pa."

"Sa tingin ko eh in love ka na jan sa lalaking yan."

"Sa tingin ko nga din. Unang kita ko palang sa kanya ay nakaramdam na ko ng hindi ko maipaliwanag na feelings." Sabi sa akin ni Seb.

"Hala na bakla ka na talaga sa taong yon ah."

"Bakla na kung bakla, wala eh mahal ko na yata." Kibit balikat niyang sabi.

"Eh what if hindi pala siya pumapatol sa kapwa niya lalaki?"

"Nope, I am 100 percent sure na attracted siya sa lalaki." Confident niyang sabi sa akin.

"Eh kung ganon naman pala eh ligawan mo na. For sure hindi ka don mababusted." Pagpapalakas ko ng loob niya.

"Sa tingin mo?" Alangan niyang tanong.

"Oo, pogi ka naman at mabait pa."

"Talaga?!" Tuwang tuwa naman si Seb.

"Joke lang, nagpapaniwala ka naman sa akin masyado hahahaha."

"Siraulo ka talaga!"

Sabay bato niya ng unan sa akin. At naghampasan kami ng unan hanggang sa mapagod kami.

"Alam mo ang swerte ni Caleb sayo, sana nga lang eh hindi ka niya lokohin." Seryosong sabi sa akin ni Seb.

"Swerte rin naman ako sa kanya eh. Mabait siya, maaalaga, at sa tingin ko naman eh hindi niya ko lolokohin. "

"Sana nga." Walang gana niyang sagot.

8pm na ng mapagpasiyahan naming matulog na.

Pagkagising ko ay naligo na agad at nagtoothbrush. At dahil walang laman yung ref ay wala akong breakfast. Kaya nag iwan na lang ako ng note kay Seb na siya muna bumili ng grocery dahil mamayang tanghali pa naman pasok niya.

Tinext ko si Caleb habang papasok na ko sa school. Sabi ko magkita muna kami sa cafeteria para sabay kaming mag breakfast.

Hindi siya nagreply kaya tinawagan ko siya, at wala ring sumasagot. Baka tulog pa, ano na naman kaya yung ginawa niya at napuyat siya.

Nag order ako ng peanut butter sandwich and black coffee.

Napaka relaxing din pala dito kapag umaga, lalo na't ang konti pa lang ng tao dito.

(Bell ringing)

Nagbell na rin at umalis na rin ako sa cafeteria para umattend ng first class.

Pagpasok ko sa room ay hinanap ko na agad si Caleb. Pero bigo ako dahil wala akong nakitang Caleb sa room.

Naghintay ako habang wala pa yung professor.

"Good morning Alex." Bati ni Jake sa akin.

"Good morning din Jake." Pagbati ko rin sa kanya.

"Absent si Caleb?"

"Ah ewan ko dun, di ko rin alam eh."

"Ah ganon ba, sige na balik na ko sa seat ko paakyat na daw si sir."

The Hopeless Romantic IdiotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon